Naranasan mo na bang mapahiya?

in Hive PH3 years ago (edited)

Naranasan mona bang mapahiya?

Kailan?

Saan?

Bkit?

Anong ginawa mo?

Paano mo ito nakayanan?

Sa buhay ng tao asahan natin hindi puro saya, maraming mga pagsubok na dumarating na isyang susubok sa katatagan ng bawat isa. Sa pagbabasa ng mga artikulo dito sa read cash bigla na lang nanumbalik ang isang karanasang kahit kalian ay di ko malilimutan!

May mga taog mahilig magpahiya, hindi nila iniisip ang nararamdaman ng kapwa nila tao. Sa pagpapahiya ng kapwa mo, masaya ka ba?, nakakatulog ka ba? Kung ikaw mismo nagawa mo ng mapahiya sa harap ng tao alam kong hindi mo nanaisin na maranasan din ito ng kapwa mo. Alam ko din na lahat tayo nakaranas nang mapahya at mangpahiya pero depende kasi kung paano ba ito nagyari. Hayaan mo akong ibahagi ang naging karanasan ko na hanggang nagyon di ko nakakalimutan at siyang naging daan upang marating ko kung nasaan man ako sa ngayon.

Sa pagtatapos ko ng kolehiyo hindi ko pa alam kung ano ang susunod na gagawin ko, kumbaga sa mga panahong ito hindi ko pa talaga alam kung ano ang gusto ko sa buhay, kumbaga napilitan lang akong tapusin ang kursong pinili ng aking magulang ara sa akin, dahil sabi nila ito lang ang kaya nila dahil nga mahirap lang kame.

Ngunit pagkatapos ng graduation wala akong balak maghanap ng trabaho na may kinalaman sa aking kurso. Kung kayat sinubukan kong maghanap muna ng pansamantalang trabaho na siyang makaktulong sa akin upang makapg-isip isip kung ano ba ang dapat kong gawin.

Nag apply ako sa SAVEMORE, natapos ko lahat ng requirements ngunit nakakalungkot lang na pagkatapos kong gumastos at ipasa lahat ng pinapapasa nila ay wala na akong natanggap na tawag mula sa kanila! Natatakot na ako nuong kay papa kasi nga ilang buwan na din akong nakatambay sa bahay. Buti na lamang may isa akong kamagaral na pumunta sa bahay at nagtrtrabaho sa isang fast food na bagong open pa lamang.

Binigay ko sa kanya ang aking resume at siya na alamng ang nagpasa nito para sa akin. Akalo ko wala na talaga ngunit may natanggap akong mensahe na nagsasabing kinabukasan ay magkakaoon ng interview. Tuwa at kaba ang naramdaman ko lima kaming lahat na aplikante. Sa awa ng Diyos lahat kame ay tanggap sa trabaho.

Naging cashier ako sa CHOWKING, mahirap ang trabaho lalo nat pera ang usapan. Ang hirap kapag na short ka, mapapgalitan ka. Sa pagtratrabaho ko dito hindi porket cashier ka nasa kaha ka lang, lahat ng pwede mong gawin gagawin mo,kapag walang masiyadong tao, nasa kusina ako naghuhugas ng mga pinagkainan, kung minsang nagseserve ako sa dinning, kung misan naglilinis sa loob ng restaurant. Isang araw inutusan ako ng manager na mag map. Sa totoo lang hindi po ako marunong kung kayat nasabi ko sa kanya ng pabiro, ako talaga sir!

Sa hindi ko inaasaan nagalit siya, may mga salita siyang nabitawan sa harap ng mga tao na diko inaasahan, nanliit ako sa sarili ko, gusto kong umiyak pero di ko ginawa, yumuko na lang ako at kinuha ang map. Ngunit muli siyang nagalit dahil nga sa hindi ko alam ang mag MOP. Sinabi pa niya, umayos daw ako, sino ba ako para sumabatn siya! Sinabi na lang ng mag kasamahan ko, ayos lang iyan, lilipas di ang galit niya.

