Ika Dalawamput Apat na Edisyon ni Tagalog Trail

in #pilipinas7 years ago

Ngayong araw narito ang mga akda na aking nakita na sadyang nagbigay saya sa aking adhika.

Screenshot_26.jpg

Pinagkunan ng larawan

Ngayong araw, ang aking mga napili ay sumasalamin sa mga bagay-bagay gaya ng bromance, pagkatorpe at higit sa lahat forever (WALA PARING FOREVER!)

Sinulat lang sa Papel (karugtong ng tula ni @fherdz) likha ni @beyonddisability

Mahal kita, ibubulong na lang sa hangin
Magkakasya na lang sa nakaw tingin
Bakit hindi sinabi noon pa ang damdamin
Pinigil ang busilak na pagtingin

Para sa akin ang sinipi kong mga linya sa taas ang pinaka puso ng tula nya, pero sympre para sa akin lang yun pwede kayong mag-isip ng ibang linya doon pero maganda ang kaniyang pagkaka twist sa likha ni @fherdz. Yung iba ding likha sa biglaang kolaborasyon nung kay @fherdz magagaling din.
P.S. sa April 14 na ang huling palugit para sa kanyang tula, kung may oras ka pang gumawa at mag-isip ng plot twist pwede ka pang sumali


Nalinlang (Isang Maikling Kuwento) ni @jemzem

ISANG masamang tingin ang ipinukol ni Buddie sa akin nang makita niya ang masayang pag-uusap namin ng kaibigan kong si Boy. Napaawang na lamang ang aking bibig nang mahagip ng aking paningin ang tuluyang paglapit niya sa kinaroroonan namin.

Sa bromance din nauwi ang kwento, grabe nakakadalawang akda na ito na tungkol dyan at parehas na entry pa ito sa biglaang kolaborasyon ni @aboutart. Hahaha okay din naman ang kwento may sayang dulot.


Birong Mapait, Tamis ang Kapalit ni @jamesanity06

Panahon ng kamusmusan nang tayo unang magtagpo.
Mga batang paslit, nagkakila sa ngalan ng laro.
Ipinakilala ka sa akin ng kaibigan kong, kaibigan mo rin.
Di ko sukat akalaing kalaunan ika'y aking mamahalin.

Mahal kita kaso, di pa bata pa tayo eh. Magagalit pa si Papa at Mama. Tsaka di tayo pwedeng mag date kasi cleaners ako. Hay... batang pag-ibig pero ayos ang kaniyang likha mula simula hanggang wakas. Parang binibigay ng awtor ang ideya na kung sila talaga edi sila na. Sana lahat diba?



Ang 50% na SBD Reward mula sa ika 18 na edisyon ay akin nang naipamahagi sa mga napili ko noong nakaraan. Muli maraming salamat po sa pagtangkilik sa wikang Tagalog at isang mapagpalang araw po.

Sort:  

Congratulations @tagalogtrail! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

Award for the number of upvotes received

Click on any badge to view your own Board of Honor on SteemitBoard.

To support your work, I also upvoted your post!
For more information about SteemitBoard, click here

If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

Upvote this notification to help all Steemit users. Learn why here!


Magaling mga kaibigan ipag patuloy nyu lang sana ang
pag susulat ng tula at kwentong tagalog.