"Buwan ng Wika" Writing Contest on HivePH: PAKIKISAMA

in Hive PH2 years ago

Kahit saan mo man dalhin ang Pilipino, hindi mawawala sa kanila ang Pakikisama. Kapag marunong kang makisama, marami kang kaibigan. Totoong kaibigan man o hindi ang turing sa'yo, mahalaga nakisama ka.

20220805_154220_0000.png

Hello beautiful Hivers! I am joining on "Buwan ng Wika" Writing Contest on HivePH with the Theme: What Value Can Filipinos Bring on Hive? I will be writing our very own language here which is Tagalog.

20220714_175943_0000-removebg-preview.png

Pakikisama. Likas na sa mga Pilipino ang pagiging mabait, marunong makisama o makipag kapwa tao para sa ikagaganda ng relasyon sa iba o sa taga ibang lahi. Ni hindi ka mahihiyang makipag usap dahil lagi silang may nakahandang ngiti. Yong tipong may iniinda ng sakit, pero handa kapa ring salubungin at harapin ng may ngiti. Yong tadtad na ng problema pero mahihiya nalang ang problema sa kanila sa sobrang lapad ng ngiti.

Tutulong kapag kaya at di ka tatalikuran basta may maiimbag sila para sa ikabubuti mo. Handang manindigan sa iyo sa oras ng kagipitan at kailangan mo ng karamay. Aabutan kapa ng kamay, kapag wala kanang makapitan. At hihilahin ka paangat para sabay na aabutin ang magandang kinabukasan. Walang perpektong Pilipino pero kapag kailangan na ng pagkakaisa, kapit bisig naming gagawin yan, walang pagdadalawang isip.

At ito ang gusto kong dalhin dito sa Hive. Hindi lamang sa kapwa ko Pilipino na kakilala. Kundi sa ibang lahi na katulad ko ay iisang daan lang ang tinatahak. Na may pagkakaiba man ng kultura at paniniwala, pag dating sa Hive Blockchain ay may iisa pa ring layunin. At yon ay ang mag hasik ng lagim, biro lang. Ang ibig king sabihin ay iisa ang layunin at yon ay ang maibahagi ang kanya kanyang kultura, kaalaman, mga iba't ibat pagkain at kung ano ano pa.

Iisa lang naman ang tinatahak nating daan. Bakit di natin sabayan ang iba para naman mas maging masaya. Mas marami mas mabuti at sabay sabay nating abutin ang tuktok ng Hive World. Sama samang lalago kasabay ang ibang lahi. Sa ating pakikisama sa kanila, yong nag iisa tayong pumasok sa pintuan ng Hive pero sa kalagitnaan ng adventure nakahanap tayo ng mabubuting kaibigan. Diba ang saya? Yong dating nag iisa, umabot na sa sampu at nagsasaya.

Sa ilang linggo kong pananatili dito, maswerte akong nakahanap ng bagong mga kakilala. Tumulong, gumabay, hanggang sa isa na rin ako sa nag gagabay sa mga bagong salta. Yong pakikisamang nag bunga ng maganda at pati ako nakikinabang na. Yong hindi lang ako masaya, kundi pati sila. Pilipino yan y'all. Yong di na muna iisipin ang lamangan basta pare parehas na umuusad. Yong hindi lang iisa ang may narating, kundi lahat.

Pakikisama. Sa una mahirap gawin pero kapag nakabisa mo na at bihasa kana kusa nalang lilitaw sayo. Yong di mo namamalayan sa lahat ng tao ang bait bait mo. Kapag may nakasalubong kang bago dito tapos nagtanong sila kusang loob mong ilalahad ang kamay mo. Yong kusang magbibigay ng tulong dahil napag daanan mo rin ang ganon nong nangangapa ka palang na parang bagong silang na pato.

Pakikisama. Walang halong ka plastikan pero masaya akong napunta sa Hive dahil sa mga mababait na mentor na handang tumulong doon sa mga bago. Na kahit may kanya kanyang ginagawa nag lalaan pa din talaga ng oras, dahil alam nila at napag daanan nila ang hirap kapag nagsisimula palang. Yong inihain na na samin ang lahat at isusubo nalang. Ang saya lang talaga napunta ako sa tamang tao. Mali, napunta ako sa tamang grupo.

20220714_175943_0000-removebg-preview.png

Salamat sa Pagbabasa.

August 05, 2022

Sort:  

Hindi lahat ng oras, madali pakisamahan ang mga tao. kahit ako! kaya nakakaapreciate yung mga tao na andiyan pa rin kahit minsan wala tayo sa tamang lugar.

Kudos. Ganda ng blog. Keep it up!

 2 years ago  

Ay totoo din, yong nafifeel mo na iba ang aura nya kaya parang ang hirap ilapit ng loob sa kanila.

Yayyyy, thank you 🥰

 2 years ago  

Ayeee ang tamis ng panghuling mensahe! Kinilig ako ng konti.

At yon ay ang mag hasik ng lagim, biro lang.

