Takot ka ba sa "gagamba?"
Ang gagamba ay madalas na kinatatakutan natin o ng karamihan lalo na ng mga kababaihan dahil sa kanilang itsura at mga nakakakilabot na mga binti o paa .
Karamihan sa mga lalaking gagamba ay may mga makukulay na disenyo, mas maliliit na katawan, at mas mahaba ang mga binti, sila rin ang mga naglalakbay upang maghanap ng mga babae na asawa.
Karamihan naman sa mga babaeng gagamba ay may madilim at nakakikilabot na mga kulay, mas malalaking katawan, at mga binti.
Ang babae ay ang tagapagtanggol ng mga batang gagamba.
Ano nga ba ang dahilan bakit ang gagamba ay pumapasok sa loob ng bahay natin?
Ang panahon, temperatura, pagulan o iba pang pagbabago sa klima na ang gagamba ay pumapasok sa ating mga bahay sa kadahilanang naghahanap sila ng init at makakain.
Ang populasyon ng mga gagamba ay lalong dumarami sa panahon ng tag-sibol at tag-init kung saan lahat ng kabilang na mga insekto ay nabubuhay. Ang populayon naman ng gagamba ay bumababa tuwing tag-lagas at tag-lamig kung saan ang mga pinagkukunan nila ng pagkain ay nagiging mahirap makuha. Sa panahon na kaya nilang makapagipon ng pagkain ay ginagawa nila at kung hindi man ay iyon ang dahilan upang sila ay maghanap ng makakanlungan at makakain kaya ang karamihan ay pumapasok sa paligid o sa loob ng mga tahanan.
Nakatutulong man sa atin ang mga gagamba sa paraang sila ay nanghuhuli ng iba pang insekto na nasa loob din ng ating tirahan. Pero di naman natin gugustuhin na sila ay makasama natin sa bahay, maliban sa sila ay nakakatakot o para sa iba ay nakadidiri, ang mga gagamba ay naggagawa ng bahay nila sa mga sulok ng bahayat ito ay di kanais-nais sa paningin.
Ano ang pwede nating gawin upang mapaalis o mawala ang mga gagamba sa ating tirahan? Meron bang paraan para sila ay mapuksa at huwag na babalik pa sa loob ng ating bahay.
Mas makabubuti na maagapan natin ang pagpapaalis sa gagamba na nakapasok sa ating bahay bago ito ay makapaglikha o makaiwan ng kanilang itlog, na muli na naman na maghahasik ng maraming sapot sa ating kabahayan.
Narito ang ilang paraan:
Makabubuti kung huhulihin agad at mapatay sa mismong oras na makita ang nakapasok na gaqgamba bago sila makatakas ng tuluyan.
Linisin ang buong kabahayan.
Alisin ang mga sapot ng gagamba sa pamamagitan ng pagwawalis nito. kahit na napatay na natin an ggagamba na may gawa nito ay maaaring meron gnatirang itlog dito at pwede rin itong pamugaran ng mga bagong gagamba na muling papasok.
<atapos ang pagalis ng mga sapot ay linisin naman ang sahig, carpets, singit ng mga tiles at sa mga bawat sulok ng bahay. Maaaring may mga natira ng pagkain ng mga gagaba o mga itlog ng gagamba na naiwan pa sa mga singit ng cracks ng sahig.Isasaradong mabuti ang kabahayan.
Kung ang gagambang nakapasok ay hindi natin agad nanapatay ay mamamatay ito n gkusa kugn ito ay hindi makakahanap ng ibang insekto na makakainkaya makabubuting naisasara ngmabuti ang mga pinto at siguraduhing nakalapat mabuti ang weatherstripping ng mga bintana ganun din na may screen ang mga pinto at bintana upan ghindi makakapasok an giban ginsekto na siyang pagkain ng gagamba.Ingatan na walan ganumang insekto ang makakapasok sa kabahayan.Gumamit ng mga pamatay insekto
Ang pag-gamit ng mga spray para sa mga insekto at mga gagamba ay pwedeng gamitin kung inaakalang meron pan gnatitirang mga gagamba na namamahay sa loob ng bahay. I-ispray itong maigi sa mga sulok at sa mga maaaring pinagpupugaran ng mga gagamba at mga iba pang insekto.
Pakaingatan na nsa mabuting pwesto an kinalalagyan ang spray at siguraduhing mailagay sa malayo at di kayang abutin ng mga bata ang pamatay insekto, dahil ang mga ito ay may taglay na lason na lubhang mapanganib sa tao. Ang mga pamuksa ng mga insekto ay nagtatagal an g amoy at bisa hanggan g sa mga susunod na mg a linggo kaya kung merong natirang mga itlog ay kusa na rin mamamatay agad .
Mga Karagdagang Kaalaman Tungkol S Gagamba
Mga uri ng gagamba
Mga Makamandag At Mga Hindi Mapanganib Na Gagamba
Mga dapat tandaan kung ikaw ay nakagat ng gagamba.
Palatandaan at Sintomas::
- Pagduduwal at pagsusuka
- Masamang pakiramdam ng tiyan o ng katawan.
