Nilalaman ng Pelikula
Ang nilalaman ng pelikula ay tungkol sa buhay ni Jason Espiñosa. Siya ay isang ampon lamang, ngunit hindi hadlang ito, pinadama ng pamilyang umampon sa kaniya ang tunay na pagmamahal.
Nabatid niyang siya'y isang ampon lamang noong bata pa siya. Sinabi ng kaniyang guro na Bautista ang dalhin niyang apilido dahil ito ang nasa kanyang Birth Certificate. Sumama si Jason sa kaniyang ina ( hindi niya totoong ina ) sa Zamboanga kung saan nakatira ang kaniyang totoong ina, ngunit hindi nasiyahan ang kaniyang ina.
Kailan ma'y hindi pinadama ng kaniyang totoong ina ang pagmamahal na nararapat sa kaniya. Sa kabila nito, meron naman siyang ina na kahit hindi niya kadugo ay talagang mahal na mahal siya nito.
Dumating ang araw nang makapagtapos ng pag-aaral si Jason ngunit na stroke ang kaniyang ina at namatay kinalaunan. Labis ang pagdadalamhati ni Jason sa nasapit ng kaniyang ina na wala man lang tumulong kahit isa. Sa huli ay nagkaroon siya ng pamilya at pinangako niyang mamahalin niya ito ng buong-buo.
Natutunan sa Pelikula
Ang mga natutunan ko sa kuwento ay marami. Isa na rito ang pagmamahal. Ang pagmamahal ay isang matibay na pundasyon at ito ay hindi dapat ipagdamot.
Dapat ay mahalin natin ang isa't-isa dahil tayo ay anak ng Diyos. Ikalawa, dapat ay marunong tayong tumulong, hangga't kaya mo pa. Ikatlo, dapat ay marunong kang tumanaw ng utang na loob.
At huli, huwag kang susuko sa bawat pagsubok na darating sa ating buhay. Tiwala lang sa Diyos at pananampalataya sa kaniya.
Kung ako ang Bida sa Kuwento
Kung ako ang bida sa kuwento, na si Jason, mag-aaral ako ng mabuti para sa aking kinabukasan at para pahintuin ko si inay sa pagtrabaho at ako na ang magtrabaho.
Hinding-hindi ako magbibisyo dahil makasisira ito sa kinabukasan ko. Kung ang totoo kong ina, ayaw niya akong tanggapin sa buhay niya, hayaan ko nalang siya, total may ina naman akong kahit hindi ko kadugo, buong-buo naman ang pagmamahal niya at walang pagkukulang.
Tanungin ko rin ang totoo kong ina kung bakit niya ako matanggap at bakit ikinahihiya ako. Napakadaya naman, si Paulo ay anak niya ngunit ay mahal niya, samantalang ako ay hindi.
Gagawin ko ang lahat para mailigtas ang na stroke kong ina, ayaw kong mawala siya sa buhay ko dahil mahal na mahal ko siya buong puso ko. Siya ang nag-alaga sa akin simula noong hinayaan at pinabayaan ako ng totoo kong ina. Hindi ako magtatanim ng galit sa ina kong ikinahihiya ako.
very dramatic😔😢
Congratulations! This post has been upvoted by the communal account, @steemph.cebu by ryancalaunan being run at Teenvestors Cebu (Road to Financial Freedom Channel). This service is exclusive to Steemians following the Steemph.cebu trail at Steemauto. Thank you for following Steemph.cebu curation trail!
Don't forget to join Steem PH Discord Server, our Discord Server for Philippines.