Maskara - a little poem written by a friend

in #poem7 years ago

This is Written in Tagalog..
Language of the Filipino

b4c503f5aeb8c46edb9864fa6e99f8bc.jpg

MASKARA
Eto naman sa aking selda
Suot-suot tanging maskara
Maskarang nagsisilbing panangga
Sa sakit na nadarama
Ngiti at saya iyong makikita
Pero pawang ilusyon lang sinta
Nagkukubli sa isang maskara
Matang nangungusap maging masaya
Ninanais makalaya sa kakaibang mundo
Mundo na puno ng lungkot at panibugho
Sinta pagod at litong-lito
At ito'y pawang totoo
Dinadaan sa paglikha ang lahat
At dito laging nilalapat
Luha parang tubig na kay alat
Teleserye ng buhay parang naliligaw sa gubat
Parang kandilang unti-unting nauubos
Ulan kay lakas ang buhos
Boses kay sakit at namamaos
Alaala ng nakaraan hanggang ngayon nakagapos
Tunay na nadarama binubulong sa hangin
Dito sinasamo ang mga dalangin
Pilat ng kahapon iyong masisilayan sa akin
At kay hirap palayain
Mapagkunwaring pagkatao
Parang apoy na nakakapaso
Nagtatago sa kanyang pulo
Na para bang patay na puno
Lutang na kaluluwa
Maskarang nagsisilbing anino ng iba
Ika'y ba naguguluhan na sinta
Dahil ibang anyo na ang iyong nakikita
Ingay at sigaw sa kaibuturan
Totoong anyo sana ay maisakatuparan
Sapagkat ako'y nahihirapan
Dahil di na maunawaan ang samahan
Pader na kay taas ang harang
At walang kasing parang
Diyan sa puso mo ako'y isa ng siwang
Sa maskara sinisisi ang pagkukulang

@Verethragna

Sort:  

Ang galing talaga ng pinoy! Keep up the good work @Verethragna ;)