O bulaklak sa ulan, ikaw ay aking pinagmamasdan, sa ilalim ng ulan at malakas na hangin, ikaw ay kayganda padin na pagmasdan. Sa malamig na panahon, salamat at ikaw parin ay makulay at berde ang iyong dahon, kahit na hindi maaraw ang panahon, may tulong sayo ang ulan, ika’y natutubigan ito ay maganda para saiyo halaman!
Sa makulimlim na panahon, ikaw ang nagpapakulay, pagtapos ng ulan, sana may bukang liwayway, para manatili at tumingkad ang iyong magandang kulay.
Sa simpleng paraan, pag ikay nakikita, ang loob ay gumagaan. Sa iyong gandang angking taglay, napakaganda din na ikaw ay alagaan at maging dekorasyon sa isang bahay! Kahit ang kulay ng tahanan ay simpleng puti, pag ikaw ay napagmamasdan, kasama ang ibang kulay na bulaklak, ang simpleng kulay puti, parang nagiging bahaghari!
Ay kayganda talaga ng mga bulaklak! Ang mga dahon nito ay berde at masigla ang kulay. Ang iyong bulaklak ay kulay dilaw at lalo pa itong sumisigla kapag nasikatan ng araw. At sa araw araw na pagdidilig, kapag ito ay hilig, pag nakikita na ang mga bulaklak na nabubuhayan, sadyang nakakakilig!
Minsan, bulaklak din ang ginagamit kapag nanliligaw sa iyong iniibig. Isang rosas na mapula, at mga bulaklak na kay gaganda, ibinibigay sa nililigawan, at ang hatid nito, ay ngiti.
Magandang bulaklak, kapag umuulan, ikaw ay nagbibigay kulay, kapag may araw at ika’y nasikatan, kay ganda ng kulay, buhay na buhay!
Maraming salamat sa pagbasa sa aking pinakaunang tagalog na post! Sana naenjoy mo ang pagbabasa!
Thanks for reading my first tagalog post!
@surpassinggoogle is such a generous person and has a very big heart for all of us here. Please support him as a witness by voting him at https://steemit.com/~witnesses and type in "steemgigs" at the first search box.
If you want to give him witness voting decisions on your behalf, visit https://steemit.com/~witnesses again and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.
Nice poem.
Steem On!
galing. more pa sir.