Hindi ba't nakakamangha ang ating buhay na ibinigay sa atin ng Poong Maykapal? Simula pa lamang noong ikaw ay bata pa. Noong una mong nasilayan ang mundo at unang beses mong marinig ang ingay ng paligid na tila musika sa iyong pandinig. Noong na kang natutong maglakad at magsalita. Noong unang beses kang nakahakbang at nakatakbo. Hindi ba't kasabik-sabik ang mga pangyayaring iyon? Hindi ba't parang pabalik-balik lamang ang mga pangyayari sa ating buhay na para bang gulong na umiikot? Noong bata ka pa lamang ay nasisiyahan ka sa kaunting bagay na natatamasa mo. Iniiyakan mo ang mga simpleng bagay na nakakapagpalungkot sayo. Nang ikaw ay lumaki at nagkaisip nagiging masaya ka sa mga bagay na noong bata ka pa ay hindi mo maintindihan. Iniiyakan mo ang mga bagay na kay lalim para maintindihan mo nung bata ka pa. Dati ay ginagastusan ka ng dayaper at gatas ng iyong mga magulang upang ikaw ay lumakas at kapag naging matanda na at uugod-ugod na yun din ang ibibili sayo. Hindi ba nakakatuwang isipin? Sa pag-usbong mo, ikaw ay malalanta din sa lupang iyong tinubuan.
photo credit to pixabay