ANG SIMPLENG BUHAY KO NOON | At ang mga taong mapanghusga😏

in #life7 years ago

Magandang araw po sa ating lahat! Nganong po ay ibabahagi ko po ang aking mga karanasan sa aking buhay.

Lahat po tayo nangangarap ng simpleng buhay o di kaya'y may magandang buhay. Noong bata pa ako lumaki ako sa aking mga lola at lola sa probinsya. Simple lang buhay ko doon, may sariwang hangin, maraming puno, halaman, hayop, prutas at mga pananim sa bakuran.

IMG_20170902_133858.jpg

Gigising kami ng alas singko ng umaga para maligo at mag igib ng tubig. Habang ang aking lola at lolo ay nagsasaing na ng pagkain para sa umaga. Pagka-tapos ay mag lilinis at iba iba pa.
At papasok na kami sa aming bahay na alas 5 nang hapon, kasi walang kuryente sa probinsya "lamparilya lang pang ilaw". At marorosaryo kami bago matutulog.

" Maririnig mulang sa probinsya ay yung mga awit nang mga ibon, simoy ng hangin at ang nagsasayawan na mga dahon sa ibat-ibang puno." Malayo kasi ang aming bahay sa kalsada kaya kung may bibilhin kami sa palengke, maglalakad pa kami nang malayo para makasakay ng sasakyan.

Lahat ng mga bagay sa ating mga buhay ay may dahilan, hindi nating masisisi ang ating nga magulang kung bakit tayo pinanganak ng ganito at ganyan. Imbes na magpapasalamat lang tayo kung anong meron tayo ngayon.

Oo, hindi natin mapipigilan ang mga taong mapanghusga sa bawat kilos na ating ginagalawan dito sa mundo. Sila yung mga taong walang magawa sa kanilang buhay kundi bantayan ang mga kinikilos nang mga tao. Hindi naman sila nagkakapera kung pakikialaman nila ang ating mga buhay diba? Oo hindi ako perpekto at walang taong perpekto dito sa mundo kundi ang Diyos lamang. Minsan nga binabaliwala ko nalang ang kanilang mga sinasabi kahit masakit na sa aking kalooban.

Ginagawa ko nalang yung lakas para matatag ang aking kalooban pero hindi ko mapigilan ang aking sarili na umiyak na lamang sa mga sakit na bawat dinanas ko. Alam ko na may dahilan lahat ng ito, kung kayo din ay nakakaranas ng ganitong sitwasyon wala tayong ibang gawin kundi manalig tayo sa ating PANGINOON. :)

Maraming salamat po sa pagbabasa at God bless us all.

Best regards,
@purpleshangz