Hindi Pa Rin Susuko
Ni: @christyn
Sariwa pa sa isip ang iyong paglisan
Kailan matatapos ang pagtanaw sa kawalan?
Hindi ko alam, hindi ko alam
Napasakit ng iyong paalam.
Totoo, ako ngayon ay parang baliw
Baliw sa sakit na dulot ng pagkawala mo
Na tila ba tinangay mo ang buhay ko
Nasaan na ang buhay kong magiliw?
Ngunit hindi parin ako susuko
Alam kong magkikita parin tayo sa dulo
At doon hindi na tayo magkakalayo
Wala ng makapaghihiwalay sa akin at sayo