Gusto mo yumaman?!?? Gusto mong hindi nauubusang pera?!? Gusto mo ng sobra sobrang pera??!?
Mahigit walong taon na akong nagttrabaho. Walong taon na akong nagbabayad ng buwis dito sa ating bansa. Umasenso ba? Siguro masasabi mong oo. Napapakain ko na ang aking pamilya ng higit pa sa nararapat. Nakakapag liwaliw pa rin kahit papaano. Nakakapag bakasyon pa din kahit minsan sa isang taon. Nakakabili pa rin naman kame ng masasabing luho na lang ng tao. Kahit papano ay nakakapag bigay pa kame sa aming magulang at nakakatulong sa mga kamag anak.
Ngunit, kahit sinong tao ang tanungin mo ay gugustuhin pa rin na kahit papano'y gusto pa ring umangat sa buhay. Nagnanais pa rin sila na makatikim ng mas hihigit pa sa kabuhayan nila ngayon. Magkaroon ng sariling bahay sa isang marangyang lugar, magarang kotse sa hindi lamang iisa, masasarap na pagkain sa hapagkainan at bakasyong engrande. Wala namang masamang mangarap hindi ba?!
Halos araw araw kong naiisip na, paano kung tumama ako sa lotto? Ano kaya ang gagawin ko? Sarap! Mangarap! Hindi ko na nga alam kung paano ko gagastahin ang perang hindi ko pa nga nahahawakan! Hahaha!
Pero sa pagtatapos ng araw, ang nais ko ay maging masaya. Hindi ako nagaasam ng sobra sobrang kayamanan. Ayos na ako sa sapat na kung meron kami ngayon ng aking pamilya. Basta walang magkakasakit at makaipon ng makakatulong sa anumang emergency na harapin. Makaipon para sa pagaaral ng aking anak. Hindi kami magutom sa isang araw. Yan ang buhay na pinapangarap ko.
Posted using Partiko Android