Mga Kwentong *Late*: Mula Pinakamasakit Hanggang Pinaka-Dapat Iwasan

in Tagalog Trail8 months ago (edited)

Tagalog Trail post muna tayo... Yesterday's prompt is "Kwentong Late." Aba siyempre marami ako nyan. At obviously late post na pala ito ano? haha.

"Better late than never," nga raw di ba? Pinalaki ako na ganyan kaya kahit di na ako bata e nangyayari pa rin yan hanggang ngayon. Haha.

Pero ano nga ba ang mga kwento ko tungkol sa mga panahong hindi ako umabot sa oras? Sa dami parang di ko na alam kung ano ba uunahin ko. 😂

Ay teka eto na lang...


source




Pinakamasakit na Nangyari Dahil Na-Late Kami

Eto nung college nangyari. Baby thesis defense so shempre ako yung group leader na naman. 😂 Tapos shempre gusto ko perfect lahat bago kami magpasa ng mga whatever at mag-defense.

Ang kaso sa sobrang perfectionist ko dati, pagdating namin sa school nakaalis na pala yung mga guest judges. 😂 Pusangina ang sakit nun! 😆💔🥴😭 Grabe nanlumo talaga ako nun. Biruin mo pati mga ka-grupp ko nadamay pa dahil sa akin. Di kami nakapag-defense anak ng tinapa. Hahaha.

Wala kaming choice kundi mag-special project, buti naawa yung prof namin. Sobrang aray tlga sa akin yun, nakaka-humble grabe. Ansakit nun muntik ako umiyak sa harap ng maraming tao. hahaha. Shet.

Okay lang naman at least meron din pala ibang group na na-late. Buti na lang. haha. Kung grupo ko lang nahuli e talaga naman baka napaiyak ako noon. 😆




Pinaka-dapat Iwasang Ma-late

Eto naman, siyempre maraming may hindi alam nito. Siyempre ako rin, ilang taon ko rin ginawa, like more than dekada na. Haha. Dati di ko rin alam na hindi maganda magpunta ng late sa gawaing sasabihin ko sa inyo.

Malamang kasi pamilya namin puro New Age at occult at mga pamahiin ang uso. Nako ganyan marami sa ating mga Pinoy. Normal na nga kaya nakakadismaya rin minsan ang buhay sa Pilipinas. 😆

Ano nga ba itong hindi magandang ginagawa natin, saan tayo di dapat nahuhuli ng punta? Hulaan nyo kung saan at kelan? Hahaha. May naiisip ba kayo na pwede ko sabihin? Ako kasi noon wala talagang muwang sa mga ganitong bagay. Tanga at ignorante ako sa mga turo na ganito kasi wala naman talagang nagtuturo tsaka wala akong pake. 😂

Buti na lang talaga may internet na ngayon, pwede na mag-aral mag-isa kung anuman gusto natin malaman. So ano nga ba itong sasabihin ko, nahulaan nyo na ba? 😁

Sirit na ba?

Eto na nga sasabihin ko na. 😁


source

Karamihan kasi sa atin ay mga Katoliko lang by name and not by practice. Tawag nila diyan ay mga maligamgam. Kasama ako dyan since nabinyagan hanggang bago mag-Lent 2023. Yung tipong Katoliko lang kasi tinuruan ng basic catechism nung mga bata pa tayo para makapagkumpil at nung hayskul para makapagkumpisal.

Ayun, typical Pinoy, ginawa lang kasi yun ang ginagawa ng mga nabinyagang Katoliko. Kasama na riyan yung marami sa atin puchu-puchu lang sa pagsamba sa Diyos. Kaya madalas meron talagang nahuhuli sa oras ng simba. At kagaya ko noon, akala ko ayos lang yun. Guilty as charged ako dyan dati talaga. 😂

Akala ko dati, pag di ka umabot sa sermon ng pari e dapat sa susunod na misa ka na lang mag-attend. Kaya yun nga gawain ko kasi may nakikita ako mga dumarating ng late during sermon na. Syempre wala naman nagsabi sa akin, akala ko lang talaga pwede humabol basta nakaabot sa sermon.

Nagkokomunyon pa nga ako noon tuwing umaabot ako, kahit dekada na akong di nagkukumpisal. 😂 Sobrang maling-mali pala mga pinaggagawa ko dati. Paulit-ulit na pagkakasala pala ginagawa ko noon sa pagdating ng late tapos nagkokomunyon pa. Imbes na mapabuti nagkasala pa ako lalo. 😆 Bakit? Basahin sa baba. Haha.


