Maraming OPM song ang Pilipinas na tunay namang napakaganda. Mapa-banda o kaya kanta from mga solo artists na sumikat sa Pinas at kilala pa rin hanggang ngayon. Marami akong favorite song na pinapakinggan ko pa rin hanggang ngayon. Pero kung dati, yang mga kantang yon ay ini-enjoy ko lang dahil sikat, ngayon, na mas naiintindihan ko na yong mga mensahe mula sa lyrics, at minsan nga narerelate ko pa sa buhay ko - mas naaapreciate ko pa lalo ngayon yong mga kanta na yon.
Ang saya rin nilang pakinggan paminsan minsa, hindi yong puro english, japanese at korean songs nalang. Nakikinig din ako nang mga kanta mula sa Asin, Freddie Aguilar, Aegis, Jeremiah (pinaka fav ko, lol) at maraming pang iba. Syempre di rin mawawala ang kanta mula sa mga banda, katulad bina Parokya ni Edgar, Siakol, Cueshe, Kamikazee at marami pang iba. At syempre may mga paborito rin ako, special mention sa Siakol, uwu.
Lahat nang OPM songs na nasa playlist ko, matic na gusto ko yan kaya na dinownload ko para kapag gusto ko pakinggan, one tap lang mapapakinggan ko na agad. At isa sa mga kantang gusto ay yong kanta ni Arthur Nery na may title na Pagsamo. Di ko lang alam if kilala nyo siya pero marami din ata siyang pinasikat na kanta eh. Alam niyo ba yong "Higa?" How about yong "Isa Lang" o kaya naman yong "Binhi." Ilan lang yan sa mga paborito kong kanta niya.
Sa totoo lang aksidente ko lang na nadiskubre tong kanta na to. At nong una ko siyang mapakinggan, na LSS ako agad agad, huhu. I mean, intro pa lang men, grabi ang hatak nong intro beat niya. Alam mo yong para kang nasa isang eksena sa isang pelikula. Di ko mapigilan na mapangiti pati kasi yong beat, yong melody, bagay na bagay sa boses ni Arthur. Ang sekshi pa, lol. Ang sarap niya sa tenga sa totoo lang. And masarap siyang pakinggan habang naka higa ka sa bed. Or kaya habang nakatanaw sa bintana at umuulan.
Yon nga lang, yong lyrics nya, di tugma sa nararandaman ko kada napapakinggan ko tong kanta na to. Ngingiti pero yong lyrics mapanakit, lolol. Pero kasi, kaya lang ako happy kapag pinapakinggan ko tong kanta na 'to, kasi kinikilig ako sa beat at sa boses ni Arthur. Pero kapag nag eemote ako, talagang damang dama ko yong lyrics. Although wala namang pinag dadaanan, pero nakaka sad nga kasi. Iba din talaga nagagawa nang isang kanga sa emotion nang isang tao no? Pinapadama nang ibang kanta sa'tin ang saya or hapdi nang kahapon, charot! Lol. But that's why Music is Life talaga! Mahilig ka din ba sa kanta?
Apir sa Jeremiah! Grabe yung mga songs na yan, feeling ko binabalik ako sa kabataan ko kapag naririnig ko yan sa barber shop kapag nagpapagupit haha
Dibaaaaa, Jeremiah is the best! UwU. Saka nakakakilig pa rin pakinggan boses kahit mapanakit lyrics, lol
huhuhu. salamin salamin. huhuhu. kainis lss na.
Hahahaaha, isa kana di ba sa BINI fans, uwu
😅
Humanap ka ng panget by Andrew E. tapos Pinakamagandang lalaki by Janno Gibbs 🤣
Hahaha ay maganda din yan lalo Pinakamagandang Lalaki, uwu