Kung ang pag-uusapan ay “ka-bitteran” ay day! Marami tayong kakampi diyan.. haha! Andiyan ang ating mga kaibigan na talaga namang walang sawang nakikinig sa ating paulit ulit na hugot sa buhay. Karaniwan dito ay sa pag-ibig (hmmm...) Ako din dati napadami kong hugot, dahil pinagpalit ako at bitter ako kasi mas maganda naman talaga yung ipinalit sa akin! (haha) Pero mas nakakainis kapag mas pangit pa yung ipinalit sa atin diba… Anyways, minsan hindi natin namamalayan na bitter pala tayo, sobrang busy kasi natin mga friend sa kaiisip sa panloloko sa atin, kasi naaawa tayo sa sarili natin, yung bang hindi natin kayang sagutin ang tanong na “bakit”. So ang defense mechanism natin sa sakit na ating nararamdaman ay maging “bitter” at silipin ang pagkakamali nila. May parte na tama tayo kasi yung iba niloko naman talaga at walang kapantay ang sakit, yung iba naman may kasalanan din kung bakit sila iniiwan…(quits! haha) Anoman ang dahilan ng ating pagiging “bitter” sa panahon ngayon naiintindihan ng mga taong millennial ngunit tandaan “lahat ng bagay kapag sumobra ay masama” Sabi nga ng ditse ko “ok lang maging bitter ka wag lang sobra” Gaya ng 5x a day naka post sa facebook ang mga hugot (LOL!) But Im not saying na masamang magpost ng hugot sa fb ha… ang sa akin lang pili at hinay hinay lang…
May sample ako dito ng mga hugot mula sa fb at wattpad… makarelate ka kaya..? ako kc OO eh!
- “Di naman bilog ang puso ko ah, bakit mo pina ikot-ikot!”
- “Ang tunay na lalake pinapaiyak ang babae sa salitang “Will you marry me?” hindi sa salitang “I set you free”
- “Buti pa yung multo nagpaparamdam, eh yung mahal mo nasaan na? Ayun kasama ng mahal nya habang ikaw umaasa na may chance pa kayo, pero walang magagawa ginusto mo yan panindigan mo!”
- “Sa sobra mong pagmamahal sa isang tao, hindi mo talaga namamalayan na naibibigay mo na ang lahat sa kanya, to the extent na nagiging tanga ka na”
- “Buti pa si Elsa nakapag- LET GO na, eh ikaw bes? Kelan ka maglelet- go s kanya?
- “Ang LOVE natututunan pero Di Napag-aaralan.. Nararamdaman pero hindi Nauutusan, Kaya huwag mo Piliting Mahalin ka ng taong Di ka Na man MAHAL! Dahil ang Love kahit Kailan.. Di Naging SUBJECT Sa Paaralan!”
- “Kung mahal mo talaga ang isang tao,pakawalan mo.kapag bumalik siya sayo para talaga kayo sa isa't isa.pero kapag hindi na,habulin mo tanga!!huwag ka magpapaniwala sa quotes,adik ka ba?”
- “Huwag mong ipamukha sa akin na madali lang akong palitan.dahil kaya kung ingudngud diyan sa pagmumukha mo na minahal kita pero hindi ka kawalan.”
- “Pag-ibig?diyan ko naranasan na umiyak ng patago,at nasaktan nang hindi kumikibo.”
10.“ Marami ng tao ang ayaw ng magmahal,ayaw ng masaktan lalo na ang maiwan.sino nga ba ang gaganahang magmahal,kung sa panahon ngayon.uso na ang paramihan at trending din ang iwanan ng walang dahilan.”
O diba… ngayon narealized mong hindi ka nagiisa… Alam mo friend lahat ng yan lilipas din… may dadating sa buhay mo na aalisin ang bitterness at papalitan nya ng sweetness… iyak lang ng iyak kasi nakaka-gaan ng nararamdaman yan. Hayaan mong sumakit ang tenga ng mga kaibigan mo sa mga paulit ulit mong kwento (haha!) kasi naiintindihan ka naman nila. Huwag mo lang sasabihin sa nanay mo na wala sa mood at baka madagukan ka pa! Pwede sa ate mo..pero warning: harsh ang maririnig mo kasi walang halong kaplastikan ang mga payo nila..
Eto ang karaniwang maririnig mo sa kanila…
• Napala mo! Ano sinabi ko sayo! ………..
• Eh tanga ka, kasi ikaw …………………
• Nagpapaniwala ka kasi sa poreber! Ayan…… (O diba bitter din pala ate mo..haha!)
• Ginusto mo yan panindigan mo….
• Sampalin kita wag kang iiyak iyak dyan! Dapat kasi ………..
• Ang bata mo pa kasi puro katipan nasa isip mo, magaral ka kaya muna…………..
• O, bumili ka ng pansit canton miryenda mo para mawala yang kabaliwan mo! ……………….. (ayan nautusan ka pa!)
MOVE ON…. Power! - maraming salamat sa pagbabasa..
XOXO,
Noime
haha.. patawa ka!
haha! isa ka dn eh naniniwala sa quotes.. fave mo nga c bob ong diba.. LOl
This post has received a 0.68 % upvote from @booster thanks to: @noime.
Haha ako ay natawa ng bongga. Xx
thanks sis! ",