Bakit Nga Ba Importante Na May Tagalog Content Sa Hive?

in Tagalog Trail7 months ago (edited)

pexels-rainpexels-11382138.jpg

Importanteng mayroon kasi sa totoo lang ang hirap mag Ingles sa blog

Iyan ang unang ideya na pumasok sa isipan ko kung bakit ako nagsusulat sa wikang Tagalog nung nag-uumpisa palang ako sa dito sa platform na ito way back 2017

Hindi naman lahat tayo ay may pormal na training o kaalaman sa pagsusulat. Kung mayroon ka mang experience sa iskul ay isang malaking plus points na iyan para makapag umpisa pero ganun pa man hindi talaga lahat e kayang magsulat ng pulido at perpektong Ingles.

Habang nag che check ako, wala din ako masyadong makita na nagsusulat ng Tagalog. Nakakaintinde naman ako ng Ingles pero sa totoo lang e hindi ako ganoon ka fluent at barok-barok pa minsan. Asa lang ako madalas sa grammarly at kung ano pang AI para lang ma correct kahit papaano ang grammar ko.

Maliit o walang suporta sa content ang isa sa mga problema kung bakit walang Tagalog Post.

Ito ay totoo kung wala kang regular na nag a upvote ng iyong content ay paniguradong mawawalan ka ng motibasyon para magsulat sa ating wika dito. Unang-una kahit di mo man sabihin yan ang dahilan natin kung bakit tayo nasa site na ito at iyon ay para kumita ng pera sa ating mga post. Lalo na kung bago ka palang mas focus mo ay mas mapalaki ang iyong potential na pagkita.

Ang pagsusulat sa ating wika ay magiging hadlang para dyan dahil wala tayong lokal na whale na maaring sumuporta sa iyong gawa. Mayroong mga maliligaw na mag a upvote pero yung consistent na pwede ay olats talaga.

Ang naging plano ko dito ay kahit paano ay lagyan ng English translation ang post para narin maintindihan ng iba ang iyong likha. Sympre extra work yan pero nasa tao narin kung gagawin iyan.

Walang Tahanan sa Lokal Na Gawa

Ang daming blogs dito sa Hive na nakasulat sa ibat-ibang wika pero pagdating sa Tagalog kalat tayo. Mas magiging madali kung may lokal na tahanan na pwedeng bisitahin ang mga nagawa ng content sa mga panahon na umay na sila sa Ingles. Mas madali sympre parin maka relate sa mga post na di mo na kailangan magisip pa masyado diba?

Mga future na plano sa Tagalog Content

Medyo busy lang ako pero may mga naka linya na akong plano pondo nalang talaga ang kulang hahaha. Sa mga susunod na buwan pag oks na ang Hivepower mag reach out tayo sa mga lokal na content creator sa FB na nagsusulat sa wikang Tagalog para kahit papaano ay makuha din natin ang community nila. Matrabaho lang kasi itong networking na part eh pero hopefully may mabingwit tayo sa hinaharap na mga local na writers din.

Paano ka Makakatulong?

Simple lang mag gawa ka ng post sa Tagalog, kahit once a day kung wala ka pang blog dito sa Hive. Magpower-up ka ng Hive din para mas malaki ang upvote na pwede mong maibigay o kaya naman mag delegate ka sa @hivephilippines account kasi madalas ang mga post na nadadaanan ko ay ginagamitan ko ng bot ni HivePH sympre as a local na curator mas focus ko ang Tagalog content over English. Ang kagandahan sa pag dedelegate may reward ka pa na Hive araw-araw at nakakatulong ka pa sa kapwa mo especially kung di ka naman ganun ka active sa pag cucurate.

Sors ng Larawan

Sort:  

Sana easy lang yumaman ee para power up agad nang malaki, para naman may own supporter din na whale ang mga Tagalog Content diba. Kaso, kahirap naman yumaman ay, haha. Ay ina.

Totoo ate.

Ang Rice Group ay may idea para sa Filipino languages pero as of now kailangan muna namin palakasin ang sarili naming HP.

Ubos na HP ko. hahaha.