Guhit Achiee | Content Creator Na Gusto Kong Maging Hiver

in Tagalog Trail7 months ago (edited)

Nitong mga nakaraang mga araw, maliban sa pag-papahinga at pag-aalaga kay Dyn ay ginugol ko ang iba kong oras sa pagbabasa ng libro at siyempre paghahanap ng mga content creator na sa tingin ko ay maaring ma recruit dito sa blockchain.

Aktibo ako ngayon sa Tiktok at madalas ay nakikipag interact sa mga maliliit na content creators doon upang makipagkaibigan at sanaý maging miyembro ng Hive Blockchain.

charlesdeluvio-Lks7vei-eAg-unsplash.jpg

Larawan mula kay charlesdeluvio ng Unsplash

Bagama't nasa profile ko sa Tiktok ang Hive ay hindi ko tahasanag binibigkas ito sa mga nakakasalamuha ko dahil narin sa negatibong konotasyon na mayroon ang mga tao patungkol sa promosyon lalo na at hindi naman tayo kakilala nila nang lubusan.

Mayroon na akong sinusubaybayan na content creator ngayon, isang graphic artist na gumagawa ng realist charcoal paintings sa Facebook ( I like nyo nadin ang page nya para ma pressure na sumali sa atin)

image.png

Maganda ang mga likha niyang painting gamit ang charcoal, naalala ko tuloy si @ligarayk / Kinit sa kaniyang mga obra na sa ngayon ay hindi narin active sa Hive.

Nagpadala narin ako ng mensahe kay Achiee patungkol sa imbitasyon sa Hive at umaasa ako na sana ay ma-onboard ko siya dito sa platform natin.

Kumpara noon, mas madali na ang proseso ng pag-oonboard at kung aktibidades lang naman mga short form content mayroon na tayong DBUZZ na pwedeng gamitin para dito. Hindi na masyado kailangan ang long form pero sympre mas preferred natin yan para sa mas maraming curators.

Isa din sa mga factor na kung bakit ko naisip siyang imbitahan ay dahil sa siya ay ka-bayan ko. San Pablo kami parehas at sa totoo lang napakalungkot nang walang Hiver sa lugar namin. Wala akong maka chismisan tungkol sa pagbagsak o pagtaas ng market ng Hive at sympre kung sakali man na magkaroon nang mini na meet-up e hindi ko na kailangan pang lumuwas ng Maynila.

Ni pitch ko nalang sa kanya na idagdag ang Hive sa mga social media platforms na pwede nyang pag post-an para i promote ang kanyang gawa. Umaasa ako na makuha natin sya pero kung hindi naman eh ayos lang hanap nalang tayo ng iba :)

Sa tingin nyo ano kaya ang magandang strategy para makahikayat na sumali sa Hive? Running out of options na ako haha at dahil narin sa pagbaba ng Hive mas bababa pa ang bilang ng mga users dito :(

Abangan ko ang mga entries nyo dito, pag sa tingin ko ay kaya naman nating kontakin ang naisip nyong content creator subukan nating kausapin.

Ayun lang!

Sort:  

Malaking bagay ang pagdadala ng content creators/influencers into Hive blockchain. Kelangan lang siguro idifferentiate sa kanila. Sa web2 social media kasi ngayon, virality and following ang kelangan para kumita. Yun nga lang, by uploading to the platform, medyo mawawalan sila ng control sa ownership ng content nila (i.e. art, images, video, etc).

Advantage ng web3 ay parang 'free storage' sa Hive blockchain. Pero as you may know, ang 'kita' ay nangyayari sa 'curation' within 2 days. Longer than that, medyo wala na masyado bearing ang upvotes. Iba ito sa style ng web2 ngayon na pwede pa rin nilang pagkakitaan kahit mga lumang content.

Hindi rin naman siguro ibig sabihin kelangan nila pumili. Pwede naman isabay. They can continue web2 socmed management, plus have Hive (web3) as some sort of parallel posting where they can fully own the content and forever embedded na sa chain.

Totoo to Sci! Medyo challenge lang talaga kaya minsan ang pitch ko ay kung gusto nyang idagdag ang Hive as another way to promote their works via social media din.

The technical stuff follows nalang such as crypto atbp. Hopefully we can get more content creators talaga dito. I am scouting for some na medyo hesitant lang ako mag send ng message haha.

oi ang ganda naman ng mga likha nyang larawan, makatotohanan tlga tingnan. irecruit na yan

Totoo! Hopefully pwedeng mapirata para mag join din sa Hive.

Web3 ay baby pa hindi papansinin ng tao ang baby sa reality kasi nagsusuka nagtata* tulo laway. Pero ang web2 ay matanda na marunong na sa buhay. Darating ang araw lulubog ang buwan 😀. If you build it they will come!

Build muna talaga anu - hopefully once oks na ang building people will enter para mas masaya pero sa ngayon tayo-tayo muna hahahha