BAD SPIRIT IN TRANSYLVANIA 🤣

in #hiveph6 months ago

Stori time mga ante.

Sa Transylvania mga ante at angkol sobrang religious ng mga tao dun as in. Kung may padasal sa pinas, meron namang pa-visit sa pari at sakristan sa balur.

Bine-bless nila yung mga tao sa bahay kaya isa isa kayong tatampalin ni father walang tulakan 🤣

Yung nanay ni afam lagi pala nagpapa-visit sa pari para i-bless ang bahay at dahil dahil pers time namin dun, excited sila 6am palang gora na si father.

Wit ko knows anong kaguluhan yun kasi pagka aga aga naman sabi ng mister ko may bisita lang daw kami. Hindi ako ready kasi ang ingay ingay kakagising ko lang talaga. Gulong gulo pa yung buong pagkatao ko pagbangon ko biglang pasok si father bulong bulong habang nag-eensenso yung julalay niyang bagets at yun na nga humarap sakin at tinampal ako agad agad mga mga tuyong dahon sa fez, tapos yung cruz nilapat sa noon ko na parang exorcist tsaka winisikan ng holy water.

Tulala ako mga mam ser 🙄

I AM NOT SO READY TAPOS MEDYO MAY DAHAS YUNG PAGKAKASAMPAL NG DAHON DAHON SAKIN, MUKHANG MATINDING BAD SPIRIT ANG TINGIN SAKIN NI FATHER. MAY DASAL SIYA NA LATIN TAPOS NAGWALK OUT NA PARANG WALANG NANGYARING SAKITAN 😂

Yun na yun DALI DALING LUMABAS WALANG HI OR HELLO SHUTA.

SABI KO NALANG
"AM I NOW FREE FROM THE DEVIL?"

AYOS NA YUNG LIGTAS POINTS KO. DI KO ALAM KUNG VALID PA YUN UNTIL NOW PERO I-FLEX KO PARIN WALANG PAKEALAMAN NG TRIP 🙄

FB_IMG_1657613070557.jpg