Ikalawang Patimpalak sa Wikang Tagalog Ikalawang Linggo |

in Tagalog Trail2 years ago
Countdown terminated on Feb 28, 2023, 4:00 PM

Tayo ang nagbabalik sa ating munting patimpalak sa wikang Tagalog. Maraming salamat sa mga tumangkilik sa likha ng mga manunulat at harinawa'y mas dumami pa ang miyembro ng Tagalog Trail.

Dahil bagong linggo na at nalalapit nadin ang Hive Power-Up Day naisip ng inyong lingkod na mas bonggahan ang patimpalak ngayong linggo.

pexels-rodnae-productions-7551319.jpg

Pinagkunan ng larawan

Mangyari lamang na ipost ang iyong akda sa TagalogTrail na komunidad para mapasama sa aking pagpipilian.

Mga alintuntunin

  • Gamitin ang #Tagalogtrail sa unang tag.
  • Ipost sa TagalogTrail na komunidad
  • Gumamit ng mga larawan na copyrights free at ilagay ang link kung saan nakuha ang larawan. Kung ito ay iyong kuha, mangyari lamang na isaad na ang iyong larawan ay mula sa iyong selepono o kung ano mang kagamitan.
  • Maari ang Tag-lish o kaya naman ay Bilingual na post (para magkaroon parin ng pagkakataon na ma curate ng ibang lahi.
  • 250 salita o higit pa. Hindi kasama ang mga palabok na wika gaya o paunang mga remarks.
  • Maaring mula sa imahinasyon ang iyong akda pero mas malaki ang puntos kung ito ay personal.

Mula sa tambyolo ng mga prompts mangyari lamang na pumili ng isang paksa.

Kasikatan o Dignidad?

Ito ay panahon na ng mga influencers at napakaraming nagsisulputan upang ipahayag ang kanilang saloobin. Ikaw na isa ring gumagawa ng blog/vlog sa blockchain na ito ay isa ring influencer. Ngayon, kung ikaw ang tatanungin, ano ang mas importante sa iyo. Ang kasikatan o ang iyong dignidad?

Simple o Enggrande?

Kung ikaw ay ikakasal sa taong mahal mo at mahal ka ano ang mas nais mo? Isang simpleng kasalan or isang bonggang selebrasyon na mayroong mga artista at mga pulitiko gaya sa kasal nila Alodia Gosiengfiao? Ipaliwanag at magbigay ng halimbawa.

Nalaman mo na....

Isa kang certified na maritess ngayon nalaman mo na isa sa mga taong malalapit sa iyong puso ay biktima ng iyong chismis na pinakalat. Babawiin mo ba ito o papanindigan mo ang iyong sinabi. Totoo ang chismis na pinakalat mo ngunit ito ay hindi dapat nakarating sa kaniya.


Dahil ngayong linggo ay espesyal. Magiging maiksi lamang ang ating deadline at mas engrande ang ating pa premyo.

Magtatapos ang patimpalak sa unang araw ng Marso 12:00 AM MNL at ito ang mga premyo.

Premyo


🥇 5 Hive sa Kampeon
🥈 3 Hive sa Unang Karangalan
🥉 2 Hive sa Ikalawang Karangalan

Isa rin sa random na kasali sa patimpalak ang magkakaroon ng 10 Hive na power-up sa araw na anunsyo ng nagwagi.

Kaya ang buong premyong maipapamahagi ay mahigit 20 HIVE.

Ito ay isa ring paraan upang mas mapabilis pa ang pagkakaron ng Hivepower ng mga baguhan sa platform dahil ang 10 Hive ay isang malaking bagay na.

Countdown terminated on Feb 28, 2023, 4:00 PM
Sort:  

teka teka teka
bakit parang timely to sa mga ganap sa mundo hahahahaha

Sympre dapat napapanahon ang patimpalak para may maiambag agad.

Ganda ng mga paksa. Napapanahon talaga ang mga ito. 😄

Sumali ka na ha!

Parang Ang may akda ay Tolits, haha..

tolits hahahha potek.

Marites pa more! Hahahah Ang dami atong pera sa money dance nito. 😂

HOOOY Ubos na yung sa moneydance. May naipon lang pag nagkaubusan na huhugot ako sa kaban ni Hiveph.

-Hi! Ang ganda po ng lahat ng topic kung ako ang papipiliin yung una at huling topic po ang pipiliin ko. But isa lang so pipiliin ko po yung sa palagay ko mas mahalaga at mas kapu pulutan ng aral ng makakabasa. At Bi-lingual po ang gagamitin ko, sana magawa ko po ito ng tama hindi lang po para manalo king hindi para mas maintindihan ng nkararami.Maraming Salamat po! Have a blessed evening! To God be the glory!🙏.

Salamat! Asahan ko ang iyong post!

-Walang animal po! God bless!🙏


The rewards earned on this comment will go directly to the people( @sensiblecast ) sharing the post on Twitter as long as they are registered with @poshtoken. Sign up at https://hiveposh.com.

Kayahahaha! Mahusay! Magaganda ang mga napili mong paksa this week. At dahil dyan, sasali ako ulit 🥴

Yay! HAHA sali lang ng sali.

Eto nga pala ang aking Entry dito sa patimpalak na ito:

https://peakd.com/hive-199493/@xanreo/ang-pinapangarap-kong-kasal

Sana ay inyong magustuhan. 😊

Magandang gabi! Ito po ang entry ko into the contest..thank you for initiating the contest!

POST LINK

May God bless each and every one po na sumali at buong Hive platform na rin. I pray para po sa pag-grow ng Tagalog trail Community , Have a blessed night po!🙏