Ika Dalawamput Tatlong Edisyon ni Tagalog Trail

in #pilipinas7 years ago (edited)

Screenshot_26.jpg

Pinagkunan ng larawan

Isang bagong araw na naman upang ilathala ang aking mga napili para sa arawang edisyon ni Tagalog Trail. Ngayong araw ay may umulit tayong awtor na talaga namang nagpapa malas ng kaniyang talento sa pagsulat sa likhang Tagalog. Sa totoo lang ayaw ko muna syang ilagay pero magaling talaga at dahil sa sya ay magaling talaga kailangan i recognize ng maigi.

Lihim na Pag-ibig ni @rodylina

Ang kwentong ito ay reply sa tulang Pagbangon ni @aboutart para sa patimpalak sa biglaang kolaborasyon ika-apat na araw ng @tagalogtrail .

Kailangan mong basahin ang kwentong nalikha nya para sa patimpalak dahil sa mga nabanggit.

  • Napapanahon ang plot twist
  • Tungkol ito sa pag-ibig
  • Napatunayan na WALANG FOREVER

Mahusay talaga ang pagkakalikha niya dito sa akdang ito. Mahirap maging biased pero isa na si @rodylina sa mga sinusubaybayan kong manunulat sa ngayon pagdating sa pagku kwento. Tinatawagan ko sila @johnpd at @tpkidkai asan na ang mga kwento niyo?

KAMUSMUSAN - ALA-ALA NG KAHAPON (FILIPINO-POETRY) ni @filipino-poetry

Aking nagugunita sa aking isipan
Yaong mga araw ng aking kabataan
Tuwing umaga ay patungo sa eskwelahan
Kahit ayaw ngunit kailangan
Upang ako’y huwag kagalitan.

Ito ang pangalawang araw niyang lumikha ng akda sa steemit.com yung una nyang tula na Magsasaka ang husay na. Tapos ngayong itong sinunod nyang likha ginalingan din. Bagay nga sa kaniya ang pangalang @filipino-poetry at matalino din yung pangalan.

TAWAG NI INANG KALIKASAN ni @aaronplando

Magsiupo kayo sa lilim ng dapdap at inyong langhapin ang simoy ng dagat,
Ang taghoy ng along taboy ng habagat
Ay pakinggan ninyo't daing ng pagliyag.

Babala: Medyo malalalim na salita ang ginamit 😜 😜 walang halong biro ang iba sa mga salitang ginamit dito ay hindi mo na magagamit o mababasa sa regular na akda na aking nabasa. Buti nalang pamilyar ako sa mga nabanggit hahaha. Ang tula ay tumutukoy sa kung paano tayo tinatawag sa nakakahalinang taglay ni Inang Kalikasan.

Ang 50% na SBD na Reward mula sa ika 17 na edisyon ay naipadala ko narin po sa mga napili noong isang Linggo.
Salamat po sa mga nagsusulat sa likhang Tagalog at sa inyong walang sawang pagsuporta sa adhikain ni TagalogTrail.
Ang proyektong ito ay kolaborasyon ng mga manunulat sa wikang Filipino. Tayo ang TagalogTrail ( para na akong politiko nito 😆 😆

Sort:  

Salamat sa pag feature @tagalogtrail, at congratulations din sa mga kapwa ko na feature sa araw na ito.

Walang anuman. @rodylina hehe ang galing kasi talaga eh. Di pwedeng hindi makasama


Maraming salamat sa pag suporta @tagalogtrail
sa ating mahal na wika. Isa kang tunay na Filipino!

Ikaw din @filipino-poetry salamat sa paglikha ng mga obra sa ating wika. Patuloy lang tayo 🙌