Mura at masarap
Ganyan ko ilalarawan ang almusal na aking napili. Kaiba sa karaniwan, ang aking almusal ay masasabi ko nang merienda dahil narin sa iskedyul nang aking trabaho. Ang una kong kain ay pagpatak ng alas otso ng gabi, at ang huli naman ay alas dose ng tanghali.
Madalas ganito ang almusal namin kapag napaparami ang natitira kong kanin sa kinagabihan. Samahan mo pa ng sinangag na maraming bawang ay tiyak na ikaw ay mapaparami pa ng kain.
Bagama't mura dahil sa inflation lumiliit ito sa tagal ng panahon.
Tanda ko noong bata ako hindi pa ganito kaliit ang isang pakete ng noodles sa halagang limang piso ay kaya na niyang pakainin ang isang pamilya. Sabawan mo lang ng marami ay katalo na. Ngunit sa tagal ng panahon ay unti-unti na siyang lumiit, para parin ma-cater ang mga konsumer na hindi kayang makabili ng mamahaling paninda.
A poor man's meal ika nga nila. Walang masyadong sustansya at sobrang alat pero kapag may marami kang kanin ay kaya ka na itawid nito sa buong umaga.
Di ka ba nagkakape sa almusal?
Kung sa regular na almusal ay hindi na talaga. Bagama't gusto ko minsan e hindi na maari dahil narin sa ilang oras nalang ay ako ay matutulog na.
Kung sakali man na iinom ako ng kape ay ito ay magiging pangatlong kape ko na sa araw. Ayaw naman natin na masobrahan tayo sa kape at di na makatulog sa darating na tanghali.
Kapag ibig ko naman na may mainom na mainit, gatas o kaya naman ay milo nalang ang aking iniinom.
Yung dilis di ko na ipinaliwanag, masama parin ang loob ko diyan dahil sa luma na ang tinda. Di ko napansin agad dahil pare-parehas lang naman ang hitsura nila sa packaging pero pagbukas ko ng plastic ay tumambad na ang amoy na di kaaya-aya.
Pero pag talaga ganito ang almusal namin meron akong tuyo o kaya naman ay dilis na kapartner ng instant noodles.
Sarap niyan lalo kapag may kanin mapapadami ang kain
Madami ka naman kumain beshy.
childhood days hehe
True to that! Sarap lang balikan minsan
Di ko pa na-try yung ganitong combo. Ma-try nga minsan.
Yung dilis naka-pack? First time ko maka-encounter nyan. Yung tita ko nagttinda nyan sa palengke and usually open sya and per kilo ang bentahan kaya alam mo if luma na or bago.
Night shift na ako now so iniimagine ko yung routine mo. Gabi ka na gumigising,tp? 😄
Ou C 7:30 ang sked ko kaya pang gabi tayo.
Ganun talaga pag sa tingi tingi pag sa palengke ganun din kaw nalang ang magkilo.Pag sa suking tindahan naka small na lalagyan sila 10 pesos ang pinaka mura.
Uy ang nice naman ng 10 pesos na dilis! Swertihan nga lang if bago or luma 😅
Naglagay ako dati ng kikiam at gulay tapos chili flakes parang ramen naku napakasarap!
Ui never tried pa iyan! Gusto ko yang kikiam.