Image Source
Besh,
Gusto ko lang malaman mo na napapagod din ako. Uu.
Mahal kita, kasi kaibigan kita, diba?
Nandoon ka noong kailangan kita.
Pero, bakit ganoon?
Bakit hindi kita matulungan sa iyong depression?
Alam mo ba besh?
Sa tuwing nagpo-post ka ng patungkol sa iyong depression sa social media, para akong punching bag na bugbog sarado! Ang saket saket!
Kasi parang bini-blame ko na rin ang aking sarili bakit nan dyan pa rin yang anxiety at depression mo
Kahit palagi naman kitang sinasamahan
Palagi naman kitang kinakausap
Palagi naman tayong nagkukwentohan.
Pero andyan parin siya, malungkot ka pa rin!
Hindi parin ako sapat!
Ano ba talaga besh?
Minsan sabi ko sa iyo punta tayo ng simbahan
Magdadasal tayo ng mataimtim sa Kanya upang mawala ang lahat ng sakit o mapun-nan lahat ng iyan.
O diba nag OOTD nga tayo noon ng friendship tshirt natin para dalawa tayong magdadasal para sa paggaling mo?
Umiyak ako ng umiyak sa aking pagdarasal bes!
Ngunit hindi parin!
Minsan sabi ko, baka kulang ka lang ng init ng araw,
Kaya ako naman, hala tinawagan ko lahat ng kaibigan natin para mag-reunion naman tayo, mag outing naman tayo.
Ang saya saya natin sa beach, naghahabulan sa sea shore, naglalaro sa tubig dagat at iba pang water games. Ang saya saya natin.,,
Pero, pag-uwi natin, malungkot ka parin.
Minsan sabi ko. baka gusto mo ng treking
Nagtreking tayo, wala pa rin.
Sabi ko naman mag movie marathon
Nag movie marathon tayo, wala pa rin...
Biking, playing, swimming,... lahat lahat na....
Wala parin.
Alam mo besh, kung nakakahawa ang depression
Matagal na akong nahawa sa iyo.
Mahal kita besh kaya hanggang ngayon akoy nandito.
Magkakahawaan na rin lang sana sa akin ka nalang mahawa.
Masaya ako, pero malungkot na rin...
Besh, pero hindi ako susuko sa iyo.
Kaya kapit karin.
Walang susuko sa laban natin kontra depression.
Besh, tokhang ko lang, i mean, hiling ko lang
Kahit masakit, laban ka lang.
Ito, may bago akong paraan.,,
Pero hindi na ako ang bibida..
Di naman ibig sabihin na akoy mawawala na o sumusuko na
Gusto ko lang magpakatotoo na hindi ko kaya ang depression mo, pero mahal parin kita.
Sasamahan kita sa eksperto.
Punta tayo sa doktor.
Alam ko, siya ang papatay ng depression mo.
Wag kang mag-aalala besh
Paglabas mo sa kanyang clinika,
Ako ang pinaka-una mong makikita.
Besh, laban lang tayo.
Jan ka lang ate...kc hinde naten alam kung ano ang nagpapadepress sa kanila.
Kung isa sya sa mga taong nararamdaman ang mga hinde magandang nangyayare sa mundo,
patayin ang tv, ang social media..
Lahat naman ng kaibigan dapat gamyan ang gagawin. Salamat @bayanihan!
kumusta christyn! :) very powerful pic. yay!
im following u and upvoted now.
Sa pinterest po yan galing 😆😆😆 Salamat po!