Ang Taos-pusong Mumunti-munti (ENG/FIL) 2nd Week: Buwan ng Wika

in Hive PH2 years ago (edited)
The Heartfelt Little Things: How Can I Contribute to Hive?

Ang pagiging magpakumbaba, masipag, at matulungin, ay tatlo lamang sa maraming katangiang tanyag ang mga Pilipino saan mang sulok sila ng mundo mapunta—dala-dala nila ito magpahanggang dito sa Hive.

Being humble, hard-working, and helpful are three only of the many Filipino values that made them well-known in any corner of the world they go—they bring these as well here in Hive.

Bagama't hindi ako nakasali sa naunang linggo ng patimpalak, nais ko pa rin na ipahayag ang mga natural na pag-uugaling nadadala ng mga Pilipino dito sa platapormang ito at idugtong ang kung ano ang maiimbag ko bilang isang Pinoy sa Hive.

Although I haven't got the chance to join the writing contest in its first week, I still want to share all the natural values Filipino have that they bring here in Hive and add my entry of "How can I contribute to Hive as a Filipino?".

Nanalaytay na sa dugo ng isang Pilipino ang pagiging mapagkumbaba, masipag, at matulungin kaya'y hindi na kataka-takang makita ang mga pag-uugaling ito sa mga Pinoy na narito sa Hive.

These values run in our Filipino blood: being humble, hard-working, and helpful. That's why there's no doubt that Filipinos who are here have these values.

Saksi ako sa mga kasapi ng Hive PH kung gaano sila ka mapagkumbaba. Tipong may iba-ibang estado man sa buhay na pinanggalingan at kahit pa ay may matataas na silang narating sa buhay ay nagagawa nilang lumingon sa lahat.

I am a witness of my sisters and brothers here in Hive PH for how humble they are. Even though we came from and experienced different state of life and they have accomplished many things already, they still know how to look back and appreciate everyone.

Bukod pa rito, ang pagiging masipag ng mga Pilipino na may kasamang dedikasyon ay kitang-kita sa bawat piyesa na taos-puso nilang isinusulat rito.

In addition to that, the hard work of Filipinos with dedication is evident in every piece that they sincerely write here.

Pangatlo, ang pagiging matulungin ay hindi nawawala sa kanila—tunay nga na iba-iba ang mukha ng bayanihan. Ang bawat isa ay nagtutulong-tulungan sa pamamagitan ng pagsuporta, pagtataas sa bawat manunulat, at tinitiyak na walang maiiwan.

Thirdly, their helpfulness will always be together with them—indeed, it is true that bayanihan or cooperative endeavour has many faces. Everyone helps each other by supporting, elevating each writer, and making sure no one gets left behind.

Sa totoo lang ay napaisip ako nang isinulat ko ang mga katangiang ito—kung nasa saakin din ba ang mga binanggit kong kaugalian. Kung kaya ay sa pagkakataong ito ay nais kong magbahagi kung ano ang ma-i-aambag ko bilang isang Pilipinong manunulat para sa ika-bubuti pa ng Hive.

To be honest, It actually got me thinking when I wrote these traits—if do I really have these aforementioned values. So this time I would like to share what I can contribute as a Filipino writer for the betterment of Hive.

Pakikilahok at Pagiging aktibo:

Sa pakikilahok at pagiging aktibo sa Hive ay mas maipapakita ko at ma-i-aaply pa sa kabuoan ng Hive ang iba pang mabubuting kaugalian ng mga Pilipino. Sa pakikilahok at pagiging aktibo rin sa iba't ibang kumunidad ay mas makagagawa ako ng matatag na koneksyon at pagkakaibigan na siyang isa sa napaka-importanteng aspeto sa Hive.

Being Participative and Active:

By participating and being active in Hive, I will be able to better show and apply to the entirety of the Hive the other good values of the Filipinos. By participating and being active in different communities I will also be able to make stronger connections, friendship and camaraderie which I think are few of the most important aspects at Hive.

