BAYANIHAN PARA SA MGA PILIPINO STEEMIANS! PAGTULONG SA MGA BAGUHAN (NEWBIE RESTEEM INITIATIVE)

in #newbieresteemday7 years ago (edited)

1516161518517.jpg

Para sa inyo mga kababayan ko na mga baguhan (newbie's) at hindi baguhan, o matagal ng kasapi ng steemit.

Nais ko kayong anyayahan na makiisa sa bagong proyekto ni @davemccoy at @mudcat36 na tulungan ang mga bagong sali sa steemit na kagaya ko o kagaya mo, sa pamamagitan ng isang proyekto na kanilang tinatag na may pangalang "Newbie Resteem Initiative". Layunin ng proyekto na magsamasama tayong lahat para sa pag-angat ng bawat isa sa larangan ng plataporma ng steemit, at para na rin sa paglago at pagsulong ng Steemit at hindi magaya sa mga ibang plataporma sa Internet na hindi nagtagal at nawalang parang bula.

Pakisuyong tignan ang link na ito:

https://steemit.com/newbieresteemday/@mudcat36/the-steemit-newbie-resteem-initiative-week-1

PAANO ANG PAGSALI?

Narito ang anim (6) na paraan kung nais mong makibahagi sa proyekto.

#1. Kung ikaw ay may pagnanais na makatulong sa mga newbie or baguhan at para makilala at maging matagumpay.(salamat kay @mudcat36)

#2. Madali lang ang gagawin, may kusang loob at pagnanais na tumulong, mag laan ng panahon sa isang araw sa loob ng isang linggo para tulungan ang mga baguhan. (newbie's)

#3. Gumawa ng isang post para sa araw na iyon na nagiimbita sa mga baguhan na ilagay sa kumento (comment) ang kanilang link na nais na ma resteem o muling ma ipost.

#4. Sikapin na himukin sila ay mag iwan ng komento o link para iyong basahin, rebesahin kung naangkop na ma iresteem. Nais naming sanayin ang mga bawat isa at himukin. Mainam na paraan para maging epektibo.

#5. Palaging ilagay ang paunang tag na #newbieresteemday sa iyong post para madaling makita ng iba upang sila ay mag komento, mag upvote at mag resteem. Isa sa epektibong paraan sa pagunlad.

#6. Magbigay ng paanyaya sa iyong mga kaibigan, tagasunod o kapwa steemian na makibahagi sa ating layunin at magkaisa na pasulungin ang ating bayanihan para sa pag angat ng bawat isa. Layunin ni @mudcat36
na magkaroon ng 15 founding members o higit pa. Pakisyong tignan ang link na ito:

https://steemit.com/newbieresteemday/@mudcat36/the-steemit-newbie-resteem-initiative-week-1

Simple lang ang Bayanihan, kaya tayo na at makibahagi.

Sa ngayon ito lamang ang impormasyon na dapat mong malaman, sundin ang anim (6) na paraan at tulungan natin ang mga baguhan na magtagumpay. Subukan mo at maari kang ma-ispatan o makita at maging founding member sa hinaharap. Ito ay kusang loob, walang bayad ang pagsali o malaking oras na kailangang gugulin. Ang mabuting puso at kusang loob na naisin na makatulong sa iba ang magtutulak sa iyo na sumali at makibahagi. Kaya, halika na, hawak kamay at tayoy mag bayanihan.

#newbieresteemday ay opisyal na ipinapakilala.

Palagiang maging mapagkumbaba at mabuti.

Ako si @sweetcha ay naatasan ni @mudcat36 na isalin sa wikang Pilipino ang post na ito ni @davemccoy para sa ikauunawa ng mga kababayan kong filipino. Isang karangalan na ako ay maatasan isang proyektong may puso.

https://steemit.com/newbieresteemday/@davemccoy/its-here-its-launched-come-join-us-newbie-resteem-initiative

Maraming salamat po at MABUHAY tayong lahat.

Sort:  

igsoon kung pilipino ka mag tulongan sana tayo...

walang anuman leebaong, check mo #steemitachievers madami pinoy doon na gumagamit ng tag na yan, follow mo sila para makita ka nila at makilala madami mga taga cebu doon. Gawa ka lang ng quality post blog para maging matagumpay ka dito. I'm willing to help you kung may tanong ka @leebaong..😊

Great! I will definitely use that tag. You really are my Mentor @sweetcha . This means Lot to me. Superb. See you there.

my pleasure to help newbies like me , hawak kamay to success😊

Opo! Hawak-kamay lakad pasulong!

thats the spirit😊

This post has received a 2.17 % upvote, thanks to: @davemccoy.

Hi, good day!

I am wondering if you help me with this post please.

https://steemit.com/blog/@ayingroxie/the-struggles-of-a-customer-service-representative

Napakagaling po ng pagka translate. Great job!

sure dear @ayingroxie, thank you sa pampalakas loob lol...you may take your part too if you want to join at @davemccoy and @mudcat project, just visit their post at profile and lets grow together here at steemit platform #newbieresteemday 😊

Yes po, been part of this project too since this was launched. Just posted my 4th day post about this initiative. Happy to give back to the community and help newbies like me. Thank you for the help.

Ang saya ko lang sa pagkatranslate parang panglibro yung level. 😊

hahaha wag ka ng magtaka lola na eyy😂
join ka steemitachievers madami pinoy to help you, hanapin mo page sa fb, ask to join para ma add ka nila sa gc...

Wow! Thank you po. Cge, search q ngayon na.

love this

You have been resteemed as part of #newbieresteemday ... I made today my #newbieresteemday, and invite you and others to do the same. To learn more: Come Join Us!!! (Newbie Resteem Initiative)

thank you dear 😊

Sneaky Ninja Attack! You have been defended with a 1.34% vote... I was summoned by @sweetcha! I have done their bidding and now I will vanish...Whoosh

Your Post Has Been Featured on @Resteemable!
Feature any Steemit post using resteemit.com!
How It Works:
1. Take Any Steemit URL
2. Erase https://
3. Type re
Get Featured Instantly – Featured Posts are voted every 2.4hrs
Join the Curation Team Here

Keep up the good work

thank you for the encouragement @apiprincz 😊