People waiting for the next mass outside Quiapo Church during Traslacion season





Bakit Dapat Iwasan na Mahuli sa Simula ng Banal na Misa?

Sa'n ko nalaman na mali yung magkomunyon pag panay kasalanan sa Diyos? At bakit hindi magandang mahuli sa pagsisimula ng misa? Mamaya sabihin ko. 😁

Well, sa totoo lang pwede naman mahuli ng isang minuto siguro or tatlo, depende sa bilis ng pagsimula. Minsan kasi yung pagpunta ng pari sa altar e inaabot na ng tatlong minuto o mahigit pag mabagal lakad nila. Pero mabilis lang yun lalo na kung galing ka pa sa malayo, naku.

Kung seryoso tayong mga Katoliko at tunay na gusto nating igalang at magpasalamat sa Panginoon pupunta tayo bago magsimula ang misa. Pero kung hindi naman maiwasang mahuli, dapat maabutan man lang natin yung pag-amin ng mga kasalanan. Ito yung parte sa simula ng misa na tinatawag na Ang Pagsisisi (Penitential Rite/Act or Confiteor).

Ako, dahil seryoso akong nagbalikloob na sa Diyos last year, pag di ako umabot dyan e sa susunod na misa na ako sumasumali. 😆 Bakit? Kasi hindi dapat magkomunyon kung may mga kasalanan sa Diyos. Aba e lalo na kung panay mortal or grave sins tayo na hindi pa ikinukumpisal. (example: nagpahula sa Quiapo o nagpa-tarot card reading, salbahe sa mga magulang, nagnakaw, pumatay o nagpa-abort, nakiapid, nakipagtalik sa di asawa, atbp.) Ay naku powww mas lalong wag na tayo magkomunyon pag ganyan. Simba lang pero wag na komunyon kung di pa nakakumpisal. Haha.

Dagdag mortal na kasalanan pa po yang pagkomunyon ng di nagkumpisal imbes na plus points sa langit. 😆 Late na nga, di pa nagkumpisal (tipong sobrang matagal na) tapos magkokomunyon? Yari. hahaha. Bakit? Ang Katawan ni Kristo hindi yan tinapay lang po na pakunswelo sa pagpunta sa misa. Akala lang natin simpleng pagkain yan pero hinde hinde hindeee. 😁


source

Dati wala akong alam sa mga ganito uy. Tingin ko noon wala lang, parte lang ng ritwal ng misa. Yun pala hindi yan ganun-ganun lang.

Pag na-consecrate na ng pari ang mga ostiya sa altar nagiging parte na ng puso ni Hesus yan. Literally ang suffering heart cells ni Jesus Christ naka-infuse na sa ostiya na kinakain natin. (Proven by science po yan. Search nyo mga Eucharistic Miracles for more info.)

Kaya kapag nahuli tayo sa parte ng Pagsisisi sa simula ng misa, ulitin ko lang, mas maganda kung sa kasunod na misa na lang po tayo sumali. 😁 Lalo na kung gusto po natin magkomunyon, agahan natin para di tayo ma-late sa misa. Siyempre pwede pa rin naman magsimba kahit di pa tayo pwede magkomunyon. Di naman bawal yun.

PEROOOO paano kung tayo ay masunurin naman sa mga kautusan ng Diyos at madalas nagkukumpisal (weekly, bi-monthly or monthly) at laging nagmimisa tuwing Linggo ng walang patid? Okay, di naman sobrang masama mahuli pag minsan kung ganyan naman pala. Subalit kahit pa venial sins na lang natitira sa atin mabuti pa ring masimulan natin ang misa at tapusin din para makumpleto ang pagsamba. hehe.

Disclaimer: Di naman kasalanan pag nahuli sa misa. Wala namang sinabi ang Simbahang Katoliko tungkol diyan mismo. Minsan di naman talaga maiiwasan lalo na kung may mga nangyaring di inaasahan. Maiintindihan naman ni Lord yun.

