KAPITAN KAPIT-AN

in #pilipinas7 years ago

Kakatapos lamang ng barangay elections noong nakaraang linggo. Inanunsyo na rin siguro ang mga kandidatong nagsipagpanalo. Malamang ang ilan sa mga nanalo ay namuhunan ng malaki upang mailuklok sa pwesto samantalang ang iba naman ay naihalal nang dahil lamang sa sila ay karapat dapat. Ang ibang kandidato ay maaari ring nanalo dahil sa sila ay anak o kamag-anak na rin ng dating pulitiko. Ang tanong, naiboto ba ang karapat dapat?

Sa aking pagmamasid, ang mga nangandidato ay kani-kaniya ng mga estilo upang makapanghikayat ng mga botante. Ang iba ay namigay lamang ng mga "flyers", ang iba ay may kasamang pa-kendi at biskwit. May ilan din na nagsabing magkakaroon ng konting salo salo pagkatapos ng eleksyon kung sila ang iboboto. Ang pinaka matinding mga kandidato na gusto talagang manalo ay nagsipit ng kaunting pera sa kanilang mga ipinamimigay na mga "flyers" na nangangahulugang sila ang iboto. Sabi nga nila, "Tanggapin ang pera, pero iboto ang karapat-dapat." Gayunpaman, sana ay hindi tayo nasilaw sa salapi at ginawa pa rin ang tama. Ang bawat boto natin ay mahalaga dahil ito ay para sa ikauunlad ng ating barangay. Sana ay pinili natin ang mga tunay na makakapitan.


source:pixabay

Sort:  

I agree with @fherdz :D Cge tanggapin ang pera, iboto ang kursunada :D

Sabi nga nila @superdad, Kunin ang pera IBOTO ANG KURSUNADA. hehehe