Bago paman matapos ang linggong ito, nais kong sagutan ang isa sa mga prompts na binigay ni TP sa Tagalog Trail na komunidad na muntik ko nang makalimutan dahil sa dami ng ginagawa.
Gumawa ng maiksing kwento patungkol sa gulay ( tutal nutrition month na sa Hulyo)
Itong napili kong kwento ay base sa sariling karanasan patungkol sa gulay na ayaw na ayaw ko noon.
Kumakain kaba ng ampalaya noong kabataan mo? Kung hindi, kelan mo nakakain ito ng hindi iniintindi ang pait na lasa nito?
Noong maliit pa lamang kami at nag aaral sa elementarya, lagi kaming may dala dalang baon na pananghalian ng kapatid ko. Pero halos piniritong isda ang lagi kong naaalala na ulam namin kasi doon kami sa lola namin nagtatanghalian talaga. Araw-araw kasi nagluluto si lola ng gulay. Yung tinatawag namin na laswa (kalabasa, hilaw na papaya, okra, ampalaya at mga dahong gulay na may sabaw).
Naaalala ko na pagdating namin sa bahay nila, mainit pa ang sabaw ng gulay. Agad nya kaming paghuhugasin ng mga kamay para makapag tanghalian na. Pinapauna nya lang kami ng kapatid ko na kumain pero lagi lagi sya yung naglalagay ng gulay sa pinggan namin.
Noon di talaga kami kumakain noon ng ampalaya kapag nagluluto si Mama ng ganun. Alam kasi naman na ubod ng pait iyon kahit ano pang sabihin ni mama na masustansya iyon. At di rin naman niya kami pinipilit.
Pero si lola na talagang nglalagay ng malaking hiwa ng ampalaya (2-3 inches ang haba per hiwa), ay nakamasid talaga sa hapagkainan at talaga namang ipipilit na ipakain sa amin yung mapait na ampalaya.
Halos di maipinta yung mga mukha namin ng kapatid ko kapag ngumunguya na kami ng ampalaya. Sobrang pait talaga na parang gusto ko ng isuka iyon pero sympre dahil lagi nakaabang si lola at nagagalit kapag di kinain yung mga gulay na nilalagay niya sa pinggan namin. At lagi lagi may nakahandang basong tubig sa harapan namin kaya naman halos di na namin nginunguya at umiinom nalang kami ng tubig agad agad para lang mawala yung pait sa bibig namin.
Kaya yung ibang gulay na di rin namin masyadong makain dati tulad ng okra at sitaw, ay madali rin sa amin napapakain ni lola. Sa araw araw namin halos pinapakain kami ng ampalaya eh nasanay na rin kami kalaunan. Di man naging paborito ito pero sapat na para makain ng tama ng di masyadong ngumingiwi.
Kaya lagi ko naaalala si Lola sa tuwing kumakain kami nito. At ngayon nga na nanay na rin ako, at may dalawang anak, sinasanay ko na rin yung mga anak ko na kumain ng isda, maging ang mga gulay na rin.
Sa umpisa di sila kumakain ng okra lalo na nang ampalaya. Kaya sinimulan ko muna sila sanayin pakainin nung okra. Una paisa isang hiwa muna hanggang sa dumami na. Kaya ngayon, sila na mismo yung naghihingi ng okra pag gulay yung ulam namin. At dahil okay na si okra, sinunod ko naman si ampalaya.
Syempre kinuwento ko rin una sa kanila yung pag sasanay na ginawa ng lola namin sa pagpapakain sa amin noon ng ampalaya. Sinabi ko rin sa kanila ang mga benepisyo ng pagkain nito. Siksik ito sa sustansya na nakakatulong palakasin ang ating kalusugan. Mapabata man o matanda, ay dapat kumain ng ampalaya.
Kaya kahapon, sinimulan ko na ang pagpapakain sa kanila ng ampalaya. Pero hiniwa ko muna sa pino at maliliit yung ampalaya at nilagyan ng itlog sa pagprito para di naman puro pait lang malalasahan nila. Sinimulan ko sa isang kutsarang ampalaya bawat isa sa kanila. May pritong bangus rin naman kasi aside sa ampalaya.
Game naman sila sa pagkain nito. Masarap naman daw yun nga lang mapait. Yung bunso ko dina dumagdag pero laking gulat ko na dumagdag pa uli at humingi ulit yung panganay ko ng ampalaya. Masaya ako na sinusunod naman nila yung mga sinasabi ko. Kelangan lang talaga na ipaliwanag sa kanila yung mga benepisyo sa katawan sa pagkain ng ampalaya.
At doon nagtatapos ang aking kwento. Salamat sa pagbasa at nawa'y may natutunan ka dito.
@jonalyn2020 😘😘😘
Kung nagustuhan mo ang aking sinulat ngayon, pakipusuan mo naman. 😍😉
kumakain naman ako, depende sa luto, nilalamog ko muna sa asin para bawas yung pait nya heheh
Yung akin sinosoak ko lang sa asin then wash ng water. Manipis lang din yung slices. Okay din to lagyan ng corned beef pero dina kasi sya magiging healthy.
Alala ko din nong bata ako hate na hate ko ang ampalaya saka okra, mapait baga naman yong isa tapos yong isa daw laway, lolol. Pero ngayon, nakakain ko na yan nang walang problema. Wala nang pili. Sarap nyan sa pakbet na may oyster sauce. Pero pinaka fav ko na luto sa ampalaya ay ginataan na may kalabasa sabay yong ginisa sa maraming iitlog. Ang dami kong kain talaga kapag yan ulam haha. Samahan mo na rin nang tuyo o tinapa, ay kuuu, solved na solved!
Ginataang ampalaya n may kalabasa? At ginisa sa madaming itlog? Oi panu Yun? Parang new sa akin yun at parang gusto ko sya itry. Para naman madagdagan ng recipe ko s ampalaya. Hehe
Luhhh, dimo pa natatry parehas? Myst try yaan for me. Try mo lang. The more gata, the more na masarap. Same sa ginisa with ehh, the more egg, the more na yummy, dont forget the tomato pala.
Congratulations @jonalyn2020! You have completed the following achievement on the Hive blockchain And have been rewarded with New badge(s)
Your next target is to reach 36000 upvotes.
You can view your badges on your board and compare yourself to others in the Ranking
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word
STOP