Para sakin, depende yan sa sitwasyon.
Ako kasi blinock ko yung mga ex ko kasi ayoko na makita pagmumukha nila sa newsfeed ko. Ayoko din makabasa ng mga post nila na nagbabanal-banalan at feeling green flag sa socmed but sa reality, babaero sila. Lahat ng mga nakarelasyon ko babaero at niloko ako. Pwera sa isang tao na hindi ako niloko, pero blinock ko siya para sa ikabubuti niya.
Hindi naman masama ang pagbloblock at hindi din childish. Need mo lang ng Peace of mind sa mga taong Piece of Shit. Kailangan mo magbawas ng taong basura sa buhay mo.
Ikaw? May blinock kanabang ex mo? @bunchful @Ruffatotmeee