Orihinal na LIkha ni @japh
Nang tumuntong na si Barry sa ikalawang taon sa mataas na paaralan, napilitang siyang huminto ng pag aaral dahil sa pagpanaw ng kanyang ama. At dahil doon, maaga siyang nakipagsapalaran.
Pumunta si Barry sa Maynila. Doon, naghanap agad siya ng trabaho ngunit di niya inaasahan na napahirap palang maghanap ng trabaho na tatanggap sa kanya. At dahil walang matuluyan, napipilitan siyang matulog sa mga upuan sa parke at kung hindi naman ay sa Pier.
Hanggang dumating ang araw na siya’y dinukutan habang natutulog. Mabuti at nahabol niya ito at nahatak ang kanyang bag. Pero hindi pala ito nag iisa kaya napagtulungan tuloy siyang magulpi.
“Mabilis ka bata! Ano gusto mo bang kumita? Sumama ka sa amin at ibabalik naming tong bag mo!.”, wika ng isa sa mga gumulpi sa kanya. Masakit na ang buong katawan ni Barry at wala na siyang ibang maisip kundi ang tumango nalang sa kanila.
Labag man sa kalooban ni Barry ay napilitan siyang magnakaw para mabuhay sa Maynila.
Isang araw habang pinatutulungan nilang ipagpasa-pasahan ang bag ng kanilang pinagnanakawan, nadapa si Barry at nabagok ang ulo niya sa daan.
Nang siya ay gumising, nasa hospital na siya at nasa tabi niya na ang lalaking pinagnakawan niya habang tahimik siya nitong binabantayan.
“Gising ka na pala iho. Okay ka lang ba? Masakit pa rin baa ng iyong ulo?”, wika ng lalake sa kanya.
“Patawarin niyo po ako, kuya. Nais ko lang po sanang magtrabo. Ayaw ko pong gumawa nang masama. Napilitan lang po ako.”, malungkot na sagot ni Barry.
“Alam ko. Kilala ko ang ama mo, Barry. Bata ka pa lang nang huli tayong magkita.”, sagot naman ng lalaki sa kanya.
Doon niya nalaman na ang lalakeng iyon ay kaibigan pala ng kanyang yumaong ama.
“Nais sana kitang tulungan, iho. Hindi kita mabibigyan ng trabaho ngunit ang kaya ko lang ay ang alukin ka na sumali sa aking try-out.. Kung ikaw papasa sa aking pagsubok, pinapangako ko na ako na mismo ang magpapadala ng sustento sa ina at mga kapatid mo sa bukid. Pumapayag ka ba?”, wika ng lakake sa kanya.
Walang ideya si Barry sa pagiging atleta ngunit ginawa niya ang lahat upang siya ay makapasa at maging isang ganap na atleta sa pagtakbo. Hindi madali ang pinagdaanan ni Barry sa araw-araw na pag eensayo.
Dumaan ang ilang taon at opisyal na naging kalahok si Barry sa isang paligsahan sa labas ng bansa.
Sinong mag aakala na ang dating mabilis na snatcher ay isang national athlete na ngayon? Ang buhay ay isang gulong nga naman kaya hindi mo masasabing huli na ang lahat hanggang hindi mo sinusubukan.
Image Sources: 1 2 3 4 5 6