GOOD EVENING MADLANG PEOPLE! when i open my account in my feed, i read a lot about #ulog and #ulogs. so i want to make my first post to #ulog this poem. so ito po ay isang tula tungkol sa kahit na gaano pa nila kamahal ang isat isa ay hindi talaga sila itinadhana hanggang sa huli. kahit anong pang pilit na gawin kung kayo ay hindi para sa isat-isa sa huli ay hindi talaga kayo pagtutugmain ng mundo.. please take time to read guys..
"IKAW AT AKO AY HINDI PAGTUTUGMAIN NG MUNDO"
Kailan sisimulan kung tila hindi maintindihan.?
Kailan sisimulan kung tila hindi alam ang daan?
Kailan sisimulan kung tila walang katapusan?
Nagbabadiya ang panahon,
Sa pagpatak nito’y tugma sa kondisyon.
Paano sasabihing tutuloy pa ako,
Kung tila hindi tugma ang tibok nating dalawa.
Nakakatakot pagmasdan na tila may kulang.
Ako, Ikaw na hindi nagsasabay,
Sa paglalakbay na naging isang bulang walang kapantay.
Nababagot, nasasaktan, saan ba magtutugma?
Hanggang kailan, hanggan saan
Hanggang hanggan na lang ba?
Ako? Hindi ako isang mundo,
Na palaging nagbabago sa paglipas ng bagyo.
Ngunit ako’y bihira ring maging isang bituin,
Dahil ikaw ang siyang nagiging manining sa paglabo ng pangngin.
Sa gabing madilim, na yakap mo’y siyang hinihiling.
Saan magtutugma kung mundo’y ibang-iba?
Hindi maintindihan kung ako’y tanga lang,
Na tila parang isang kampana,
Na kailangang hamapsin upang magising pansamantala.
Katotohanang hindi kailanman magtutugma,
Ang tulad mo sa tulad kong ordinary lamang sa mga mata mo.
Hindi ka mataas, hindi din ako mababa.
Hindi ka mayaman, hindi rin ako mahirap.
Hindi ka gwapo, hindi rin ako maganda.
Pero may isang tanging nagtataglay ng kasiguraduhan.
IKAW, AT AKO, HINDI PAGTUTUGMAIN NG MUNDO.