- Pagpapawis
- Di mapakali
- Palpitation
- Panghihina ng kalamnan
- Lagnat
- Ang sakit ay naaantala nang limang minuto kaysa sa pagtaas ng intensity.
Mga pangunahing lunas:
- Panatihihing laging inoobserbahan ang pasyente
- Lagyan ng yelo o cold compressupan gmabawasan an gsakit.
- Kung ang pasyente ay bata, kung nag pasyente ay hinimatay o ang pasyente ay nakakaramdam ng matinding sakit, dagliang tumawag ng kaukulang saklolo.
Isang Istoryang Di Ko Malilimutan
Gusto kong ibahagi sa inyo ang isang kwento na naranasan ko maraming taon na ang nakalipas pero hindi ko ma--alis sa isip ko.
Ako ay isang solong magulang at may isang sampung taong gulang na anak. Isang araw ay kailangan ko ulit sya iwanan sa bahay dahil ako ay kailangang pumasok sa trabaho, sa pagkakataong ito ay nagpaalam ang yaya ng anak ko na tanghali na sya makakarating sa bahay namin para bantayan ang anak ko dahil meron syang importanteng gagawin sa umagang iyon.
Habang nsa trabaho ako ay naka-ugalian ko na na tawagan sa telepono ang anak ko para kumustahin siya lalo na sa araw na iyon na alam kong wala siyang ibang kasama. Nakaramdam ako ng kaba ng hindi sinasagot n g anak ko ang telepono na naka-pwesto sa sala kung saan ay alam kong nandoon siya sa ganoong oras at nanonood lamang ng TV, kay asinubukan kong tumawag sa ekstension line ng telepono sa aming kwarto at pasalamat kong sinagot nya ito.
Ipinagtaka ko ang garalgal niyan gboses sa pagsagot ng telepono at tinanong ko kung bakit, garalgal pa rin ang sagot niya sa pag kwento kung bakit naroon siya sa fwarto at hindi makababa papunta sa sala para manood ng paborito niyang palabas (tama ka, wala kasi kami TV sa loob ng kwarto).
Isang gagamba raw ang nakita nya sa may hagdanan at ayon sa kanya ay malaki daw nakakatakot at ayaw umalis sa pagkakakapit sa kurtinang malapit sa hagdan.
Marami akong ipinayo sa kanya kung paano ang dapat na gawin para siya ay makababa pero lahat ay ayaw niya gawin dahil sa takot. Hindi ko siya masisi kasi ay may malaking ""phobia"" siya sa gagamba ng minsan ay biruin siya ng isang pinsan na hagisan ng plastic na gagamba at ng gabing iyon ay nilagnat sa sobrang takot at nerbyos.
Ang tangi ko na lang naisip na paraan ay ang tawagan ang palagian naming tinatawagan para umorder ng "pizza" dahil naisip kong di pa kumakain ang anak ko ng kanyang meryenda dahil hindi ito makababa ng kwarto.
Kinausap ko ang manager ng Pizza Station tungko sa problema ko at Ipinakiusap ko na kung ako ay oorder ng pizza at ipapa-deliver sa bahay namin ay tulungan nya ang anak ko na mai-alis muna ang gagamba sa malapit sa hagdanan. Dahil siguro sa matagal na kamin g costumer nila at naintindihan nya ang sitwasyon, bilang pagtulong ay pumayag siya at ipinadeliver ang order kong pizza sa isa nilang delivery boy na hindi takot sa gagamba.
Muli akong tumawag sa telepono sa sala ng bahay namin at sobra ang tuwa kong narinig ang boses ng anak ko na masaya habang kumakain ng pizza nya.
Muli kong tinawagan ang pizza store at nagpasalamat ako.
OMG, Nakakatagot, bka gapangan ako!!!
Merong mga bata na ginagawang laruan ang mga gagamba, un gmga gagamda sa loob at labas ng bahay.
Nakatutuwa naman ang iyong istoya tungkol sa gagamba.
kahit sino siguro kapag nakaranas ng ganitong klaseng pangyayari ay di mo na rin malilimutan hahaha
Ang gagamba ay masarap paglaruan. inilallagay nila ito sa isan gmahabang istik pinapagapang ang 2 gagamba at pagsasabungin.
Hahaha, ikaw rin pala ay nakapaglaro na ng ganitong uri ng laro gamit ang mga gagamba.
Congratulations @ilovelichie! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :
You made your First Comment
You got a First Reply
Award for the number of upvotes
Award for the number of upvotes received
Click on the badge to view your Board of Honor.
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word
STOP
To support your work, I also upvoted your post!
Do not miss the last post from @steemitboard!
Participate in the SteemitBoard World Cup Contest!
Collect World Cup badges and win free SBD
Support the Gold Sponsors of the contest: @good-karma and @lukestokes
Your post was mentioned in the Steemit Hit Parade for newcomers in the following category:Congratulations @ilovelichie!
I also upvoted your post to increase its reward
If you like my work to promote newcomers and give them more visibility on Steemit, consider to vote for my witness!