Kumusta po kayo? Ako ay nagagalak na ibahagi ang aking kwento ngayon sa lingwahe na Tagalog. Gusto kong magsulat gamit ang wikang ito bilang pagsuporta at mahasa ang aking pagsusulat sa pambansang wika ng Pilipinas. Ang mga pangyayaring ito ay naganap sa aming paaralan sa programang National Learning Camp. Bilang isang boluntaryo sa nasabing programa, parte sa aming trabaho ang makapag isip nang paraan upang ang mga bata ay magiging masaya habang natututo sa larangan ng Matimatika at Ingles.
Habang naglalaro ang mga bata, naalala ko tuloy ang aking kabataan na puno nang saya at sigla. Bilang isang bata, wala ka talagang problemang iisipin masyado. Ang iisipin mo lang ay kung paano maglaro at ang pag-aaral nang mabuti upang hindi umulit sa klase. Hindi mo iisipin kung ano ang kakainin mo sa araw- araw, paano mo babayaran ang mga bills sa kuryente, at kung anu-ano pang problema na mararanasan mo na hindi mo lubos akalain na nandiyan na pala kahit hindi ka pa ipanapanganak.
Ang mga bata ay talagang masayang tingnan habang naglalaro nang pera o bayong, dodge ball, red-light;blue-light. Sa kanilang pakikilahok sa NLC, natutunan nilang maging bata ulit kung saan ang mga ganitong laro ay hindi na masyadong nilalaro sa kani-kanilang tahanan dahil kadalasang laruin ng mga kabataan ngayon ay ang larong ML or tinatawag na Mobile Legend. Nakakalungkot isipin na ang mga nakasanayang laruin nang mga kabataan noon ay unti unti nang naglalaho dahil sa pag angat nang teknolohiya ngayon kung saan okay lang sa kanila magmukmok sa sariling silid at hindi lumabas nang bahay basta may selpon lang at internet ay goods na.
Babalik tayo sa ang sayang tingnan ng bata habang naglalaro. Kita-kita mo sa kanilang mga mukha ang saya at naririnig mo ang kanilang bawat halakhak sa tuwing makakasagot nang tama sa bawat tanong. May patalon-talon pang nalalaman ang mga batang ito. Makikita mo ring pumalakpak ang mga bata sa tuwing may matatamaan sila ng bola sa larong "dodge ball" kasi ibig sabihin nuon ay tanggal na sa laro iyong natamaan na bata. Ang magwawagi sa larong dodge ball ay iyong dalawang bata na hindi natamaan ng bola.
Pakatapos maglaro ng bata ay nagbahagi ang bawat bolunter nang libreng lugaw. Lugaw ang naisipan naming ipakain upang lahat ay makakakain at hindi masaydong magastos. Sa huling linggo ng NLC ay sinubukan naming mag usap sa aking mga kasamahan na sa susunod na pakain ay iba na sana ang pagkain ng mga bata upang maiba na rin. Napagtantu namin na hindi kaya sa aming bulsa kung hindi lugaw ang aming ipapakain. Ang isa naming kasamahan ay nagmungkahi na burger ang ibibigay namin. Lahat ay pumayag subalit nang aming isumatotal ang bayarin ay hindi pala aabot ang aming pera at badyet para sa 100 na mga bata. Kaya nagpasya na kami na lugaw pa rin ang pagkain sa mga bata sa susunod na linggo at bibili din kami ng tetro pack na juice para sa kanila. Alam kasi namin na maraming mga bata ay hindi kumakain or walang makain sa bahay kaya sila na engganyo din sumali sa NLC. Kaya ito po ang isa sa mga rason na magpapakain kami kahit isang beses sa isang linggo upang kahit papaano ay makatulong kami sa aming mga kabataan.
Sa mga kabataan na nag-aaral pa dito sa hive. Sana mag aral kayo nang mabuti habang may panahon pa. Sapagkat, ibang kaginhawaan ang maibibigay sa'yo kapag nakapagtapos ka ng pag-aaral. Hindi na ganun kahirap ang buhay at may oportunidad ka pang tumulong sa iyong mga magulang dahil natulungan mo na ang iyong sarili. Hindo ka makakatulong sa iba kung ikaw mismo ay hindi mo kayang tulungan any iyong sarili.
Hanggang dito na lang po ang ang kwento. Sana ay may-aral kayong napulot sa aking pagsusulat nito. Paalam na po. Salamat! :)
Congratulations @freshness143! You have completed the following achievement on the Hive blockchain And have been rewarded with New badge(s)
Your next target is to reach 200 comments.
You can view your badges on your board and compare yourself to others in the Ranking
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word
STOP
Check out our last posts:
Thanks for the reward! Hopefully I can reach the target.
You're welcome @freshness143. Looking forward to you reaching your new target 😅
Dili jud ni ma dissolve ni na camp Kay daghan man.😄😄
ubay2 sad Mau! Igo ra sad naka quota sa number of students... Every year na gyud siya..
Kakugihan sa mga teachers.😄
YES for the love of the kids! hahahahhaha
MATATAG na Yan.😄😄
Parang ganun na nga Mau sapagkat sila ay nagpakatatag! Hahahahaha
Hahaha, Sana all.😄😂
Maraming aral ang mapupulot sa article na ito! Maraming salamat sayo mam saludo ako!
Maraming salamat din po sa pagbabasa @dantrin. :)
🤩
Thank you for commenting emoji. :)
Ang sarap talaga maging bata Ma'am @freshness143 sana bata nalang Ako forever hehe
Totoo po Ma'am!:) sadyang hindi ganun ang patakaran ng buhay Ma'am @diamondinthesky.