You are viewing a single comment's thread from:

RE: Question Of The Weekend: Naniniwala ka pa rin ba sa kasal? | QOTW Last Week's Winner Announcement

in Hive PH7 months ago

Ang kasal ay para sa magpartner na gusto nang magsama habang buhay kahit anong mangyari. Kaya me wedding vows.

"to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, till death do us part, "

At dahil naniniwala pa rin ako sa halaga ng salita ng isang tao, naniniwala pa rin ako sa kahalagahan ng kasal. Ang kasal kasi hindi yan para sa "sarap" lang. Maraming pagsubok ang mararanasan ng mag-asawa, at mas tumatatag ang pag-iibigan kapag nalampasan ang mga pagsubok na yan.

Sa kabilang dako naman, maraming nagsisi pagkatapos ng pagpakasal dahil kesyo, nanakit ang partner, nanmbabae or nanlalaki si partner... (mas masakit yata pag nanlalaki si mister hehehe). Ang problema dyan kasi nagpapadala tayo sa bugso ng damdamin, lalo sa "init at sarap" ng pagiibigan, kahit hindi pa lubos na kilala ang pakakasalan.

Tulad ng sabi ng isa pari...
"Ang pagpakasal ay hindi yan katulad ng pagsubo ng kanin. Na kung mapaso tayo, iluluwa natin."

Sort:  
 6 months ago  

maraming nagsisi pagkatapos ng pagpakasal dahil kesyo, nanakit ang partner, nanmbabae or nanlalaki si partner.

Sila yung mga taong mahihina. Mahina sa tukso.🤣

Tama.
Yung tukso, hindi mawawala yan eh.

Ang tanong dyan, kung kakalimutan sandali ang sinumpaan at magpadala sa tukso or kakanta ka ng... "Tukso... layuan mo ako!"

 6 months ago (edited) 

Kantahin nalang siguro Ng paulit ulit. Haha

Isipin ang mga consequences talaga..

bawal iluwa. subo lang ng subo. ba't ang sagwa pakinggan? ahaha

🤣😜🤣😂🤣😂🤣