Literaturang-Filipino: Himala ng Pagbabago

orca-image-1523752086205.jpg_1523752086461.jpeg

"May diyos ba talaga? Bakit niya ginawa sa akin ito? Kung mahal nya ako, hindi nya ako dapat bigyan ng ganitong pagsubok na kay lupit"

"Hindi ako naniwalang may Diyos!"

Pasigaw na sinabi ni Teresa sa kanyang kaibigang si Wella. Si Teresa ay sinuway ng pagsubok, ang pagkamatay ng kanyang ina.

Si Teresa ang nag-iisang anak ng kanyang Ina na si Gloria. Wala na siyang ama dahil iniwan sila ng kanyang ina habang nasa sinapupunan pa si Teresa. Kaya labis na galit ang naramdaman ng kanyang puso ng pinatay ang kaniyang Ina.

Tuwing linggo, noong buhay pa ang kanyang napakamahal na Ina, lagi silang sumisimba.
"Anak, kahit anong mangyayari, dapat nasa puso natin ang Diyos. Utang na loob ang buhay natin sa kanya. Mahal tayo ng Diyos," Wika ni Gloria.

"Oo mama, kailan may hinding hindi ako magtatampo sa kanya. Masaya nga ako eh, kasi, kahit wala akong ama, binigyan pa rin niya ako ng napakabait at napakagandang ina," wika ni Teresa.

Habang pauwi ang mag-ina, alas 11 ng gabi, habang naglalakaf sila sa napakadilim na kalye, bigla silang sinalubong ng isang armadong lalake.

"Sino ka?" tanong ni Teresa sa isang naka mask na lalake.

"Ibigay niyo ang pera niyo! Kundi, papatayin ko kayo" sagot ng lalake( tinutok ng lalake ang baril niya sa mag-ina.)

Nagmakaawa si Gloria na wag kunin. Lumaban si Gloria. "Takboooo Teresaaa!!!"

Habang tumakbo si Teresa, narinig niya ang ang pagputok ng baril. Nagulat siya at natakot at dali dali niyang binalikan ang kanyang ina.

"Inaaaaaaaaa!!!!!! Tulong !!!!"

Sa kasamaang palad, namatay ang kaniyang ina.

Diyos ko, kung mahal mo ako, buhayin mo ang aking ina. Hindi ko kayang mabuhay na wala siya.

Ngunit bigo si Teresa. Umaasa siyang mabuhay muli ang kanyang ina. "Ano ba ang kasalanan namin sa iyo? mabait naman si Ina ha? (umiiyak) simula ngayon, hindi na ako maniniwala pa sayo.

Dahil sa pagkagalit ni Teresa sa Diyos, nalulong siya sa droga. Nagpakababoy siya sa kahit sinong lalake. Nakulong siya nang nahuli siya sa mga pulis na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.

Habang nasa kulungan siya, may isang matandang bisita sa kaniya "Iha, basahin mo to, ang bibliya" tinanggap naman niya ito.

Simula noon, naging mabuti na siya at bumalik na ang pananalig niya sa Diyos. Nang makalaya na siya, nagsikap siyang mabuti at nakapagtayo ng "Give Love to Life foundation"

Si Teresa ngayon ay isang taong iniidolo ng kabataan. May adbokasiya rin siyang naglalayon na maprotektahan ang kabataan.

Sort:  

Nkkarelate ako sa story mo ha story mo kasi tungkol sa pnakakamahal nating ina, sana mkgawa kpa ulit

Nkkaiyak kuwento mo, ito ba ay hango sa tunay na buhay?

Maganda po aang inyong likha, ang daloy niya mula simula hanggang wakas ay ayos lamang.


Munti pong tip: May mga salita na hindi na baybay ng maayos gaya

naglalakaf

Good luck po sa patimpalak ng @steemph.cebu!

Pagsubok minsan ay napakah hiwaga.. ang paglapitsa panginoon ang tanging daan para makabangong muli. maraming salamat @bitterpie. sa pagbabahagi.