Naka kalahati na tayo ng buwan ng Hunyo. Ano kaya pa ba?
Patuloy ang pagbaba ni $HIVE nitong mga nakaraang mga araw at ano ang iyong mga napansin? Simple lang, mas lalong kumaunti na ulit ang mga nagpopost kumpara dati. Pag tinignan mo ang #post-stream mas mabilis kang makakahabol sa mga post ng ibang tao at mas madaling mag curate.
Tingin mo hanggang saan aabot ang pagbasak ni $HIVE at ano ang nararamdaman mo ngayon?
Para sa mga active parin at nag-iisip nang prompts na gagamitin sa ikatlong Linggo ng Hunyo narito na ang mga pwede mong gamitin sa patimpalak.
Hunyo 17 - Pinoy Content Creator na Gusto Mong Imbitahin sa Hive
Hunyo 18 - Nakakatuwang Video na Pinanood mo ( pa share ng link)
Hunyo 19 - Libro o E-book na binabasa mo ngayon
Hunyo 20 - Paano makatipid pag nag ba byahe
Hunyo 21 - Paano maghanda ngayong papasok na tag-ulan?
Hunyo 22 - Ano ang inaabangan mong palabas ngayon?
Hunyo 23 - Sa halagang 5K pesos ano ang magandang small business?
Mga tips:
- Suggested ko na atleast 250 words ang isang post o higit pa. Pwede kang mag taglish sa post. O kaya naman ay mayroong Ingles na translation sa post mo para sa tsansa na macurate din ng ibang community curators na nakakaintindi ng Ingles.
- Mas suggested ko na may Tagalog tapos may English na translation sa post. Para maka konek parin ang inyong mga mambabasa na hindi nakaka intindi ng Tagalog.
- Kung gagamit ng larawan na hindi ikaw ang kumuha, ilagay ang link kung saan nagmula ang larawan.
- Magpost ng content sa Tagalogtrail community o kaya naman ay ilagay sa tags #tagalogtrail para ma pick-up ng bot ng Hiveph.
Mamayang gabi o kaya naman ay bukas nang madaling araw ko ipopost ang mga nagwagi sa ikalawang linggo. Isabay ko narin yung retro sa reward ni Artgirl na namissed out ko nung unang linggo.
Kung mayroon kang suggestion o kaya naman ay concern mangyari lamang na mag komento ka dito para masagot natin.
Ang prize pool parin ay 5 na Hive at at 162.50 na Ecency points.
Diko lang alam hanggang saan ang pagbagsak ni $hive pero ang alam ko may ibababa pa ito compare nung mga taong kakasimula ko pa dito. Nakakapanghina man ng loob pero since napagdaanan na naman ito at lilipas rin, ay okay lang. Umaasa parin naman akong tataas ito uli sa hinaharap. Di lang natin alam kung kelan. 😅
HAHAHAHAH isa ka nang OG ibig sabihin lol
Oi, anong OG? Parang ang tanda ko na at diko lam mga acronyms now 😅
Oi kala ko wala pa, kasi di naka Pin, hahaha. Meron na pala uwu
HAHAH sorna di ko nga din na edit yung title kanina HAHHAHAHAHHAHAH ayan na pin ko na ituuu.
Salamatss
!PIZZA
$PIZZA slices delivered:
@lolodens(3/5) tipped @tpkidkai
Yey salamuch! Hehe.
Parang gusto ko gumawa ng isa pang post na sakto for today kaso nitatamad pa ako manood nun kaya wag n lng siguro. Hahaha.
HAHAHAH nakita ko na yung post di ko palang nadadanan medyo busy paaaaaaa
Orayt. 😆