Ikalawang Patimpalak : Ang Aking Bayan

in Hive PH3 years ago

ang_aking_bayan.gif

Magandang umaga sa ating mga ka-tropa! Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan ngayong araw ng Martes. Nagkaroon kami ng kaunting pagkabagal sa anunsyo sa nanalo noong nakaraang patimpalak dahil sa tinamaan ng lagnat. Napakabilis ng karma talaga.

Musika ng buhay. - ' I AM ALREADY ENOUGH'. Dito binigyan niya ng pakahulugan ang kanta at isinalin sa wikang Tagalog. May mga kinapulutang aral din kami sa kaniyang akda at isang magandang panimula sa taon at paalala sa atin na tayo ang huhubog sa ating kapalaran. Kailangan nating maniwala sa ating sarili.Upang gawing opisyal ang mga nagwagi narito po ang kanilang akda. Sa ikalawang puwesto ang nagwagi po ay si @amayphin sa kaniyang akda na

SALAMAT. Hindi naman naging lingid sa atin ang sinapit ng kanilang lugar at ang pinsalang natanggap nila ngunit sa kaniyang akda mas pinili ni ginoong Pau na mas magpasalamat sa mga nangyari at ipakita na siya ay lalaban at aahon ngayong taon. Ito ay magpapa alala sa atin na sa taong ito na 2022 mas maging magpasalamat tayo sa mga nangyayari, madalas puros tayo reklamo sa mga kaganapan bagkus ibaling ang atensyon sa mas makabuluhang bagay.At ang aming napiling kampeon naman ay si @mrnightmare89 sa kaniyang akda

image.png


Ang patimpalak ay naglalayon na ilarawan ang iyong bayan na pinagmulan. Saan nagmula ang pangalan ng iyong bayan? Ano ang pangunahing kinabubuhay ng mga tao roon? Maari mo ring ibahagi ang munting kasaysayan ng iyong bayan upang mas maging pamilyar ang mga tao dito sa Hive sa inyong lugar. Malay nyo kami ay magawi riyan sa inyong bayan.

Mas mainam kung ikaw ay may personal na larawan sa iyong bayan na nagpapatunay na ikaw talaga ay nagmula roon.

Para sa patimpalak ngayong linggo ito ang ating mga alituntunin:

  • Ang iyong akda ay dapat magkaroon ng 300 o higit pang mga salita.

  • Gamitin ang tags na #pilipinas o #tagalogtrail, ano man sa nabanggit ay maari dahil ito ang aming gagamitin upang mahanap at masuri ang iyong akda

Paano ang puntos sa iyong akda

  • 20 % para sa larawan extrang 10 % kung ang larawan na gagamitin ay ikaw mismo ang kumuha.
  • 50% para sa kwento patungkol sa iyong bayan na pinagmulan.
  • 30% para sa engagement sa iyong post.

Mga Premyo

Ang mapipili ay magkakaroon ng HBD bilang pabuya sa pagsali

3 HBD - para sa kampeon

2 HBD - para sa ikalawang parangal

1 HBD - para sa ikatlong parangal

Ang bawat lalahok sa patimpalak ay awtomatikong mayroong 50 ecency points mula sa amin at para mas mabilis naming makita ang inyong tala maaari ninyong i-komento ang inyong isinali na tala sa patimpalak. Maliban diyan ay maari mapasama ang inyong akda sa arawang curation ni @hiveph at makatanggap ng upvote mula sa kanila.

Hanggang Lunes lamang po namin tatanggapin ang inyong akda upang mabigyan ng panahon ang mga tagasuri na piliin ang mananalong sulatin. Ang anunsyo ay magaganap sa Martes.

Ayun lamang po! Inaasahan namin ang inyong pagtangkilik at pagsali sa aming munting patimpalak.

Sort:  

Salamat sa hbd papremyo. Tara na at simulang magsulat tungkol sa bayang pinangmulan.

Aasahan namin ang inyong pagsali muli sa aming patimpalak! Salamat @amayphin

Maligayng pagbati sa mga nanalo. Magandang hapon sa lahat.

Salamat po ginoong @afterglow, kayo po ay sumali din para mas marami tayong likha sa ating wika.

Malugod na pagbati sa mga nanalo sa nakaraang patimpalak. Masayang malaman na merong nakalaang bahagi ng pagsusulat upang magamit ang sarili nating wika. Mabuhay kayo!

Pagbati sa mga nanalo (@amayphin at @mrnightmare89). Parehong maganda ang mensahe ng kanilang akda. !PIZZA