Steemph.Cebu: Paglinang ng Kasanayan sa Paggawa ng Literatura - Contest #2

U5dr1VmpXMbZFnjpxe9CgW3MRywTGfY_1680x8400.png


Ang @steemph.cebu ay kabilang sa proyektong itinatag ng @sndbox, ang "proyektong sndcastle". Bilang isang sndcastle, gusto ng @steemph.cebu na gumawa ng mga uri ng paligsahan o patimpalak kung saan maipapakita ng mga Pilipinong Steemian ang kanilang kakayahan sa pagsulat ng kahit anong klase ng literatura. Ito rin ay isang paraan para magkaroon ng interaksyon ang mga Pilipino sa isa't isa. Hinihikayat namin ang lahat na Pilipinong Steemian na lumahok sa mga paligsahang bubuohin namin sa Steemit. Ito ay para sa inyo! Palawakin ang Wikang Filipino!


Ano ang isusulat?

  • Maikling Kuwento

Dapat hindi hihigit sa 200 na salita at hindi bababa sa 100 na salita.


Tema ng Tula

  • Trahedya


Mga Alituntunin na dapat sundin sa pagsali

  • I-resteem at i-upvote itong post.
  • Ang gawang literatura ay dapat isulat sa wikang Filipino
  • Gamitin ang tag na #literaturang-filipino at #trahedya
  • Ilagay sa pamagat ang: "Literaturang Filipino"
  • Gumawa lang ng isang nilalaman o gawa.
  • Ilathala ang gaw sa loob ng 6 na araw pagkatapos malathala ang anunsyo.
  • Basahing mabuti ang mga alituntunin at sundin ito

Pagbabasehan ng Mananalo

Ang pagbabasehan ng mananalong gawa ay:

  • Dami ng mga salita o pangungusap o parilalang ginamit at ang kagandahan ng pagsulat gamit ang mga salita.
  • Ganda ng pagkagawa
  • Kaugnayan sa Tema o Paksa at
  • Dami ng boto galing sa ibang Pilipino

Gantimpala

May tatlong mananalo sa paligsahan:

  • 1st - Makatatanggap ng 7 SBD
  • 2nd - Makatatanggap ng 5 SBD
  • 3rd - Makatatanggap ng 3 SBD

Mga naunang patimpalak sa pagsusulat

Layunin ng @steemph.cebu na maibuklod ang kumunindad ng mga Pilipino sa buong Steemit. Suportahan ang @steemph.cebu at ang @sndbox.

Gumawa, Magsumite at Manalo


follow_steemph.cebu.gif

Sort:  

Isa na namang mainam na paligsahan upang salihan ng lahat.
Tiyak na magiging masaya ito!

ayos ito napapanahon na tema.

Isa itong makabuluhang patimpalak. Hangad ko na mas marami pa ako makilala Pinoy na Steemian. Hehe.

Hello. How are you doing?
I opened the Seoul Steempark in Korea
I will continue to promote Steemit in the future.
https://steemit.com/seoulsteempark/@roychoi/kr-project-opening-of-seoul-steem-park-in-korea

is vote really important or the quality of content matters?, i mean there are people using self-vote here or lets say booster

i knew a lot of steemians who have high quality content even with a proper tagging but the vote is low.. and how do you know if the upvoter is a filipino ? i just want to clarify hehe

anyways mao ni akong entry hahaha https://steemit.com/literaturang-filipino/@fernwehninja/literaturang-filipino-panalangin-sa-mundo

clarify nyo naman sa taas sabi maikling kwento, tapos sa baba tema ng "tula" trahedya. ano ba talaga? e lahat halos ng sumali hindi naman tula ang sinulat kundi kwento.