Isang Banang Malupit!

in #life7 years ago

Screenshot_20180324_194015.png
image source

Meron akong kilalang isang bana (asawa) na lalaki. Nakakapang-gigil sya, yung tipong ang sarap nyang tirisin kasi laging beast mode. Akalain mong mas madaldal pa sya sa bana nyang babae, (mama mia!) At ito pa, bawal ding magbukas ng anumang sulat o dokumento si babae kahit pa nakapangalan ito sa kanya, (tsk tsk tsk.) Hindi rin sya pwedeng mag chitchat sa mga kaibigan nya, (my god nakakatuyo ng dugo!) Pag-nagagalit pa ang lalaki inaalisan si babae ng koneksyon. Kukunin din ang cellphone ni babae kasi katwiran ni lalaki sya daw ang bumili, (o di lunukin nya ng buo!) Ang malala pa pag ibinalik na ni lalaki ang cellphone burado na lahat ng kontak ni babae, including yung sa nanay, taytay, at mga kapatid nya, (nakakaloka!) Pag may bisita man si babae tatawagin sya ni lalaki sa kwarto at dun sisermunan tungkol sa mga bisita nya, (ang sarap ipakain sa buwaya ni lalaki!) Kung anu-ano pa ang tawag nya sa bana nyang babae, kesyo tamad at walang alam kundi ang kumain at matulog, (bakit kaya may taong di marunong mag appreciate? Mas nakikita pa nito ang mali ni babae, pag sa tama ni babae wala syang paki.) Kapag nagkakasakit ang mga anak nila, si banang babae pa ang sinisisi. Kesyo daw sa pamilya ni babae namana kaya si babae daw magpagamot. Kahit sa usaping pera hindi rin pwede si babaeng kumuha ng hindi nagpapa-alam, kailangan din nya isa-isahin kay banang lalaki kung anu-ano ang mga bibilhin nya at kung mga importante ba ito. Ang sukli dapat iabot sa lalaki kung hindi malaking gulo pa. Kailangan may please din pag-kausap ni banang babae ang lalaki (pastilan! Patawarin ako ng Diyos!) Nagtitiis lang si banang babae para sa mga anak nya. Pero huwag kang lalaki ka! ang tao napupuno baka magising ka isang araw na nag-iisa. Masyadong nakaka-highblood itong si lalaki, Tao nga asal animal naman!

Sort:  

Please upvote me mr@lynbabe 10, i need your here, your post is so great

Sure, will do:)