Literaturang Filipino: "Aso man sa paningin, Tao rin kung maituturing."

Ang kwentong ibabahagi ko ay mula sa sarili kong karanasan tungkol sa alaga naming aso.


photocredits: @arpiethesurvivor

Tao'ng 2014 ng may napadpad na tutang babae sa aming bahay. Sa unang tingin wala kaming napansing kaka-iba at hindi kami interesado sa kanya kasi nga babae at inisip namin na magpaparami lang yan ng anak.Kaya wala kaming binigay na kahit kaunting importansya sa kanya,pinapaalis namin ito ngunit ito'y bumabalik naman.Lumipas ang araw na kahit wala kaming binibigay na pagkain nananatili pa rin ang tuta sa labas nang aming bahay.

Isang umaga nagulat kami ng nakita naming may mga patay ng mga daga, at ang nakapagtataka ay hindi pusa ang may gawa kung hindi ay isang tuta. Napagtanto namin na may silbi din naman pala ang tutang ito dahil problemado kami palagi sa mga dagang namimirwesyo nang aming mga gamit at pagkain. Lumipas ang mga araw napapahanga kami sa taglay na kasipagan at determinasyon ng tutang ito pinapabilib nya kami ng husto. Di man namin aminin ngunit nahuhulog na ang aming loob sa kanya ayaw man namin sa kanya nung una naglaon ay nagustuhan na rin.

h'wag husgahan ang isang bagay kung di mo pa naman napapatunayan.
panahon lang ang makakapagsabi..

Napagkasunduan namin na pangalanan sya at ito'y CHEETAH hango ito sa pangalan ng pamilya ng mga tigre. Dahil na rin sa nakita namin sa kanya ang liksi, talas, bilis at bagsik ng isang tigre at kamo'y di nauubusan ng lakas. Malaki ang naitulong at naiamabg ni CHEETAH sa aming pamilya isa siya sa nagbibigay saya at nagpapawi ng lungkot sa aming mga damdamin. Aso man siya sa aming paningin, ngunit ang pagmamahal na aming hatid sa kanya ay higit pa sa isang hayop at tinuturing na siya bilang isang myembro ng aming pamilya. Hinahanap sa oras ng kainan,pinapaligo tuwing umaga sinasama kapag pumupunta sa dagat halos lahat ng bagay na aming ginagawa kasama na namin palagi si CHEETAH.

Si CHEETAH kahit napapalo o napapagalitan minsan, ngunit di siya kailanman nang-iwan o nagalit man sa amin. Hindi siya nagtanim ng kahit kunting sama ng loob o manlaban. Di ko maiiwasan magtanong sa sarili ko bakit ganun ang aso nasasaktan mo man minsan o nasisigawan pero maya't-maya ok na sa kanila. Isang character o ugali ng aso na kahit ang tao di kayang pantayan, sana ganun din tayo madaling makapagpatawad sa kapwa natin.

Lumipas ang mga taon lumaki na si CHEETAH at yon nga marami nang nagkakagusto sa kanya dahil sa taglay nitong kagandahan hehe. Marami nang umaaligid at pumipila para manligaw sa kanya,eh hindi naman namin hawak ang puso niya kaya wala kaming magagawa kung siya'y gusto nang mag-asawa. At isa pa gusto na din namin makita kung ano ang magiging anak ni CHEETAH hehe. Lumipas ang mga buwan at kumpirmadong buntis si CHEETAH inalagaan namin siya hanggang sa manganak na ito at biniyayaan siya ng dalawang munting tuta na ang pangalan ay si CHEESE AT ALYANA.


photocredits: @arpiethesurvivor

Maraming salamat po sa inyong oras sa pagbasa ng aking kwento tungkol sa aming alaga at mahal na mahal po namin si CHEETAH.

Best regards,

@arpiethesurvivor

Sort:  

Akin ka nalang cheetah! marami ding daga dito sa aming barung-barong.


Salamat sa paglikha ng akda sa Tagalog pagdamutan mo nalang ang aking munting upvote, resteem at pag feature sa iyong gawa sa aking arawang "curation"

Sulat ka pa ng mga Tagalog na likha! dadami din tayo dito sa Steemit.

Para makita pa ang ibang likha na tagalog maari mong tignan ang
Ikatlong Edisyon ni Tagalog Trail

Hehe salamat sayong komento @tagalogtrail.

Wala pong anuman 😊😊