"What Value Can Filipinos Bring on Hive?"
Ito yung katanungan ng patimpalak bilang bahagi ng pag diriwang ng "Buwan ng Wika". Inaanyayahan ang bawat Pilipino na sumali at makibahagi sa naiibang patimpalak na ito kung saan hinihikayat na gumamit ng salitang tagalog ang mga lalahok. Isang hamon sa mga manunulat na Pilipino na kagaya ko na laging gumagamit ng salitang Inglish sa pagsusulat. Pero ang pag gamit ng salitang tagalog ay isa lamang sa mga patakaran ng patimpalak na ito. Ang binibigyang halaga talaga nito'y ang pag tugon sa katanungang, "Anong katangian ng mga Pilipino ang maibabahagi mo sa Hive?"
PALAKAIBIGAN
Likas sa ating mga Pilipino ang pagiging palakaibigan. Saan mang dako ng mundo, ang Pinoy ay hindi kayang hindi makipagkapwa tao. Maging dito man sa Hive, kahit pa sa pagsusulat lamang, mararamdaman mo na mahilig makipagkaibigan ang isang Pinoy.
POSITIBO AT MASIYAHIN
Sabi ng ilan, masiyahin daw ang mga Pilipino at may positibong pananaw sa buhay. Saan ka ba nakakakita ng binagyo na, nilindol, at anu anu pang sakuna pero ang ngiti sa labi ay hindi maipagkakait ng isang Pinoy. Kayang pagaanin ng isang Pilipino ang isang sitwasyon na di kaaya aya. Gamit lamang ay mga salitang sinusulat, kaya ng pinoy yan.
MATULUNGIN(HELPFUL)
Ang pagtulong sa kapwa ay likas sa ating mga Pilipino. Ilang beses ko na rin itong naranasan at napatunayan maging dito sa Hive. Sa tuwing may sakuna o kalamidad, ang mga Pinoy dito sa Hive ay nag tutulungan. At marami rin rito ang natulongan kahit pa mandin hindi miyembro ng komunidad na ito, tulad ng mga kapitbahay. Isa ako sa makapagpapatunay nun dahil isa rin ako sa natulungan. (Na tanging si @romeskie lang ang nakakaalam.)
MAPAGMAHAL SA PAMILYA
Kaya natin ipagmalaki sa buong mundo na tayong mga Pilipino ay sobra magmahal sa ating pamilya. Kaya natin magsakripisyo para sa kanila. Lahat gagawin para sa ikabubuti nila.
Oo nga't may mga pamilyang di buo, alam ko yun at marami na nga ang ganun. Pero tingin nyo ba yung mga anak ng mga pamilyang yun, di naghahangad ng kumpletong pamilya? O kaya, pinapangarap na kapag sya'y magkapamilya, gagawin nya lahat para may pamilya syang buo dahil naranasan niya bilang anak kung gaanu kasakit na di niya kapiling yung nanay o tatay niya. Sa kaloob looban ng bawat Pinoy, pamilya ang kanyang sandigan at ang kanyang kalakasan.
Pero pamilya rin ang turing natin sa mga malalapit nating kaibigan. Hindi man tayu magkakapatid sa dugo, pero alam kong maging ang HivePh ay pwede mong matawag na iyong pamilya. Sa oras ng iyong kagipitan, ng problema, ng kasiyahan, andyan ang HivePh na pwede mong maaasahan. At alam yan ng mga taong laging nasa HivePh discord. Ang hinihingi lang
naman ng iyong kapatiran, ay iyong oras at kunting partisipasyon. Ito ay upang ikaw rin ay kanilang makilala ng masinsinan.
Alam kong bawat tao ay may mga negatibong katangian, at kasama na rin naman ang mga Pinoy dun. Pero sa pagkakataong ito, nais ko lamang ipahayag ang mga natatanging positibong pagkakakilanlan ng mga Pilipino sa kadahilanang...gusto ko lamang. 😜
Sana'y nasagot ko ng maayos ang katanungan sa linggong ito, at inaanyayahan pa ang iba na lumahok na rin. 🥰
All values are mentioned I guess. Di ako masiyadong sanay magbasa ng tagalog na tagalog dito sa Hive😂
Hahaha, nakakailang basahin ang Tagalog lahat? 😅 But anyway, thanks parin sa pagbasa. 🥰
Di naman hahaha di lang ako sanay parang sobrang lalim😂
Hehe, para ba gang isang matandang ninuno na ang nagsasalita? Sa kapanahunan kasi namin nun na nauso yung HIRAYA MANAWARI, BAYANI, WANSAPANATYM at mga tagalog na movies. kaYa ganyan epekto. Ngayon mga kabataan babad na sa English eh.
Nasabi mo na lahat, Ate. Good luck na lang sa contest.
Salamat @ayane-chan.. 🥰
Ako ay sumasang ayon sa iyo Jona.Sadyang likas na sa ating mga pilipino ang pagiging palakaibigan.
At eto ay makakapagbigay ng magandang impresyon sa mga kapya manumulat dito sa hive
Lubos kong ikinatuwa ang iyong komento na nakasalin sa Tagalog. Tama ka, at malaking puntos sa isang manunulat Ang pagigung palakaibigan. Salamat pala sa pagbasa ng aking lathala @lhes.🥰
Tama close family ties, na kahit din hindi kadugo it feels like we were one.
Syang tunay @eunonia101.🥰 Salamat sa pagbasa ng aking lathala. Hehe.. pinangatawanan talaga Ang Tagalog. 😅
Your content has been voted as a part of Encouragement program. Keep up the good work!
Use Ecency daily to boost your growth on platform!
Support Ecency
Vote for new Proposal
Delegate HP and earn more
Congratulations @jonalyn2020! You have completed the following achievement on the Hive blockchain and have been rewarded with new badge(s):
Your next target is to reach 1750 replies.
You can view your badges on your board and compare yourself to others in the Ranking
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word
STOP
Check out the last post from @hivebuzz:
Thanks @hivebuzz.
Salamat sa pagsali sa patimpalak ni Hiveph!
Kaya sana yung mga hindi aktibo ay maging aktibo na para naman mas makilala sila nang lubusan.
Ahemm.. maging ako man ay minsan di nakakapag join sa usapan.. nagbabasa lang ako. Di kasi minsan makasabay sa mga bagets. 😅
Ayos lang yan madalas naman talaga maingay sila pero hayaan na natin ang mahalaga ay buhay ang tahanan at may tao hindi katulad noon na walang ka tao-tao.
As in. Now ang ingay na nila. hahaha.ang haba na ng backread ko kaya minsan di na ako nagbabackread. malingat lang ako ng ilang minuto, ang haba na.😅 Pero masaya ako na madami na ang mga newbie sa discord at napapasaya nyo sila. Yung iba di na natutulog.hahaha, lagi nalang nakatambay sa hiveph discord.😅