Maliliit na Negosyo Na Pwede Mo Simulan

in Tagalog Trail5 months ago

(Edited on Canva)

Kay bilis lumipas ng panahon at ngayo'y nasa ikaapat na linggo na tayo ng Hunyo. Para sa taong madaming iniisip at ginagawa, parang ang isang buong araw ay parang ilang oras lamang ang katapat nito.

Di tulad ng isang bata na walang gaanung iniisip o ginagawa at minsan ay naiinip sa mga dumadaang araw sa kadahilanang may inaantay. At naisip ko, lahat ng taong nag aantay ay naiinip rin. Tulad ng pagkainip sa inaantay na sweldo para mabawasan ang mga babayarin o kaya naman ay pangbili ng mga kailangan sa bahay. Ang pagkabagot sa pag aantay kung darating pa kaya ang taong muling magpapatibok ng kanilang puso pagkatapos ng ilang bigong relasyon.

Kahit paanu man natin gugulin ang oras natin sa buong linggo o buwan, sana'y dumating rin sa atin paminsan minsan ang huminto sandali at pagnilayan ang mga bagay-bagay na nangyayari sa ating kapaligiran, lalo na sa ating buhay.

Tulad ng nakagisnan, gumising ako ng madaling araw (4 am). Habang nakaupo sa misa kaharap ng aking mga gamit panggansilyo ay naisipan ko munang silipin ang Hive. Naisip ko na sa lumipas na linggo eh wala akong naisulat na anuman dito dahil sa puno ng gawain, pag aaral at ginagawang order sa aking munting negosyo.

Nakita ko ang mga prompts ni TP sa Tagalog Trail na komunidad at napukaw ang aking atensyon sa topikong gusto kong sagutan. Nakita ko rin yung topiko noong nakaraang Hunyo 23, patungkol sa negosyo. Dahil nga sa ako'y may pinapamhalaang maliit na negosyo eh gusto ko ring ibahagi ang mga munting nalalaman ko dito.

Sa halagang 5k, ano ang magandang small business?

Sa pagsisimula ng pagnenegosyo, maliit man ito o malaki, ay nangangailangan ng masusing pag aaral di lamang sa negosyong papasukan kundi ang pagkilala rin sa ating mga sarili.

Ang pagnenegosyo ay parang pagpapalago ng isa sa mga libangan mo. Di ba kasi pag libangan mo, eh kahit ilang oras pa ang gugulin mo dito eh hinding hindi ka makakaramdam ng pagkabagot. At kapag gusto mo ang ginagawa mo, kahit anong problema eh parang kaya mong solusyunan dahil nga nasisiyahan ka sa mga ginagawa mo.

Pero piliin mo ang negosyo kung saan ka magaling NA MAY POTENSYAL SA MERKADO. Suriin ang merkado upang malaman kung may demand para sa iyong produkto o serbisyo. Isaalang alang ang suliranin sa komunidad na pwede mong solusyunan sa pamamagitan ng pag aalok mo ng iyong negosyo o serbisyo.

Mas mainam rin na alamin ang iyong target market kung ito ba ay pangbata, pang teenager, nasa hustong gulang, pangmatanda o kaya naman para sa pangkalahatan.

Sa halagang 5000 pesos, maraming mga maliit na negosyo ang maaaring simulan. Mainam rin ang magsimula sa maliit, at maging pamilyar muna sa piniling negosyo tulad ng:

  • Food Business

Maari kang magbinta ng mga homade food gaya ng cookies, cupcakes, sandwiches, o mga packed meals (baon).

Pwede rin ang street food kung bet mo naman magbinta gaya ng fishball, kwek-kwek, turon o banana que.

Yung frozen food naman eh pupwede pero dahil nga sa mahal ang kuryente ngayon plus isaalang alang mo rin ang health ng pamilya mo na makakaain nito dahil panigurado na lagi eh magiging yan rin ang kakainin. Napakahirap kasi magkasakit. Ayaw naman natin na sa mga gamot lang mapupunta ang mga kinikita natin sa pagnenegosyo.

  • Pre-loved Items/Ukay-ukay

Madami dito sa amin ang nagbibinta ng mga ukay-ukay at mapapansin kong mas madami ang pumapasok sa mga ukay-ukay na tindahan kompara sa mga brand new clothes na tindahan na minsan eh wala talagang customer.

Yung mga pinaglumaan mong gamit o kaya naman yung mga bagay na di mo ginagamit na maayos pa naman tulad ng damit, sapatos, sandal at kung anu anu pa eh pwede mo rin namang ibinta at ang kita nito eh pwedeng pandagdag sa kapital mo.

