Habang nakaupo sa isang sulok, ako'y napaisip ng malalim at may biglang naalala: aba, sasali nga pala ako sa 'hugotan' ng mga may mahuhugot sa buhay. Ilang Steemit Dollars din ang gantimpalang naghihintay sa akin. Eto pa lang, kahugut-hugot na:
Mahirap humugot sa bulsang walang laman. Iba talaga ang datingan kung pera na ang pag-uusapan - lalabas at lalabas ang talentong itinago sa sa baul! Kaya ako lalaban kahit nahihirapan!
Hindi ko na bibigyan pa ng kahulugan ang salitang "hugot" sa aking akda sapagkat malamang sa malamang ay marami na ang nauna.
Eh di kayo na! Lagi na lang kayo, kayo, kayo! Samantalang ako, laging nauunahan at kahit gustuhin ko man gawin ang iilang bagay, wala na akong pupunan pa. Huli na!
Hugot: isang salitang Tagalog na may ibang ibig sabihin sa salitang Bisaya. At dahil ako'y Bisaya, may hugot din ako salitang HUGOT. Sa Bisaya, ang ibig sabihin nito ay MASIKIP. Tama nga naman, naranasan ko ang masaktan dala ng masikip na damit na bunga ng paglobo ng aking katawan.
Ang sakit isipin na ubos na ubos na - ubos na ubos na ang mga damit na kasya sa akin. Ubos na talaga ang pasensya ko sa kadi-diyeta at ubos na ang iyang lakas sa pakikinig ng pamumuna ng iba. Nakakapanghina na!
Sandali lamang, ano ba itong aking mga sinasabi? Tila wala nang kabuluhan. Tulad ito ng buhay ko'ng di ko na maintindihan! Paikot-ikot, walang direksiyon at walang patutunguhan. Naliligaw na siguro ako.
Sabagay, mas mabuti na lamang ang maligaw kaysa sa alam mo kung saan patungo ngunit sa huli ay malalaman mong wala ka naman talagang lugar doon. Masaklap. Masakit. Nakapanglulumo.
Pagkatapos ng lahat ng pagod at pag-iisip ng isusulat dito, ano? Mananalo kaya ako? Ang hirap.
Sa puso mo nga, di pa ako nakaka-iskor, sa patimpalak na ito pa kaya? Ano? Magmakaawa pa ako dito? Bakit, nadadala ba sa pakiusap at pagmamakaawa ang lahat? Eh di sana, ikaw din, naawa na sa akin at di mo sinaktan ang aking damdamin.
Oh, hindeeeee! Ang saklap. Tapusin na itong kahibangan at magdasal na sanay manalo naman!
Sa mga may maihuhugot pa, maaari rin kayong sumali sa pa-kontes ni @lhyn at basahin ang mga panuntunan dito: HUGOT Contest - 10 SBDs Up For Grab! . Ilabas na ang drama! Sali na!
I have voted for my witness. How about you? Consider casting your witness votes for @steemgigs (@surpassinggoogle), @precise, @cloh76.witness, @ausbitbank and @curie who have been adding invaluable contribution to the community.
To cast your votes, just go to
https://steemit.com/~witnesses
Entered! Good luck! ^_^
Thank you!