Ikatlong Patimpalak sa Wikang Tagalog Ikatlong Linggo

in Tagalog Trail2 years ago

Natapos na ang buwan ng Pebrero at harinawa'y lahat ay naging masaya at payapa. Bagong linggo na naman kaya't atin nang simulan ang patimpalak sa wikang Tagalog.

Mas marami na ang sumali sa ating patimpalak at nagpasiya na makilahok muli kaya't ako ay nagagalak sa mga ganap.

Maliban doon ay nagkaroon tayo ng sponsor sa patimpalak mula sa isang anonymous na donor. ( Wag nyo na silipin ang wallet) Napag-usapan namin na ang 20 Hive ay hahatiin sa apat na linggo kaya't sa makatuwid makakatipid ako ng 20 Hive ngayong buwan! HAHAHA. Kung gusto nyo rin mag sponsor ay maari din naman.

yannes-kiefer-p1eONfr9eHI-unsplash.jpg

Larawan ni Yannes Kiefer sa Unsplash

Dahil sa nalalapit na modernisasyon ng dyipni naisipan ko na gawing prompts ang mga sumusunod.

Papasok o Hindi?

Noong ako ay nasa Maynila, kahit na mayroong strike ang mga dyipni ay palagi parin kaming pinapapasok sa opisina. Dahil narin kami ay tinatawag na imortal noon ay wala kaming choice kung hindi ang pumasok. Ngayon, ikaw sa napipintong strike ng mga pampublikong sasakyan papasok ka pa ba? Kung ikaw ay papasok, ano sa tingin mo ang iyong magiging mga sagabal? Kung hindi naman, paano mo palilipasin ang araw?

Kwentong Dyipni

Halos lahat tayo ay nakaranas na ng sabaw-moments sa ating pagba byahe. Nariyan ang mali-maling pagsabi ng para, pag-abot ng sukli atbp na hindi ko na papahabain pa dahil baka iyan ang iyong napili. Ano ang iyong hindi makakalimutan na sabaw-moment sa dyip?

Taas Pasahe

Sinasabi nang mga tsuper na hindi nadaw sila kumikita sa pamasahe na ating ibinabayad. Ikaw ay nabigyan ng kakayahan upang pairalin ang taas pasahe sa pampublikong sasakyan. Magkano sa tingin mo ang nararapat na dagdag sa ating ibabayad. Ipaliwanag at gumamit ng pormula kung sakali man.

Mangyari lamang na ipost ang iyong akda sa TagalogTrail na komunidad para mapasama sa aking pagpipilian.

Mga alintuntunin

  • Gamitin ang #Tagalogtrail sa unang tag.
  • Ipost sa TagalogTrail na komunidad
  • Gumamit ng mga larawan na copyrights free at ilagay ang link kung saan nakuha ang larawan. Kung ito ay iyong kuha, mangyari lamang na isaad na ang iyong larawan ay mula sa iyong selepono o kung ano mang kagamitan.
  • Maari ang Tag-lish o kaya naman ay Bilingual na post (para magkaroon parin ng pagkakataon na ma curate ng ibang lahi.
  • 250 salita o higit pa. Hindi kasama ang mga palabok na wika gaya o paunang mga remarks.
  • Maaring mula sa imahinasyon ang iyong akda pero mas malaki ang puntos kung ito ay personal.

Premyo


🥇 5 Hive sa Kampeon
🥈 3 Hive sa Unang Karangalan
🥉 2 Hive sa Ikalawang Karangalan


Ang patimpalak ay magtatapos sa Sabado ganap na 12:00 ng madaling araw. Sa lahat ng sasali maraming salamat at mabuhay tayong lahat!

Sort:  

Wow may Tagalog Trail na pala! ♥

Kakabalik lang for operations - pinagpahinga ko na yung mga alt accounts haha.

Sali ko 'to sa jeep stories. Haha. Napasulat ako ng di oras.

Nasilip ko na sya! Mamaya ko basahin ng buo reply lang muna tayo sa mga comments dito lol.

Hwaw may nakuha ako. Ako nanalo pala? Haha salamat pohwz. 😁

Wahhhh walang jeep samin sad. Ahahaha, pero ilang beses lang ako nakasakay dito ee. Ang problema ko lagi yong pag aabutin ang bayad tapos kapag papara na HAHAHA nawawala boses ko, lol

Oyy ang weird non ruffaaaaa baket walang jeep there?? Di pa umaabot sibilisasyon sainyo no? Pinapasok lang ung cellphone at internet haha charot. 😂

Ang cute nung kapag papara ka nawawala boses mo halatang di ka sanay. 😅

Hahaha sa ibang barangay meron nyan, meron kami here before is yony multicab. Yong ang uso then napalitan ng bago yong Forland naman, may aircon sya haha. And ayus naman ang pricing.

Nakuuu, if di lang need di nalang talaga ako papara ee ahahaha

Hindi ba nauso jan yung "hila mo, hinto ko" ganern?? ung nasa taas ung lubid tapos naka connect ata doon sa pang preno ng jeep haaha

#KwentoMoNaYan! Hahah gawa na ng post dali.

Uy sakto hahaha. Naiisipan ko ding gumawa ng blog about sa jeepney modernization, dito ko nalang ilalagay hahaha.

#NotoJeepneyPhaseout

Bwahahah laban dyan Ford! #NotoJeepneyPhaseout

Wala ring dyipni dito sa amin Ngayon @tpkidkai, pero mga alaala noon meron. Kaya ito na yung aking kwentong dyipni.🥰

AYUN LABAN NA YAN. SLR di ko nareplayn to been busy irl pero nabasa ko na yung post haha.

Hesusss ang hirap naman ng prompt 💀 yewe

Di ka kasi nag co commute o di ka sabaw lagi either one pili ka nalang Mebu.

Yehey! Buti nakahabol pako. 5 days ago na pala itong post na ito.

Eto nga pala ang aking entry para sa pangatlong patimpalak

https://peakd.com/hive-199493/@xanreo/kwentong-dyipni-nasubukan-mo-na-ba

Sana ay magustuhan nyong basahin 🥰

Basahin ko laterrr mag rereply muna ako sa mga comments sa post ko.


The rewards earned on this comment will go directly to the people( @tpkidkai ) sharing the post on Twitter as long as they are registered with @poshtoken. Sign up at https://hiveposh.com.

Nga pala, baka gusto nyong ecency points. Pwd ding pang consolation prize yon.

Ayyy! oo nga meron pa pala ako ecencu points na di nagagamit. Hahahaa push pero kung mag donate.

Parang masusubukan kami sa inyong prompts tp wahahahah

HAHAHAH grabe naman yan. Pero parang di naman natuloy ang strike anu? dami paring jeep sa palengke dito.

Actually parang isang araw lng yung strike...

Ang hirap naman nung pangatlo. Kasi kailangan ang pagbabalanse ng taas ng mga bilihin, gasolina, itbp. Pero susubukan kong makilahok ngayong pangatlong patimpalak.

Grabe ka naman dyan. Ako nga compute ng compute eme!

Late ko na nabasa. Buti may tagalog trail at makaka pahinga ako sa pag i-english. Draft ako mamaya entry wieeee!! ❤️❤️

kailan kaya ang sunod na #tagalogtrail?
untitled.gif

HAHAH sorna Mebu closing ng mga reports ko this week kaya di me makapag spam post at gawa sa Hive try ko magsilip from time to time. ( if may spare sympre)