Nakakabinging tunog ng baril,
Mga bombang pinasabog na maraming buhay ang kinitil,
Kaguluhan sa bansa ay hindi na mapigil,
Bansang Pilipinas, hindi nga ba pasisiil?
Bakit nga ba nangyayari ang mga ito?
Puro patayan kahit saan mang anggulo!
Maraming inosente ang nabibiktima ninyo!
Katahimikan ang sigaw ng bawat Pilipino!
Mga Mata ay Walang tigil sa pag iyak,
Dahil sa pagod at takot na namamayani sa puso't utak,
Walang magagawa kundi lumaban at humawak ng itak,
Dahil kaligtasan moy hindi na matitiyak.
Ilang buhay pa ang ibubuwis?
Ilang Pilipino pa kaya ang tatangis?
Ilang ngiti pa kaya ang mawawalan ng tamis?
O ilang taon pa kaya tayong magtitiis.
Kailan nga ba matatapos ang kaguluhan?
Upang katahimikan ay atin ng makamtan!
Maawa kayo sa mga taong naiiwan!
Ng mga Pilipinong matatapang na lumalaban para sa kapayapaan!.
Ina naming bayan, magpakatatag ka!
Tumayo ka sa iyong pagkakadapa!
Wag kang papatinag sa anumang sakuna,
Ipakita mong isa kang Bansang Kahali-halina.!
photo credit to pixabay.
Kaya nama'y minsan, tumitingin na lang ako sa taas at humihingi ng patawad para sa lahat.
Madamdamin pu ang inyong paglalahad ng nangyayari sa ating bansa. Gayunpaman, tayong mga Pilipino pa rin ang magtutulungan at mag-aahon sa sarili nating bansa.