~ I want to write something in Filipino language but I find it difficult to start 😭 maybe because I am used to writing blogs and articles using English. I am challenged today to make this a good blog🥺
Linggo nanaman at byahe na ako pabalik kung saan ako nag tatrabaho.
Kada biyernes o sabado umuuwi ako saamin para makasama ang pamilya ko at aking mga kapatid sa pananampalataya, pagkatapos ay byahe na pabalik sa trabaho tuwing linggo ng gabi. Siguro tanging bus ticket lang talaga ang maiipon ko ngayong taon. Kasama ko ang mama ko ngayon dahil isa siyang part time nurse sa ospital na kung saan ang may ari ay siya ring may ari ng aking paaralan na tinuturuan. Oo, isa akong guro, guro ng Agham. Nakapag tapos ako ng kursong Chemical Engineering ngunit nagkaroon ng pag babago sa nais kong gawin sa buhay, at yun ay ang pag tuturo.
Dalawa at kalahating oras din ang biyahe. Nakakahilo lalo na at madaming zigzag na daan at air-conditioned pa ang sinasakyan kong bus. Bawat byahe may istorya. Minsan nakaka tawa minsan ayoko ng aalalahanin pa.
Migraine. Yan ang kwentong bus ko ngayon, kahit kada linggo nalang ako bumabyahe di pa rin ako nasasanay at nahihilo pa rin ako. Pumikit ako nang maramdaman ko na umiikot na ang mundo...
"Nahihilo nalilito~~"
Malakas na awit ng katapat ko. Lumingon ako sakanya at nakitang naka earphones siya. Kaya pala.
Hilong hilo na ko at tawang tawa rin. Hays sakto sa nararamdaman ko yung kanta niya. Kaiyak. Maya maya, bumaba na rin siya.
Nakaidlip na ako at alam ko na malapit na kami ni mama sa patutunguhan namin. Nakapikit ako para di ko makita ang pag galaw galaw ng paligid dahil zigzag nanaman ang daan.
"Saan baba mo?"
Iminulat ko ang mata ko at handa na sanang sagutin ang kundoktor. Hindi pala ako ang tinatanong buti di ako sumagot. Yung katabi ni mama ang tinatanong (naka upo kami sa tatluhab, pasahero,mama, ako).
"Ikaw ba si Princess?" sambit pa ng kundoktor
Tumango naman ang babae.
"May tumatawag saamin mula sa terminal hinahanap ka di ka ata nag paalam, nag layas ka ba?"
Umiling naman ang babae.
Maya maya huminto na ang bus at ito'y hudyat na ng aming pagbaba. Palaisipan pa rin saakin hanggang ngayon kung naglayas pa talaga ang babaeng nakasakay namin.
Ano't ano pa man, nawa'y lahat ng nasa bus ay ligtas na nakarating sa kanilang patutunguhan.
~Salamat sa pag babasa 😍
Minor de edad ba Yung katabi nyo bes?
Mahirap nag magbyahe, and haba pa naman nun. Iniimagine ko byahe ko Mula dito sa amin hanggang Valencia, naks!