Paalam

in #love7 years ago

Aking mahal,

Masakit man para sa akin
Wakasan ang pag-iibigan natin
Ngunit kailangan kong gawin
Dahil ika'y 'di para sa akin.

Kahit na ito'y masakit
At walang kasing pait
Wag ka sanang magalit
Dahil ika'y walang kapalit.

Marahil ika'y nagtatanong
Bakit dito tayo humantong
Wala na nga bang karugtong
Pag-iibigang urong-sulong.

Hindi man tayo nagtagal
Pero ikaw lang aking minahal
At siyang tanging pinangarap
Makasama sa hirap at sarap.

Masaya ako, oo sobrang saya
Kaya lang kailangan kong magpasya
Tapos na aking pantasya
At ika'y ganap ng malaya.

Huwag na akong isipin
Magmahal muli'y subukin
Di man para sa akin
Kundi sa bago mong mamahalin.

Hangad ko na ikaw maging masaya
Buhay mo'y mapuno ng ligaya
Pag-ibig na walang hanggan
Sana'y iyong makamtan.

Aking mahal paalam
Sobrang sakit man sa pakiramdam
Hanggang dito na lamang ang pagmamahalan
Na parang di man lang nasimulan.

Nag-iisa ka lamang,

Moo

Date of composition: September 18, 2015 7:26am