Kung kayat kinabukasan kinausap ko siya at humingi ako ng tawad mali pala na biruin mo ang nakakataas sayo lalo na at seryoso siya nuong mga panahong iyon. Salamat na lamang at naging maayos ang lahat. Ngunit hindi pa diyan natatapos ang lahat, dumating na naman ang isang araw na ayaw ko talaga mag stay sa KAHA. Kaya nasa dishwashing area ako, mas gusto ko pang maghugas na lang ng pinagkainan kaysa kumuha ng order ng mga taong akala mo naman kung sino…..

Nagalit na naman si manager sa akin,dahil natagalan pa ako sa pagbibilang ng pera, lubos lubos na naman ang kaba na nadarama ko, ang daming pagsubok, dumating pa sa punto na di ko na namalayan na may isang customer pa palang nag bayad sa akin ng pekeng pera. Pinagalitan na naman ako dahil may detector naman kame para makita kung peke ba o hindi ang pera, feeling ko nabudol ako nuong mga panahong iyon. Ang galling ng babae, kunwari iniwan ang barya duon ako nalito dahil pagkatapos umorder bigla na lang umalis at hindi na hinintay ang barya. Kaya siguro di ko na nagawang tingnan kung peke ba o hindi ang pera niya dahil sinundan ng mga mata ko kung saan siya uupo upang ibigay ang kanynag sukli. Nakakapanghinayang lang dahil kinailanagn ko itong bayaran oo binayaran ko kinaltas sa aking sahod. Kakaunti na nga lang nabawasan pa dahil sa mga taong walang awa.

Hidni pa dito natatapos, isang araw may isang senior citizen na umorder sa akin, tinanong ko naman siya kung I upgrade ko na ang drinks niya into large umoo naman siya. Hindi naman kase ibig sabihin na kung ano ang price na nakita mo ay ganoon din ang babayaran mo, kung may dinagdag ka o nag uprade ka asahan mo tataas din ang bill mo. Ang walang hiyang matanda nagreklamo mukha namang mayaman pero ewan ko ba parang first time niya sa chowking. Hiniyawan ako sinabihan ako ng tanga, bobo, lahat na ata ng pwdeng ipakain sa aso sinabi na niya.

Ang daming tao sa restaurant hindi ko alam kung anong gagawin ko, hiyang hiya na ako, gusto ko nag lumubog sa kinatatayuan ko.

Tumakbo ako sa likod at umiyak. Bakit lage na lang akong napapahiya, ginagawa ko naman lahat.

Sobrang pagpapahiya ang ginawa niya sa akin, at dahil diyan nagawa ko siyang patayin sa isip ko. Ang dami kong sinabi na sana mamatay na siya, na sana mabangga siya sa daan, na sana himatayin siya, na sana maisip niyang matanda na siya at sana makonsensiya siya sa ginawa niya sa akin. Ngunit sabi ko patawarin ako ng paginoon sa mga naisip kong ito, ipag pasa Diyos ko na lang nag lahat. Sa sobrang pagpapahiya niya sa akin Dito ko na napag-isipan na kailnagan ko na talagang mgahanap ng tabaho na may kaugnayang sa aking tinapos na kurso. Para di ko na maranasang ang mga pagpapahiyang ito.

Sa susunod na article ko malalaman niyo kung ano ba talaga ang tinapos ko..

Salamat sa pagbabasa, sana lage nating isipin na mas magandang maging Mabuti sa kapwa natin, at huwag susuko kung tayoy minamaliit ng ibang tao gawin na lamang natin silang isnpirasiyon upang sa ganoon umangat tayo sa kinatatayuan natin sa buhay.

Hanggang sa muli:

Love:kith, chrismarie
5acfad0644971dc822259c8d_badday_side.jpg

Sort:  

Congratulations @kith! You have completed the following achievement on the Hive blockchain and have been rewarded with new badge(s) :

You received more than 50 upvotes.
Your next target is to reach 100 upvotes.

You can view your badges on your board and compare yourself to others in the Ranking
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

Support the HiveBuzz project. Vote for our proposal!