Pakiramdam ko di talaga to biro e. 😂
Maganda talaga yung walang lamangan noh, yung tumulong lang, sabay sabay paakyat. Dba ang ganda

 2 years ago  

Hahaha yiehhh 😆😂😂 haha char lang haha.totoo, lahat tayo happy thanks to all of you din 🥰

Yan ang isa sa likas na katangian ng Pinoy na masasabi kong proud ako :) Handang tumulong sa kapwa :)

 2 years ago  

Yayyyy, Sakalam lang din no hihi 🇵🇭💪

Tama :D

@ruffatotmeee pakikisama talaga ang isa sa mga values ng pinoy na kahit saang sulok ng mundo ka man dadalhin makakasurvive ka kapag marunong kang makisama. Yes others is not true but atleast nakisama ka at di mo sila inaaway hehehe.

 2 years ago  

Dibaaa, basta maalam ka nyan Goods ka din sa mata ng iba. 🤟☺️

 2 years ago  

Malaking factor talaga ang pakikisama dito sa hive. Dahil dyan, mas nakikilala tayung mga Pilipino dito sa buong mundo. Salamat sa iyong kasagutan @ruffatotmeee.🥰 Galing Pala magtagalog eh.

 2 years ago  

Tama tama, saka mas dadami kaibigan natin. ☺️❤️.

Congratulations @ruffatotmeee! You have completed the following achievement on the Hive blockchain and have been rewarded with new badge(s):

You got more than 500 replies.
Your next target is to reach 600 replies.

You can view your badges on your board and compare yourself to others in the Ranking
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

Check out the last post from @hivebuzz:

Our Hive Power Delegations to the July PUM Winners
Feedback from the August 1st Hive Power Up Day
Hive Power Up Month Challenge 2022-07 - Winners List
Support the HiveBuzz project. Vote for our proposal!

Pagdating sa pakikisama walang tatalo sa mga pinoy, kahit saang sulok magkita kita, may pagsasamahan.

 2 years ago  

Tam tama gumaganda ang samahan kapag ganyan ee. Wag lany mapunga sa plastic ba.

Mahirap takaga makisama sa ibang tao sa una. Pero kung iisipin, ito ang way para mas makilala natin ang ating self.. Through others..

 2 years ago  

Tama ka jan madamsss (☞^o^) ☞

Laki kung pasalamat na tayong mga pinoy ay merong ganitong ugali dahil yun nga mas maganda kapag marunong tayong makisama lalo na sa ibang lahi.

 2 years ago  

Yep yep, tinuruan tayo nyan. Kaya ipangalat natin ᕙ(⇀‸↼‶)ᕗ

At yon ay ang mag hasik ng lagim, biro lang.
Ang saya lang talaga napunta ako sa tamang tao. Mali, napunta ako sa tamang grupo.

hahaha! yung seryoso ka tas bigla banat yan. Joke at hugot. napatawa mo ako. 😂

True this, tayong mga Pinoy talaga namang magaling makisama talaga to the point na minsan sumosobra at inaabuso din. Kaya dapat tama lang, walang labis walang kulang ika nga. 😊

 2 years ago  

HAHAHAHAH dagdagan ko pa sana ng funny lines kaso baka mag mukhang utot na hahaha. Charrrrr.

Oo totoo din yaan. Ang dami oa namang mapag samantala din today. Yong nakita nila na puro kalang bigay, kaya mas lalong lumalakas ang loob nila ee. Aigooo sa iba di uso pa naman ang hiya. And yeah dapat sapat lang. Ikaw ba sapat kana sa juwa mo? Yiehhhh sene ell hihi

Ikaw ba sapat kana sa juwa mo? Yiehhhh sene ell hihi

Hahaha!

Ang galing ng pagkakasulat mo, dinugo lang ung ilong ko lalo. Dapat tlga kahit saan marunong tayo makisama. Good thing yan ung isa sa mga magagandang personality ng mga pinoy.

 2 years ago  

Yiehhh hahaha yan ang guato ko talaga ee paduguin ilong nyo jahahaha. Kaya nga ee. Dami kaibigan mo nyan though di lahat magiging totoo sayo bu still diba.

Sure ka bang dugo lang pinapadugo mo samin @ruffatotmeee ?? Di ka sureee. Wahaha charizz!! Sali ako pag may time huhu pasukan na eh.

Napakahalaga talaga ng pakikisama ate

 2 years ago  

Meron tayo nyan ee (✯ᴗ✯)

 2 years ago (edited) 

Ang saya lang talaga napunta ako sa tamang tao. Mali, napunta ako sa tamang grupo.

Sayang lang at hindi ko nakita agad ang HivePH noong gumawa ako ng account, pero ngayon masaya na din ako sa kanila. Pakikisama talaga ang pinaka importanteng bagay kahit saan dako ka man magtrabaho. Kailangan iyan upang tayo ay lumago, matuto, at basta iyong building good relationship with other people ba. Ano ba iyan? Nauubos na din ang Filipino ko sa inyo.

 2 years ago  

Yayyy and now you are really doing good here. All of us naman no. I also love the fun games every Friday hihi. Nakakatuwang mapunta sa tamabg grupo 🤟🤟🇵🇭 HivePh lang sakalam!

Nice eto sis, tama nga naman, kaht saan mapadpad, dalhin pa rin mabuting kaugalian. Good luck syo sa challenge at sa Hive journey mo na rin hehe :)