TERWANA

in #hiveph5 years ago

Yung panaginip ko ... nag uusap daw kami ng ilang dati n katrabaho, ilang minuto may dumating daw na mga galing agency kasama employer s dating trabaho doon s riyadh.

Gusto daw nila makabawi at ipasok kami s bagong company s ibang bansa. Dala nila dokumentus namin at passport n lang daw kulang.

Lima kami at sinabi yun nga lang daw tatlo s amin ay sa canada, tapos kami na dalawa sa Terwana.

So nung ok n lahat sabi prepare n daw kami at aalis kami stay muna sa airport hotel habang naghintay s oras ng flight.

Noong nandoon n kami sa hotel,hindi ako kampante at mejo mabigat loob ko lumuluha,

dumating si lola at galit na galit sa akin habang dala ticket ko at mejo umiiyak din siya.

Sabi niya aalis n naman ako bakit di daw ako nagsabi di daw ako nagpaalam, inindaan pa niya ako ng kamay na gusto ako batukan.

Kaya lalo ako napaiyak at yumakap kay lola mahigpit at nagsorry, sabi ko kasi nga gusto ko bumalik magtrabaho abroad para nga makabangon at makabawi.

Sabi niya sana nagsabi daw ako at bakit biglaan lahat. Tapos tanong niya ano oras daw flight ko.

Sabi ko 2pm nanjan... 30 min n lang sabi sige punta n tayo at ihatid kita...

Tapos nung papunta n kami kasi tawid pa isang terminal tinanong namin yung isang assist personel. Tinuro naman. At nung naglalakad n kami... ayun naputol na kasi iniisip ko saang lugar ba ang Terwana.

Nag google ako walang ganun n lugar s earth, pero may something closer sa word na yan ay isang tribe at language sa part ng africa malapit sa Congo. Ang isa naman ay Tarwana family ancestral hisyory sa Britain at Ireland.

ojwr7b.jpg