Ayan medyo nahihirapan akong mag English ngayong araw na ito. Hindi ko alam kung anong meron basta ang hirap mag English, ang hirap mag construct ng pangungusap for some reason.
Ngayon wala lang, actually wala din akong maisip na maishare pero since today is Payday Friday sa iba at for sure yung iba mayayaman dahil may 13th month pay na share ko nalang yung experience or some of the stories na naishare lang sa akin ng mga dati kong workmates and things na natutuhan ko from them.
Laging bayaran ang utang.
This might sound really crazy pero, pagdating ng sahod siguraduhin na bayaran ang utang sa kung kanino man. One of the reason why is because pag nangutang ka, kahit di sabihin nung tao na need nya yung pera still nag e expect sila na babayaran mo at please lang kung di ka makakapag bayad sa utang kausapin mo yung tao and explain your situation on them.
Makikilala mo ang isang tao sa paraan ng pagpapautang. If binayaran ka nya on time chances are totoo sya sa sinasabi nya. Pag di ka na binayaran, move on na bes. For sure di lang ikaw ang nagawan nya yan.
E Paano yan pag binayaran ko ang utang ko sa kanya baka wala na akong panggastos?
Usually ganyan ang sentiments ng ilan. Pag nagbayad sila ng utang nako bukas, makalawa lang ayun nga-nga na naman.
Kung ganito ng ganito ang nangyayari, nako mag check ka maigi sa spending pattern mo. Tingin ko applicable lang to if bago ka palang sa work. Usually talaga ang HIRAP i budget ang pera kasi nga nagkanda delay delay ang sahod sa bagong work. Pero pag matagal ka na sa work tapos ganyan parin bes baka talaga may problema tayo sa pag gastos.
Oo masarap ang starbucks, masarap kumain sa labas at mag fastfood pero kung di talaga afford bili nalang muna tayo sa karinderya ni Aling Ising ng adobo at mga murang foods. Ako nga siomai lang sa kanto katalo na minsan kropek o chicharon. At wag ka one week akong binuhay ng Angels burger dati sa sobrang pagtitipid.
Tanda ko noong nagwowork ako, gigising ako ng maaga para mag saing kasi AMMAHAL ng kanin, tapos sa 7-11 naman parang ewan yung kanin nako kaya sabi ko since medyo may ka artihan ako sa kanin magbaon nalang ako. 15 Pesos savings din yun. Sa isang cutoff since lagi ako naka extra rice, isipin mo nalang na 10 days ang pasok sa isang cut off 300 pesos din ang tipid.
Since nakapag bayad ka na ng utang ngayon naman try mong mag subi ng pera.
Ang dami nang savings challenge ang nauso ngayon sa FB, may savings na every week like 5 petos muna tapos every week lumalaki sya like multiplied by 2. Yung 5 mo magiging 10 tapos magiging 20 and so on. Kung kaya mo yun good. Kung di mo kaya keri lang yan ipon mo naman yun eh.
Ako ang ginawa ko yung mga sukli sa jeep, at kung saan basta nakauwi na ako yung mga pa piso piso, lima at sampu ayun nihuhulog ko sa alkansya.
Ang hirap kayang mag track ng pera minsan ma didisappoint ka kasi ang liit pala ng ipon mo
E pag ganun ang ginawa mo di mo alam kung magkano ang naipon mo. Haha o diba mag effort ka pang magbilang bes.
Iwasan mo ding pumarty bes, lalo na pag payday
Oo nandun na tayo na kinita mo sya at kailangan mong i reward ang sarili mo sa mga naging achievement mo. I know na init na init na yung pwet mong umalis sa office everyday kasi ganyan din ako. Pero please lang wag kang mag party pag payday.
Unang una kasi may pera kang lulustayin ng araw na yan. Baka makalimutan mo at mapasarap ka sa pag-inom tapos ilibre mo pa si kumpare, kumare at si Totoy na nasa kabilang ibayo. Okay lang pumarty bes pero KNOW YOUR LIMITS sa pag gastos. Hindi yung sisigaw ka ng sige "ALLL DRINKS are ON ME! SKY's the LIMIT Tayo mga Tsong!" wag ganun pare parehas lang tayo na nagpapakahirap mag work
iwasan ang MANLIBRE, DI KA KANDIDATO SA ELEKSYON
Tsaka ang mga Politiko kunyari ililibre ka lang nyan pero di mo alam mas malaki ang kickback nila sa iyo. Pag ganyan na ang attitude mo at na foresee mo na pagkakakitaan mo ang nilibre mo 100 folds sige gow bes! ILIBRE na ang buong barranggay investment mo yan bwhahahaha
So ayun muna tayo sa Manage your Finances well rant. Actually marami pa yan pero paunti unti lang ha para naman may maisulat din ako sa steemit. Nauubusan na ako ng topic for some reason this time. At Oo may hugot talaga yung message ko ngayon dahil na trigger ako nung isang post ng dati kong work mate na itago nalang natin sa pangalang Nene.
