Literaturang Filipino: "Anak?"

"Anak?"
Orihinal na katha ni @japh

Bagong lipat ang pamilya ni Leslie sa isang bahay na ipinamana sa kanyang ama. Sa isang tingin, masasabi mong matanda na rin ang bahay at matataas na rin ang mga halaman na mistulang nagsisiksikan sa likod ng bahay.


Malaki ang bahay at medyo relihiyosa ang dating may-ari nito dahil maraming mga rebulto ng mga santo at larawan ng mahal na birhen na nakasabit sa loob ng bahay. Sa dami, masasabi mong ligtas mula sa mga masasamang elemento ang kanilang bahay.


Parehong nagtatrabaho ang mga magulang ni Leslie at bilang nag-iisang anak, napakatahimik ng kanilang bagong bahay. Tuwing umaga, walang naiiwan rito.


Isang hapon, nang umuwi si Leslie sa bahay ay nagmadali siyang pumunta sa kanyang silid para umidlip. Nasa unang palapag ng bahay ang kanyang silid. Habang nakahiga sa kanyang kama at medyo inaantok, may narinig siyang ingay, parang may naglalakad pababa ng hagdan. Binalewala lang ito ni Leslie sa pag-aakalang baka ama o ina lamang niya iyon na nakauwi na.

Nang gumising na si Leslie, nakaramdam siya ng matinding uhaw kaya pumunta siya ng kusina. Nakita niya roon ang kanyang ama at ina na nakauniporme pa at parang bago lang dumating.

“May naring akong naglalakad sa may hagdan kanina. Bago lang po ba kayong dumating, Ma?..Pa?”, tanong ni Leslie sa kanyang mga magulang.


“Bago lang kaming dumating ng mama mo. Wag ka ngang magbiro.”, sagot ng kanyang ama.
Bahagyang kinalibutan ng balahibo si Leslie sa kanyang narinig. Sa kanyang diwa, tiyak na tiyak niya ang kanyang narinig.


Dumaan ang ilang araw, isang hapon nang umuwi si Leslie sa bahay ay nagmadali na naman siyang pumunta sa kayang silid. Ngunit bago pa man niya mabuksan ang pinto, narinig na naman niyang may naglalakad sa hagdan. Takot man ay pinili niya itong puntahan.


Walang tao sa may hagdan. Sa kanyang takot, pasigaw niyang tinawag kunwari ang kanyang ina.
“Ma? Andyan ka na ba? Ma? Ma?”, sigaw ni Leslie.


At nang biglang may sumagot kay Leslie mula sa itaas, “Anak?”
“Uy, ma? Nandyan ka na pala!”, sagot ni Leslie. Dali-daling umakyat si Leslie.


Habang umaakyat si Leslie ay tinawag niya ulit ang kanyang ina, “Ma? Nasa silid ka po?”


“Anak?”, sagot uli ng boses.

Mula sa silid ng kanyang ina ang boses at bahagyang nakabukas ang pinto nito. Nang malapit nang pumasok si Leslie ay narinig niya ang kanyang ina sa baba na tinawag siya.

“Anak, pakitulungan mo nga ako rito.”

Dali-daling tumalon palayo ng silid si Leslie at tumakbo pababa ng hagdan. Niyakap niya nang mahigpit ang kanyang ina.

“Uy! Anong nangyari?”, tanong ng kanyang ina.

Hindi makapagsalita si Leslie. Habang yakap niya ang kanyang ina ay tinignan niya nang bahagya ang silid sa itaas mula sa baba. Pumihit nang marahan ang pinto roon at naaninag ni Leslie na may nakatingin sa kanya mula sa madilim na silid - isang bagay na hindi niya maipaliwanag.
Image Source: 1 2 3
"Sana'y nagustuhan niyo ang aking kwento ng kababalaghan. Maging laging mapagmatyag. Hanggang sa susunod.."
- @japh

Sort:  

Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by Japh from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, theprophet0, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the

If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.