Pagsusulat nang may katuturan:

Makakaambag ako sa Hive sa pamamagitan nang pagsusulat ng may katuturan. Ito ay dahil ang paggawa ng mga de-kalidad na piyesa ay maisasalamin ng mga mambabansa saan mang sulok ng mundo ang kung ano kang tao, lalo na kung paano ka hinubog, kung gaano ka maayos ang paligid na kinalakihan mong magsulat. Sa pamamagitan nang pagsusulat ng may katuturan ay maipapakita at maibabahagi ko sa mundo kung gaano kaganda ang Hive—dahil tunay na ang de-kalidad na bunga ay nangagaling sa de-kalidad na puno nito.

Writing with Meaning:

I can contribute to Hive by writing something meaningful. This is because the creation of high-quality pieces can reflect the kind of person you are, especially how you were shape, and how well is your writing environment. By writing something meaningful I can show and share with the world how great Hive is—because truly, a fruit with quality comes from its tree with quality.

Panghuli ay,

Pagiging matulungin:

Alam ko ang pakiramdam nang natutulungan, nang nababahagian ng kabaitan, nang sinusuportahan. Kung kaya ay gusto kong ibahagi at isukli ang mga asal na ito sa iba upang maramdaman din nila na importante sila, na may sumusuporta sa kanila upang mas ganahan pa silang magsulat at magpatuloy mabuhay. Sa pamamagitan din nito ay mas maraming users ng Hive ang hindi magsasawa dahil nararamdaman nilang tanggap sila at mayroong bilib sa kakayahan nila, dahil dito ay mas dadami pa nang dadami ang magsusulat sa Hive at walang magsisialisan.

Lastly is,

Being Helpful:

I know the feeling of being helped, of being shared with kindness, of being supported all too well. Therefore, I want to share and reciprocate these behaviors with other Hive users to make them also feel that they are important and worthy, so that they would love to write even more and continue to live lively.

Siguro nga ay simple lang itong mga maiimbag ko sa Hive ngunit alam kong ang mga maliliit na bagay ang siyang naiipon upang maging malaking bagay. It's the little things that matters most, kumbaga.

Maybe it's just simple things I can contribute to Hive but I know great things are done by a series of small things brought together. Little things do matter, in precise. Little things are infinitely the most important

istockphoto-1248616878-612x612.jpg

photo from Pixabay



pinpng.com-page-divider-png-130089.png


ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ

IMG_20220515_160208_985.jpg

Renésmee Neverfound

An aspirant writer and artist. To be found is my greatest dream and never be lost. Hi, I am @rene.neverfound, you can call me Rene or Esme if you like. I specialized in prose-poetry and poetry, and now I am trying new things and writing styles. I am a 17-year-old girl living life in the Philippines. I am a total bookworm, otaku, music enthusiast and a grade 12 student with an undying passion on everything I do. Thank you so much for reading!


ㅤㅤㅤ

Sort:  

Isa nga sa mga hinahanap ng Hive sa mga manunulot ay ang mga nilimbag na artikulong dekalidad at mga aktibong miyembro. Salamat sa pagsali sa patimpalak ngayong linggo, Réne!

ang kalidad talaga ay isa sa pinakaimportante dito rin kasi natin nalalaman kong karapatdapat ba tayo, maraming salamat din sa pagbabasa @ayane-chan

 2 years ago  

And you are indeed contributing well to the platform @rene.neverfound!

im glad i am, atee wittyy. thank you for the appreciation and for reading!

 2 years ago  

Napakahusay, ang pagiging matulungan talaga ng ilang Pilipino ang nagdadala sa kanila sa tuktok. Kaya magandang makapag bigay din tayo ng tulong sa iba na una na nating naranasan noong tayo'y bago pa lamang here.

yes, tama ka. salamat sa pagbabasa, sis @ruffatotmeee ! magandang tayo sa hapon!

 2 years ago  

Yayyyyt, sana lahat may "Tayo" huehue. Haha charrr

ahahahahah! hugot moments bigla

Congratulations @rene.neverfound! You have completed the following achievement on the Hive blockchain and have been rewarded with new badge(s):

You got more than 600 replies.
Your next target is to reach 700 replies.

You can view your badges on your board and compare yourself to others in the Ranking
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

Check out the last post from @hivebuzz:

Hivebuzz supports the HiveFest⁷ Travel Reimbursement Fund.
Our Hive Power Delegations to the July PUM Winners
Feedback from the August 1st Hive Power Up Day

thank you!

You're welcome @rene.neverfound! Have a nice day 😊👍