So may bago syang bag this time at kakaalis nya lang sa ibang bansa. Diba ang saya, minsan talaga gusto mo nalang mag comment na O kamusta na yung utang mo kailan mo maaalala? Pero mabait tayo ng very light so mga bes wag tularan si Nene pag may utang with all of your powers, bayaran agad. Kasi minsan nangangailangan din yung nagpautang sa atin. Tsaka di naman yung pera ang nawawala, yung tiwala. Test of trust ito sa maliit man o malaking halaga.
Tapusin natin tong post sa isang bible verse
For sure yung iba sa atin dito naka relate, kung naka relate ka simply upvote and resteem mo nadin. O kaya pwede mo syang i post sa wall mo tapos tag mo si Nene :) Joke lang syempre
If you would like to support initiatives on community building and enrichment, kindly check out @steemph, @steemph.cebu, @steemph.iligan, @steemph.davao, and @steemph.manila
Consider casting your witness votes for @precise, @steemgigs @cloh76.witness, and @ausbitbank who have been adding an invaluable contribution to the community.
To cast your votes, just go to
https://steemit.com/~witnesses
Upvoted and re-steemed.
Pag tagalog or other dialect, the tag is #pilipinas.
Okidok salamat @bayanihan sa info 😇
haha. natawa nlng ako.. naalala ko tuloy mga kaibigan ko nung college, pagdating ng allowance nila (monthly kasi), isang linggong mayaman, tatlong linggong taghirap. XD kasi naman kesyu may pera, libre dito, libre doon. Eh, ako, barat talaga ako, kaya wala nmn akong problem with finances. though paminsan2, nanglilibre din. bless others pay may time! :P yung importante lng nmn is alam mo yung limits mo eh. personally, right now, I use an android app para sa pagtrack ng finances ko, para never ako magspend beyond my means. ^^
Oo usually ganyan talaga mahirap mag budget during college days. Napaka tinding disiplina talaga ang kailangan. Manlibre lang kung may sobra talaga ang hirap kasi minsan yung mga friendship din may something na ang lakas maka ramdam na may extra ka. Hahah ayun di mo matanggihan pag tinaggihan mo naman ikaw pa ang pagtatampuhan,
hahahahaha di uubra sakin yan! XD alam nilang chinese ako. baget to the max! XD kung trip ko lng talaga, which is parang miracle na sa kanila. pero sympre ngayon na may work na, mas generous nko ngayon. hahahaha
Ako din may Chinese blood pero 16th part na yung lolo ko half chinese kasi. Haha wala buti sa iyo may ganyang friends. Tsk lately ko lang nalaman ang roots ko sa Chinese side kung nalaman ko nang mas maaga siguro nako! Anyhow so kailan ang libre?
(ノ◕ヮ◕)ノ*:・゚✧
hahahaha. sakin lng naman cla di na nagpupush, kasi alam nilang di nila kaya i-push. hahaha XD ooh? sana may narason kpa, ano? hahaha
uhhhhmmm, sa Feb. 30 pwde ka? hahahahahahahaha
Wala masyado pang mahina ang chakra ko nung kabataan ko kaya ganun. Haha ang tagal nung Feb 30 pero willing to wait daw 😂
It's payday Friday! This is one thing I miss since I am working from home. Pero I agree with you na madami talaga pag bagong sweldo tpos may pang Starbucks pag sisingilin sasabihin next payday nlng ubos na daw ang budget..hahaha.. or ung critical wallet day kase 5 days plang after payday ubos na agad pera. But you can always keep enough money until your next payday, ipitin ng maigi para wag magastos compute how much you're spending daily(fare, food) tpos make sure un lang gastusin if its 100.00 ung excess itago, if you need to give some to your parents ung remaining ibudget. Just a suggestion, dont spend more than what you have. You can start keeping 10% of your total earnings every month, try pag kaya before you know it malaki na savings. Just sharing my two cents!
Love your post @tpkidkai !
Agree, do not spend something na di mo pa naman hawak. Nako may iba pa ayun nabaon sa utang gawa ng credit card. Pero ibang chismis este post na yun. Basta kailangan galingan nating maghigpit ng sinturon lalo na ngayong ang mamahal ng bilihin. Kaya good thing may extra tayong napagkukuhaan ng money thru this website.
"Lahat sila nagmahalan na bakit tayo hindi pa" (Narinig ko lang yan dun sa pabebe naming kapitbahay tsk)
Haha I love it! Keep it up..may future ka sa blogging. You'll earn big here 😉😄
Nako salamat kung ganun. Dagdag pang gastos langbsi steemit pero kung yayaman tayo at mabibili ko ang mga kapitbahay ko sa eleksyon mas maganda yan. 😂
Hahaha, soon you will. Have faith..believe! :)
Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by tpkidkai from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, theprophet0, someguy123, neoxian, followbtcnews/crimsonclad, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows and creating a social network. Please find us in the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.
If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP. Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.
This post has received a 0.52 % upvote from @drotto thanks to: @tpkidkai.