"SALAMAT" tula para sa aking kaibigan.

in #poem7 years ago

IMG_3402.JPG

SALAMAT

Ang tulang ito ay para sa kaibigan kong nasa tabi ko nung nasaktan ako.
Para sa kaibigang tinulungan kong makalimot.
Para sa kaibigang tinulungan kong mawala sa puso ang galit at puot.
Para sa kaibigang nasa tabi ko para maibsan ang kirot.

Hindi ko lubos maisip kung bakit ka niya ipinagpalit.
Hindi kita masisisi kung ikay magagalit dahil
Hindi ko makita sa mukha mo ang bakas ng salitang “Pangit”
Pero isa lang ang masisiguro ko,
Baka bayag mo ay maliit.

Bitaw na kung ikay nakakapit pa
Bitaw na kung sa tingin mo may pagasa pa pero sa totoo lang ay wala na.
Bitaw na dahil kung hindi siya para sayo, may ibang babae jan na handa kang mahalin nang tapat at totoo
Bitaw na sa pag aakala mong babalik pa siya
Bitaw na dahil ayokong nakikitang nasasaktan ka.

Salamat sa mga masasayang alala kasama ka
Salamat sa mga panahong nandyan ka nung nasaktan ako
Salamat dahil kahit minsan nakakainis ka pinapatawa mo parin ako
Salamat sa pag aalaga at pag aaruga
Salamat, dahil nabuhay ka sa mundo para samahan ako sa hirap at sa ginhawa.
Salamat, mabuhay ka kapatid💖

IMG_3078.JPG

Sort:  

Nice poem:)
Salamat.

Take some imaginary @teardrops (smart media tokens). You can read about these special tokens Here!!!