Tula 28: Kulang

in #philippines7 years ago (edited)

Kulang

By: @christyn


Pagsikat ng haring araw
Ikaw lang ang gustong matanaw
Dahil puso koy baliw
Presensya mo, dala ay aliw

Katabi't kausap
Mata koy nangungusap
Na sana'y tumibok din
Ang puso mo para sa akin

Hatid at sundo sa bahay
Ayaw ka ngang mawalay
Pagkat ikaw ang buhay
At nagbibigay kulay

Kakwento sa araw at gabi
Boses ay naririnig parati
Musika sa pandinig
O sadyang ito'y pag-ibig

Pero kaibigan parin ang turing
Wala damdamin para sa akin
Ito'y ilang buwan ng hiling
Na tinangay lang ng hangin

Kailan pa ba kailangang hintayin
Na baka sakaling ibigin mo rin
O ang lahat bay kahibangan lang
O sadyang ako ay kulang.

ECB0D4DA-D995-467A-AA16-2B1DD1171089.jpeg
Pinagkunan ng Imahe


Minsan sa buhay, hindi mo alam kung ano ang iyong gagawin at minsan kahit alam mong tama ang iyong ginagawa pero parang di parin sapat ito. May kulang ba talaga? Ito ay madalas na nagbibigay sa akin ng sakit ng ulo. Ngunit ang mas masakit ay ito'y ay nagbibigay ng totoong kurot sa puso.

Ngunit huwag nating isipin na tayo ay kulang o hindi sapat. May pagkakataon lang talaga na hindi natin nakukuha ang gusto natin sa buhay sapagkat hindi ito para sa atin o may mas higit pa na nakalaan para sa atin.


Mga Orihinal na Tula

27 26 25 24 23 22 21 20 19 18 17 16 15 14 13 12 11 10 9 8 7 6 5 4 3 2 1