My Entry to Hugot Contest by @lhyn entitled" Ang Hugot ng isang Guro"

in #hugotcontest6 years ago (edited)

CYMERA_20180523_204835.jpg

Mgndang gabi sainyong lahat, ako nga pala si John Andrew Tamban, Guro sa Los Baños National High School. Maraming salamat kay @lhyn sa isang napakagandang patimpalak na ito,

https://steemit.com/hugotcontest/@lhyn/hugot-contest-10-sbds-up-for-grab

at ito ang aking hugot.

"Ang hugot ng isang Guro"

lagi kong natatanung sa aking sarili, bakit laging may bumabagsak kada taong panuruan sa aming eskwelahan?, bakit may di pumapasa at bakit laging may pasang awa. Parang puso ko lagi nagmamakaawa sa babaeng di pinahalgahan ang pagmamahal ko sa kanya, kagaya ng mga estudyanteng hndi pinahalagahan ang kanilang pag aaral.

Kaming mga guro, ginagawa naming lahat para lamang maibigay sa kanila ang magandang edukasyon pero minsan may iilan ding bata na hindi nila ito pinapahalagahan lahat ng paghihirap ng guro nila sa kanila. Parang sya.. Oo sya na hindi pinahalagahan lahat ng paghihirap ko sa kanya. Ooops teka ambigat ng dala kong bag.

images (14).jpeg
Image Source :Google

Ayan ang aking bag, kahit mabigat lagi ko yang dinadala. Parang nararamdaman ko ngaun sobrang bigat, sobrang sakit..pero tinitiis ko nalang. Hndi ko man pasan ang buong daig dig, pasan ko naman ang pusong nasaktan na tunay na umibig. Haysssss... Naiintriga kayo kung anong laman ng bag ko?? Sige ipapakita ko sainyo.

Una, maylaman itong "Panukat" o "ruler"

images (8).jpeg
Image Source:Google

Ruler, panukat... Sobrang sinukat nan ang pagtiis ko ng saktan ako ng babaeng minahal ko ng buong puso. Ang pagmamahal ko sakanya ay kailanma'y di masusukat, ngunit nilagyan nya ito ng hangganan. Meron pa ito pa may laman pa..."pandikit"

images (11).jpeg
Image Source:Google

Kadalasan iyan ang hinihiram sa akin ng mga estudyante ko kapag Art Class nila. "Sir pahiram naman ng pandikit " ididikit kang namin ang mga larawan sa papel. O sigi ayan gamitin nyo idikit nyo, pero itong puso kong wasak, hindi na...hindi na kayang pag dikit dikitin pa. Wala na e, hindi lang punit, wasak talaga. Meron pa, may iba pang laman itong aking bag... Teka ano ba ito... Ahhh "lapis" at may "pambura pa"

unnamed (2).png
ImageSource: Google

Lapis, ito ay ginagamit natin sa pag guguhit. Alam nyo bang ginuhit na din namin ang aming kinabukasan na mauuwi lang pala sa mapait na katapusan. Sabay naming iginuhit ni Angel ang aming mga pangarap na magiging abo nalang pala at malilipad sa alapaap at na nag dulot sa akin ng matinding lungkot at bangungot.

images (12).jpeg
Image Source:Google

Itong pamburang ito ay ginagamit kapag nagkakamali, ngunit bakit nya ako nakuhang ipagpalit sa iba? Bakit napakabilis para sakanyang burahin lahat ng aming ala-ala. Pati ang pangalan ko sa puso nya nagawa nya ring burahin at ipagpalit sa lalaking kailanmay hindi syang kayang panindigan at ipaglaban. Pero ano pa nga ba ang magagawa ko nandito na at nangyari na ang lahat. Sinaktan nya na ako at nagawang ipagpalit sa iba sa kadahilanang hindi ko alam dahil pati ako binura na nya sa isip nya.

Hayssss.. Ang hirap ng aking pinagdaanan noon. Noong una hindi ko alam kung papasa ba ako o tuluyan ng babagsak. Babagsak sa maling babae na kinaya akong ipagpalit sa iba. Buti nalang nagawa kong makapasa. Naipasa ko ang sakit at hapdi na dinanas ng aking puso noon. Naisip ko walang mangyayari kung patuloy akong makukulong sa kalungkutan. Maraming tao at estudyante ang umaasa sa akin at kumukuha ng lakas ng loob para harapin ang kanilang hamon sa buhay upang sila'y magtagumpay. Naisip ko, alam ko may magandang plano ang pinaka dakilang guro na aking kakilala, ang DIYOS na patuloy na nagbibigay sa akin ng lakas at tibay loob.

Aba, teka mayroon pa akong nakakapa sa aking bag, "makukulay na papel".

unnamed (3).png
Image Source:Google

Tama, dito ko isusulat ang panibagong yugto ng aking buhay pag ibig. Kagaya na lamang nitong makukulay na papel na magbibigay ng makulay na bagong pag ibig sa akin sa tamang panahon at tamang pagkakataon.

" TULOY PARIN ANG AWIT NG BUHAY KO, MAGBAGO MAN ANG HUGIS NG PUSO MO". Iyan ang pinakamahalagang aral at natutunan ko hindi lamang sa eskwelahan, kundi sa aking personal na buhay at buhay pag ibig.

MARAMING SALAMAT PO!

Sort:  

Mahusay!
Bukod-tangi!
Kagiliw-giliw!
You never cease to amaze me sir aj.

Thanks much sir fyceee :)

Entry received ^_^ but brod kindly read the instructions again on how to submit the entry and let me know once done! Thanks! c",)

Mam okay na po, naisama ko na po ung link ng contest nyo po.

Entered! Good luck ^_^

Hello mam..okay na po ba itong sa akin??