Ikaw at ako, tandaha’y tayo’y pinagtagpo
Pinagtagpo ng panahon ngunit tila hindi ito sumasang-ayon
Ating mga puso’y walang tigil sa pagtibok ng sinlakas pa sa mga alon
Ipinikit ang aking mga mata, sa dilim ikaw pdin ang nakikita ko sinta
Paulit ulit ko naririnig ang mga katagang
“mahal, ako nalang. Ako nalang sana
Gustuhin ko man maniwala
Subalit ang isip ko ay napapariwara
Takot ang naramdaman habang ika’y hinalikan
Ngunit mahal, sabay natin subukan
Tayo ay sumugal, Subukan nating ipag laban,
Handa na akong magkamali, sapagkat ito lamang ay mga nakaw na sandali
Gustong gusto ko na itama ang pagkakamali
Gusto ko ikaw ay makasamang kong muli
Muli natin ipikit ang ating mga mata
Ngayon alam ko, ako ay naka handa na
Handa na ‘kong mahalin ka ng lubus-lubusan, aking sinta
Puso ko’y nakahanda nang sumabak sa giyera
Isisigaw kong mahal na mahal kita
Wala man akong dalang sandata
Pangako mahal ko, ipaglalaban kita
Matamaan man ng libo libong mga bala
Isinusumpa ko sa milyong milyong mga tala
Milya milya man ang pagitan ng ating mundo
Ikaw at ako mahal ko, pang habang buhay tayo
Photo Credits: http://www.playcast.ru/view/10491979/a66177d1eb3dd164eac07dc6610a5a00eab4e513pl
Resteem, Comment, and Upvote
Wow what a lovely poem but yet so painful line :(