  • Beauty Products

Kung hilig mo naman ang pagpapaganda, madaming skincare o makeup items ang nasa merkado na pwede mo ioffer sa mga kasamahan mo sa trabaho.

  • Arts and Crafts

Kadalasan dito eh mga handmade products tulad ng pag gagansilyo (tulad ng sa akin), paggawa ng mga kandila o sabon, paggawa ng mga hikaw at kwentas gamit ng mga beads, paglililok sa kahoy at madami pang iba.

  • Barber Shop

Kung magaling ka rin naman mang gupit eh pwedeng pwede mo itong simulan. Buwan-buwan kasi kung nagpapagupit ang mga kalalakihan, mapa bata man o matanda, at kung marami ka rin namang kapitbahay eh papatok rin naman ito.

  • Digital Products and Services

Maari kang magsulat at magbenta ng e-books tungkol sa iyong expertise o interes o kaya naman ay magturo online with fee. Pwede rin mag-design ng t-shirts, mugs, o phone cases at ipagamit ang print-on-demand services.

  • Plant Business

Magbenta ng mga halaman sa paso, tulad ng succulents, herbs, o kaya naman mga vegetable seedlings. Isama mo na rin ang mga pangagailangan ng mga plantitas and plantitos gaya ng abono, plant pots, o soil mix.

Magsimula kang magbenta sa iyong kapitbahayan o komunidad. Gamitin ang Facebook, Instagram o Tiktok para mag-promote ng iyong mga produkto. At napakainam na siguradohing maganda, maayos at malinis ang iyong mga produkto upang makakuha ng mga suki, at dumami ang iyong customer dahil sa word of mouth at magandang feedback ng iyong negosyo.

Palaguin ang iyong munting negosyo at huwag agad igastos ang tubo nito upang maisa-alang alang ang pagpalaki ng iyong negosyo.

Iyon lamang at maraming salamat sa pagbabasa. 😊


Yours truly,

@jonalyn2020 😘😘😘



Kung nagustuhan mo ang aking sinulat ngayon, pakipusuan mo naman. 😍😉

To God Be The Glory


Sort:  

Ui ayos ang list te Jona - yung sa yarn business mo magkano ang naging puhunan mo dyarnnnn?

Kung gagawa ka ng crochet items like flower bouquet,pwede na ang P500-1000 pesos mo.

Crochet flower bouquet

  • 5mc yarns - P23 each (Link)
  • generic hook - P23 pesos (3mm size) (Link)
  • fiberfill - P50 (Link)
  • scissor - P10-15
  • Ribbons - P78 (Link)
  • Flower bouquet wrapper - P67 (Link)

Dito, I advice na itry muna gumawa ng flowers (hook, yarns 5 colors, scissor, at fiberfill) lang need muna.

Pero kung yarn lang naman at ireresell mo sa mga nag gagansilyo, pwede kapa rin magsimula sa P2000 - P5000 pesos, madami kana yarns nun. 😊

gumagamit ka ba ng Etsy or purely FB lang gamit mo?

Fb, FB Page, Instagram, then Tiktok videos lang. Noon meron pa shopee pero nag strict kasi at naghihingi n ng bir so stop muna, since dti pa nakuha ko.😅

Wala ako etsy kasi mjo nahirapan pa ako sa courier. mahal din kasi ang bayad compared sa amount ng items mo.

Oo nga nag check ako, 20 cents per listing nga daw pag mag Etsy.

Ganun? akala ko may charges lang once may magpurchase na. Pag ganun pala limited lang ang items na dapat mo ilist at first.

Pagaralan tapos huwag matakot sumubok kung nalugi edi natuto ka. Ganda ng mga tips mo mam salute!

Tama, lagi isipin na sa bawat pagsubok, lesson ang katapat nun. Wag din masyadong magpadala sa mga nega vibes.hehe. Chill lang din dapat. Maganda kasi pag nagsimula ka ng maliit para kahit malugi, makakabangon ka pa rin at natututo.

Dapat sa comment na ito ipa picture frame 😀

hahaha, print mo nalang ng malaki sa bondpaper na at idikit dun sa harapan mo. 😂🤣

Ako naman, naiinip nang yumaman, charot, lol.

Magagandang business idea to, Ukay and Food Business ang isa sa pinakamabenta dito. Like kahit sino kapag nagustuhan ang food at ukay gogora sila eh. Need laang talaga nang tiyaga dito lalo at di naman laging mabenta. Need din pati nang diskarti na pagkarami rami.