Pero yun nga, kung seryoso talaga tayo sa pagiging Katoliko natin at may pagmamahal at respeto sa Lumikha, Nagsalba at Nagbibigay ng Grasya sa atin e kukumpletuhin natin ang pagmimisa. Lahat ng parte ng misa ay mahalaga. Marami namang oras na pwede pagpilian tuwing Linggo. Pili na lang tayo kung kelan di tayo mahuhuli ng dating. 😀

Isang oras na nga lang sa isang linggo yan di pa natin magawang kumpletuhin? Inuuna pa ang pagso-social media at doomscrolling sa lahat ng oras kahit di naman yun makakatulong sa pagganda ng buhay natin. 😆


Ang katamaran, bow. 😁 | image source




Sa'n Ko Ba Napulot Yung Pinagsasasabi Ko?

Yan tayo eh. Lagi need ng proof. 😆 Ako rin siyempre naghanap ng pruweba. Like duh, bakit nga ba? Pag gusto mo matuwa ang Diyos sa iyo, gagawin mo lahat para hindi Siya masaktan. Mamahalin at igagalang mo Siya sa lahat ng oras ng buhay mo. Ganun lang po iyon kasimple. Hehe. Pero teka pruweba nga pala yung usapan. 😆

Una, narinig ko mismo na sinabi ng pari yan. Mas mainam kung hindi male-late, dapat umabot man lang sa Confeitor. Galing pa nga sa US yung paring nagsabi: Fr. Chris Alar. (Di ko pa nga lang nasulat yung pa-recollection niya dito sa Pinas na na-attendan ko last year. haha.)

Anyway, kahit tanungin nyo lahat ng mga pari sa mundo sasabihin nila hindi naman bawal ma-late PERO mahalagang masimulan at matapos ang misa ng buo para ma-fulfill ang Sunday and Holy Days of obligation requirements.

Pangalawa, nasa Catechism of the Catholic Church yan na kasalanan or sacrilege yung pagkomunyon na may mga mortal or grave sins na di pa naikukumpisal. (1 Cor. 11:27) Bili po kayo ng libro nyan or basahin online for more info. 😉

Pangatlo, pag tinatamad tayo pumunta on time kasama sa 7 Deadly Sins yarn. Ibig sabihin din tinatrato natin ang Diyos na "last resort" imbes na unang-unang tatakbuhan natin at pagkakatiwalaan.




Teka lang ang haba na at lumalayo na sa topic pero sana may natutunan naman kayo. Haha. Comment na lang kayo kung may madadagdag pa o may violent reaction. Charrrr. Basta wala talagang madudulot na maganda ang pagiging late. Thank you for coming to my TED talk. 😆



XOXO,
@artgirl


Sort:  

Teka lang ang haba na at lumalayo na sa topic pero sana may natutunan naman kayo. Haha. Comment na lang kayo kung may madadagdag pa o may violent reaction. Charrrr. Basta wala talagang madudulot na maganda ang pagiging late. Thank you for coming to my TED talk.

HAHAH medyo na off topic ka na nga! Alam ko sobrang excited ka at ang dami mo na chika dito ganyan din ako pag nagsusulat na sa Tagalog. Bahala na!

Anyhow yung sa baby thesis part, grabe yun ah! Di ka naman ini oust nung mga ka grupo mo after ng kaganapan? Like di ka nila ipinako sa krus dahil dyan? Kasi ako pag ganyan nako G na G ako sa mga late din hahah.

Since di ako katoliko, di ako aware sa mga practices pero okay din yung pag late ka na sa misa wag na umattend pa at yung next nalang ang attendan sympre mas okay parin na masalo mo lahat ng mensahe kesa naman yung mga natira lang. Tsaka yung feeling na maaga ka at pinaghandaan mo yun oks oks yun.

Ewan ko wala naman sila sinabi mismo sa akin at wla rin akong nasagap na chismis pero dahil sa akin naman din kaya kami binigyan ng special project, sa pagkakatanda ko. 😆 Dahil dun pumasa naman kami kaya ok lang din ang ending. Haha.

Alam m after ko ma-publish saka ko lng naisip baka nga d maka-relate mga di Katoliko. Hahahaha. Pero tama nmn sinabi m, maganda tlga makumpleto eh. 😁

Ewan ko wala naman sila sinabi mismo sa akin at wla rin akong nasagap na chismis pero dahil sa akin naman din kaya kami binigyan ng special project, sa pagkakatanda ko. 😆 Dahil dun pumasa naman kami kaya ok lang din ang ending. Haha.

HAHAH ayun naman talaga ang pinaka importante.

Alam m after ko ma-publish saka ko lng naisip baka nga d maka-relate mga di Katoliko

Okay lang yan ang mahalaga ay naipost mo na.